JERIC'S POV
"Hoy gising na Ta!" Ang kulit naman nitong si Tata. May training pa kami ng 8 eh!
"Tara na nga Fort iwan na natin yan! Magbbreakfast pa tayo sa Mcdo eh." Sabi ni Kevin
Biglang bumangon si Tata at dumiretso sa banyo para maligo na. "Sabi sayo eh. Pag nakarinig ng pagkain yan babangon yan eh."
Eh pano kasi, hindi naman talaga kami kakain sa Mcdo. Sinabi lang yun ni Kevin para kumilos na si Tata
Nung natapos na kaming tatlo, naglakad na kami papuntang UST. Malapit lang kasi ang dorm namin dun. Pagdaan namin sa may carpark, may mga nagpapicture samin. Buti na lang medyo maaga pa kundi sabon nanaman kami kay Coach nito.
Nagbihis na kami sa locker room ng pangtraining nang napansin ko na may text pala sakin.
From: Paulo Pe
Paps! Malalate lang ako ng konti ha. May emergency eh. Pakisabi na lang din kay coach
Emergency daw. Talaga tong si Pe o. Ganyan lagi sinasabi nyan pag nalalate ng gising o kaya may bago nanamang chiks. Isa kasi yun sa pinaka chikboy sa team eh. Syempre hindi ako kasama dun. Haha!
8:17 na wala pa din si Coach kaya nag warm up at shooting muna kami
Narinig ko na bumukas yung pinto ng gym. Andyan na yata si Coach. Pero paglingon ko, si Pe pala. May kasama na babae. Parang nakita ko na tong babae na to eh. Pero imposible naman. Hila hila siya ni Paulo. Bagong chiks nanaman siguro niya. Ang ganda niya. Nakasuot siya ng violet dress na one shoulder at maiksi tapos yung black heels niya ang taas. Ang ganda niya talaga. Ano ba tong iniisip ko! Kaibigan ko si Paulo tapos ganito iniisip ko dun as chiks niya! Pero hindi lang pala ko. Tinignan ko yung iba kong teamates at pati sila, nakanganga din. Maputi, matangkad, mahaba yung buhok niya, sexy at mukhang... Mukhang lasing.
"Mga paps, Nicole nga pala. My sister." Sister? Kapatid niya? May kapatid pala si Pe? Whew. Akala ko pa naman chiks niya. Hindi ko alam kung bakit, pero natuwa ako nung nalaman ko na hindi niya pala girlfriend yun. Ano ba naman tong iniisip ko! Fort ano ba!
"Your GORGEOUS sister." hirit naman ni Nicole. Makulit pala to eh, nakakatuwa! Haha
Natawa yung team sa sinabi ni Nicole.
"Wala ka pala paps eh! Cute naman ng kapatid mo." Sabi ni Aljon. Aba! Mukhang damoves tong si Aljon ha! Hindi pwede
"May kapatid ka pala na maganda Paps di ka manlang nagkkwento!" Isa pa tong si Melo!
"Pasensya na mga paps. May amats kapatid ko ngayon. Wag niyo na lang pansinin yan." Sabi ni Paulo
"Tama na nga yan! Puro kayo kalokohan! Back to practice!" Sigaw ko sa kanila. Sa totoo lang, sinabi ko lang yun para mawala na yung atensyon nila kay Nicole. Ayoko kasi na may ibang tumitingin sa kanya or what. Hala Fort?! Ano nanaman yang iniisip mo!
Maya maya dumating na din si Coach
"O Paulo, kasama mo pala inaanak ko." Narinig ko na sabi ni Coach kay Paulo. So inaanak pala ni Coach si Nicole. Ayos! Baka pwede ako magpatulong. Hahaha!
Pumito na si Coach at nagstart na kami sa training.
Habang nagttraining hindi ko maiwasan na tumingin kay Nicole. Ang ganda niya talaga kahit lasing pa siya at gulo gulo yung buhok niya. Pero bakit kaya siya lasing? Habang pinagmamasdan ko siya, nakikita ko na punong puno ng kalungkutan yung mga mata niya. Ano kayang problema niya? Nakakalungkot naman.
*BOOG!
"Fort! Sorry!" Pinasahan pala ako ni Teng ng bola. Di ko napansin kakatitig kay Nicole
"Fort ano ba?! Nasan ba utak mo?!" Bulyaw ni Coach