"Malapit na malapit na Nicole..." Ayan nanaman yug lalaki na naka yellow na hoodie. Papalapit na siya sakin. Makikita ko na siya!
Nang biglang...
*bzzzzzzzzzzzzzt Nagvvibrate pala yung phone ko. I checked the time. 10:03 PM
Chen Cruz calling...
"Hello" Sabi ko
"Bes! Did I wake you up? Sorry!"
"Okay lang. Why did you call?"
"Gimmick tayo tonight! Nagyayaya sila Chy! Dali na wake up na! JD and I will pick you up in an hour!"
Magsasalita na sana ko pero biglang binaba na ni Chen yung phone. Kilala ko yung bestfriend ko, she doesn't take no for an answer. Ano ba yan, inaantok pa ako eh. Oh well, tumayo na ako para magshower. After 45 minutes, nakaayos na ako. Shoot! Di pa pala ko nagpapaalam kay Mommy at Kuya. Oh well! Bahala na. Di naman nila malalaman.
Bumusina na ang kotse ni JD. Binuksan ko na yung pinto nang biglang
"San ka pupunta Nicole?"
Si Manang Jocelyn pala. Since baby pa lang ako, nandito na siya sa pamilya namin. Asawa niya si Manong Jun na simula bata pa lang din ako eh driver na din namin.
"Ah eh, manang, lalabas lang." Itatanong niya siguro kung nagpaalam na ako kay Mommy at kay Kuya pero di ko na siya pinagsalita. "Pag hinanap ako sabihin mo Manang umalis lang kami ng friends ko. Bye Manang you're the best!" Pumasok na agad ako sa kotse at umalis na kami.
Nakarating kami sa Eastwood at nagkita kita kami sa isang bar dun. Nandun sina Chen, Chy, Ally, Patch, Lec at Dina. Lahat sila mga friends ko sa La Salle. Kasama din nila yung mga boyfriend nila.
"Nicole!" Lumingon ako. Si Kirstin pala. Isa ko pang friend.
"Kirstin! I miss you!" Nagbeso at naghug kami. "Hi Nicole!" Si Thomas. Kasama pala ni Kirstin si Thomas, yung boyfriend niya. KASAMA NI KIRSTIN SI THOMAS. KASAMA NI KIRSTIN SI THOMAS. Which means...
As if on cue...
"Long time no see." sabi ng lalaki sa likod ko
Nagpaalam sakin si Kirstin at si Thomas. I stood frozen in my place. Hindi ko alam kung anong dapat ko maramdaman. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Yung boses na yun, yung boses na naging familiar sakin for almost 3 years... Akala ko wala na. Akala ko handa na ko. It's been 4 months since we last saw each other. Pero yung sakit, ganun pa din katulad nung araw na nakita ko silang dalawa. Ang sakit. Ang sakit sakit.
Mahal ko pa din ba siya?
"Jeron..." I said, faking a smile. Kailangan ko ipakita sa kanya na kaya ko na... Kailangan makita niya na hindi na ako naaapektuhan
"BABE!" A girl called her. Si Kat. Si Kat... Yung kaibigan ko dati. Si Kat. Babe daw. Ako dapat yung tumatawag sayo nyan Jeron, hindi siya. Ang sakit sakit. Lumapit samin ni Jeron si Kat "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh." She gave Jeron a peck on the cheek. She clinged her arms kay Jeron... Halatang nananadya.
"Hi Nicole!" She told me while grinning. I can't believe naging kaibigan ko siya! Ugh! Ano bang ginawa ko sa kanya at parang ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya! "Hi." Sabi ko na lang. Pero hindi ko pinahalata ang bitterness. "Excuse me, I have to go to the ladies' room." At umalis na ako
Nakita ako ni Chen. Nilapitan niya ako. "Bes! I'm so sorry! I'm so sorry! Hindi ko alam na nandito sila. Swear hindi ko alam." Halatang naguiguilty siya. "Okay lang bes. Alam ko naman na sooner or later, mangyayari to eh. I should've been more prepared." Niyakap ako ni Chen "Basta nandito lang kami for you, okay?" Nagsmile naman ako. "CR lang ako bes ha. Puntahan ko na lang kayo."