NICOLE'S POV
Nakatalikod siya ngayon na parang may inaantay. Suot niya yung yellow na hoodie like he always does when he appers in my dreams. Papalapit ako nang papalapit sa kanya...
Malalaman ko na kung sino siya
Malalaman ko na kung sino siya
Sino nga ba siya?
"At last" sabi ko sa kanya "...the mysterious guy in yellow"
Unti-unti na siyang humarap sakin
"Sabi sayo dadating ako eh" sabi niya while smiling
Nandito kami ngayon ni Dana sa KFC
"Girl kanina ka pa tahimik. Anong problema?" napansin pala ni Dana
"Wala may iniisip lang" sagot ko
"Don't tell me nagtatampo ka pa din sakin? Sorry naaaaa. Wag ka nang magtampo!" akala niya galit pa din ako dahil hindi niya sinabi yung sa kanila ni Teng. Hindi na no! Libre niya lunch ko ngayon eh. Hahaha!
Si Fort....
Si Fort yung guy in yellow
Siya yung lagi kong napapanaginipan. Kung dati ang tanong ko lang ay kung sino siya, ngayong alam ko na hindi na yun yung tanong. Hindi na lang yun yung tanong.
Bakit siya?
Bakit siya laging nasa panaginip ko?
Anong ibig sabihin nung mga sinabi niya sa mga panaginip ko?
Napapanaginipan niya din ba ako?
Anong mangyayari ngayong dumating na siya?
Agggh ayoko muna isipin! I-eenjoy ko na lang muna tong free lunch ko :)
Papunta na ko sa last class ko. Yun yung class na kung saan kaklase ko si Fort.
30 minutes na ang nakalipas pero wala pa din si Fort. Mukhang hindi na siya papasok. Bakit kaya? May sakit kaya siya? May nangyari kaya? Okay lang kaya siya? Hindi siya nagtext sakin simula kaninang umaga. Sa bagay wala naman siyang responsibilidad na itext ako pero bakit ganun... Parang... Namimiss ko na siya... What?! Ano ba tong nangyayari sakin. Simula paggising ko, puro Fort na lang ang laman ng isip ko. Arrrrgh naguguluhan na ko.
Hindi ko alam kung bakit pero next thing I did is nilabas ko yung phone ko
To: Jeric Fortuna
Nasan ka?|
Delete! Too clingy!
Bakit absent ka ngayon? San ka?|
Delete!
Okay ka lang ba? Bakit ka absent?|
Delete!
Uy hinahanap ka ni sir. Bakit ka ba absent?|
Delete!
Ayoko naaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!
Di ko na lang siya itetext. Di naman siya nagtetext eh!
Bakit sobrang tagal naman yata ng oras ngayon?
"See you on Wednesday class" sa wakas tapos na ang last class! Ang boring talaga ng araw na to! Makauwi na nga!
"Missed me?" SI FORT. Nasa labas ng room namin. Ako ba yung hinihintay niya? Bakit siya nandito? Kakausapin niya ba yung prof namin? Pero hindi eh, mga 5 minutes ago nakaalis na siya.
Ugh Nicole. Wag kang magpapahalata
"O Fort. Wala ka pala kanina sa class?" Biro ko sa kanya
Nagpout siya "Ay sige, alis na ko. Pumunta lang naman ako dito kasi akala ko namiss mo ko eh" Pinuntahan niya ko. He actually came here for me.
Aalis na sana siya pero bigla kong hinila yung kamay niya
"Uy joke lang naman eh" halatang nagulat siya sa ginawa ko
"Tara milktea tayo! I'll treat you" sabi niya
"Wag na nakakahiya naman" pilitin mo ko Fort... Pilitin mo ko
"Tara naaaa please" sabay puppy eyes! How can you say no to that!
"Sige na nga" kunyari napilitan!
Nandito kami ngayon sa Moonleaf. Kumuha na ako ng seat namin habang si Fort naman umorder na.
"So namiss mo nga ako?" sabi niya habang inaabot yung milktea ko sabay ngiti na sobrang nakakatunaw
"Hmmm pagiisipan ko" oo Fort, namiss kita. Kung alam mo lang na ikaw lang laman ng isip ko buong araw
Nagfrown ulit siya pero tumawa ako "Joke lang uy! Bakit ba wala ka kanina? Hinanap ka ni Sir" joke lang. Ako yung naghahanap sayo kanina.
"Si Sam kasi inuubo eh mga 2 weeks na hindi pa din nawawala. Eh may mga prior commitment sina mommy and daddy pati mga kapatid ko. Sabi ko ako na lang sasama" kaya pala. Ang sweet naman ni Fort sa kapatid niya
"Ah... Eh bakit bumalik ka pa dito sa UST?"
"Para puntahan ka" muntik ko na syang mabugahan ng pearl sa mukha
"Ewan ko sayo Fort. Puro ka kalokohan" sabi ko na lang
Nagkwentuhan kami at puro tawanan. Ang sarap talagang kasama ni Fort. Napakabait at napaka gentleman. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya.
"Akyat ka na" hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa condo ko. Nag-insist kasi siya na ihatid ako
"Thank you sa milktea Fort"
"No Nicole. THANK YOU. I had fun" I blushed
Ang saya saya. Pag kasama ko si Fort, parang walang problema.
Dahil wala namang homework, nagtwitter muna ako
@jeronteng
I hope it's not too late
For a day, nakalimutan ko na may Jeron Alvin Teng na nageexist. Dahil nga ba kay Fort?
@jericfortuna
Thank you milktea buddy! @NicolePe :)
Hala. Parang sasabog na yung notifications ko sa dami. Dahil sa tweet ni Fort may mga nagmemention na sakin. Sino daw ba ako. Girlfriend daw ba ako ni Fort. Hindi ako nagreply kay Fort pati na din sa mga nagmention dahil baka lalo kaming pagpyestahan. Itetext ko na lang siya.
To: Jeric Fortuna
You're welcome! :)
From: Jeric Fortuna
Hi Miss Sungit! Anong ginagawa mo? :)
To: Jeric Fortuna
Miss Sungit ka dyan! Nanonood ng movie :) ikaw, anong ginagawa mo? :)
From: Jeric Fortuna
Iniisip ka :)
Hay Fort wag ka namang ganyan. Mas lalo akong naguguluhan sa ginagawa mo. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Pag kasama ko siya, ang saya saya ko. Pag wala siya, namimiss ko siya. Pero ano nga ba talaga yung tawag dito sa nararamdaman ko? Kailangan ko munang maging sigurado. Ayoko nang umasa ulit. Ayoko nang masaktan ulit.