Chapter 9

293 8 7
                                    

FORT'S POV

I feel like the luckiest man alive. Hindi man niya sinabi na mahal niya din ako, binigyan niya naman ako ng chance. Sabi ko nga sa kanya, yun lang, okay na.

Ito ang first official day ng panliligaw ko sa kanya. Grabe, hindi pa din ako makapaniwala. Akala ko irereject niya ako tulad nung ibang gustong manligaw sa kanya. Sabi kasi ni Paulo simula daw nung magbreak sila ng ex niya, poporma pa lang yung lalaki eh supalpal na agad. Grabe!

Kinuha ko yung susi ko at umalis na. Nandito ako ngayon sa supermarket. Ano kayang mga trip na pagkain nun si Nicole? Ang hirap magdecide. Lahat kasi basta pagkain gusto nun eh! Hahahaha! Shhhh!

Pagbalik ko sa dorm, niluto ko na at hinanda yung mga nabili ko. Buti na lang marunong ako magluto. Tinuturuan kasi ako ni mommy everytime na uuwi ako sa Paranaque.

Habang nagluluto ako, lumabas ng kwarto bigla si Ron. Pero teka...

Nakapikit? Sumisinghot singhot na parang aso. Hinahanap kung saan nanggagaling yung amoy! Hahahahaha grabe talaga to!!!

"Wow breakfast!!! Ang damiiiii!!! O_O" ganyan talaga yung mga mata niya nung nakita niya yung mga pagkain sa mesa

"Hep hep hep!!! Hindi para sayo yan. Kay Nicole yan"

"Badtrip" sabi niya sabay pout at balik sa kwarto. Binalibag pa yung pinto. Ganyan talaga yan pag di nakakain! Hahaha! Napakatakaw kasi!

NICOLE'S POV

Good morning sunshine!

Iba yung gising ko. Ang saya ko.

Hindi ko alam pero.....

KINIKILIG PA DIN AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Hindi ko makalimutan yung mga nangyari kahapon. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Pero at the same time, nung nangyari lahat yun, parang lahat naka slow motion. 

May nag door bell. Ugh, istorbo naman sa daydream ko. Sino naman to? Ang aga aga eh.

Pagbukas ko ng pinto... Walang tao. Ang weird. Papasok na sana ako pero nakita ko na may paperbag sa lapag.

Dinala ko sa loob at tinignan ko kung ano yung nasa loob. Puro tupperware. Kanin? Hotdog? Bacon? Ham? Longganisa? Tapa? Pancakes? Fruits? San naman nanggaling to?

Nasagot yung tanong ko nung tumunog yung cellphone ko.

From: Jeric Fortuna

Enjoy your breakfast! :)

Siya nagluto ng lahat ng to?!

Tinawagan ko siya...

Hindi pa ko nakakapagsalita pero nagsalita na siya.

"You're welcome" and I'm sure I heard him chuckle

"Uy captain. Thank you ha. Ikaw naman di mo naman kailangan gawin yun. Ang dami dami pa nito"

"Sus. Baka nga kulang pa sayo yan eh" he's laughing again

"Ah ganon"

"Joke lang poooo. Baka bawiin mo pa sinabi mo kahapon eh! Hmm hindi ko kasi alam kung anong gusto mo eh. Kaya ayan dinamihan ko na"

"Thank you captain. You really know how to make me happy" OKAY NICOLE. BAKIT MO SINABI YUN?

He didn't answer right away. Baka nabigla din sa sinabi ko.

"My pleasure! O kainin mo na yang breakfast mo ha. Papunta na ako ng training. See you later. Don't skip meals okay? Mag ingat ka"

"Opo, daddy! Hahahaha!" para kasing daddy ko kung makapagbilin! Hahaha.

"Yiiiii ikaw ha! Daddy na kagad tawag mo sakin!" ano daw?!

"Hey I didn't mean it that way!" I'm pretty sure I'm blushing furiously right now

"Wala nang bawian mommy sinabi mo na eh! See you later. Can't wait! Bye mommy!" after nun binaba na niya. I'm sure sinadya niya yung para hindi na ako makaangal! 

Talaga tong si Fort o. Binuksan ko na yung mga tupperware at kumain na. In fairness, lahat masarap ha. Nako, dagdag pogi points! Masarap magluto! Hahaha!

"OMG girl!!! Nililigawan ka na ni Fort?!?!" tinakpan ko yung bibig niya

"Shhh! Ang ingay mo! Ang daming tao!"

Kumakain kami ngayon ni Dana. Kwinento ko na sa kanya yung nangyari kahapon. Grabe, kilig na kilig din siya! 

"Sabi ko na nga ba eh. Iba yung tingin niya sayo nung nagpunta tayo sa Tagaytay eh"

"Dana... Hindi ko alam kung ready na ba ako"

"Nako naman girl wake up!" sabay snap sa mukha ko

"Look at me. It's been 1 year! Ano? Forever mo ikukulong yang sarili mo sa taong... Sorry for the term... WALA NAMANG PAKIELAM SAYO? You deserve to be happy!"

Tama si Dana. I deserve to be happy at pinapasaya ako ni Fort. Hindi dapat maging hadlang yung nangyari in the past para sa kasiyahan ko. 

Dumating na si Teng. Nako may class pa pala ako.

"Iwan ko na kayo dyan lovebirds! May klase pa kasi ako eh"

"Akala mo naman kami lang. Kayo din ni Fort lovebirds eh" si Teng

"Bahala kayo dyan che" sabay walk out. Hahaha! Loko talaga yung dalawang yun!

Pagpasok ko sa room nandun na si Fort sa seat niya. Pagkakita niya sakin nagsmile siya.

"Hi mommy"

"Hi dad-----FORT" hala!!! Muntikan na ko dun ha!!!

"Anong Fort? Mommy naman eh" sabay pout

"Hoy tumigil ka dyan. Mommy ka dyan" and we chuckled

Zzzzzzzzzz... Sobrang boring nung dinidiscuss ng prof namin. Alam ko na kasi to eh kaya hindi na ko full attention sa tinuturo niya. Yung half kay Fort. Joke! Hahaha!

Napansin ko na kanina pa siya patingin tingin sakin. Tapos magssmile. Tapos titingin sa prof namin. Tapos sakin ulit. Tapos smile ulit. Ang weird niya!

"Matunaw naman ako nyan captain"

Nag smile lang siya

Nagulat ako nung bigla niyang kinuha yung notebook na nakapatong sa armchair ko. He started writing.

I

<3

YOU

=)

Oh. My. God.

Gusto kong manapak sa kilig! Hahahahaha pero syempre... Kailangan pigilan! Hahaha. I blushed. Oh gosh sana hindi niya mapansin.

"Walang reply, mommy?" sabi niya tapos kunyaring nagtatampo. Wag ka namang ganyan Fort. Baka hindi ko mapigilan yung kilig ko.

Baka hindi ko mapigilang...... Ma-inlove sayo. 

MY SAVIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon