THE BACHELOR'S PICK 26

6.5K 149 63
                                    

BIANCA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BIANCA

"Hi," alanganing bati niya sa mga nakangiting receptionist. Kahit ba nasa likod niya ang dalawa sa mga backup ni Red kaya hindi siya nasita mula sa lobby ng building hanggang dito sa twenty first floor. Parang nangingilag pa nga ang mga tao sa paligid niya.

She also ride the exclusive elevator for the executives. Walang pila at sila lang ang tao. Nakakaloka ang buhay ni Red. Hindi niya alam kung kakayanin niya.

"Bianca!"

Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig. "Mela?" Nagtatakang sabi niya sa pangalan nito. She wasn't expecting to see the woman. "You're here!"

"Of course, dito din ako nag-o-oposina." Niyakap siya ni Mela at hinalikan sa pisngi. She felt the woman's sincerity, parang kaibigan niyan na ito. Kinindatan din nito ang mga receptionists na nasa loob ng frontdesk platform na may counter paikot. "Fiancée ni Boss Red."

Napanganga ang mga babae.

She blushed. Hindi niya yata masasanayan ito.

Hinawakan ni Mela ang kamay niya at sinabayan siya papasok sa glass door ng office. Ang mismong backup pa ni Red ang nagbukas ng pinto para sa kanila.

"Ano'ng nangyari kay Rina?" She noticed how elegantly looking the office was. Mula sa front desk na may tatlong magagandang babae who looked more of flight attendant than receptionist in burgundy and black combination of color in pencil cut skirt and sailor blouse na fit sa bandang dibdib at baywang. Women were on their heels and men on their long sleeves and necktie. Walang naka jeans. Trousers of different dark colors were what men wears.

The floor was carpeted with blue accent.

May mga malalaking desk at executive chairs sa bawat cubicle. But Mela had her walked to this hallway na maraming pinto. There were big and thick carved red-brown double panel doors shade of blue than what she'd seen. She had never seen an office as elegant as this.

"Hmm, let's see. Si Rina ay nasa opisina ni Red. He had me pick you up at the reception area dahil kilala mo daw ako. Baka daw mahiya ka kay Rina."

She was grateful that Red thought about her comfort. That humbled her a lot. She looked around. "So, ito ba ang opisina ng mga executives?"

"Nandito ang magpipinsan."

Nag-alangan siyang maglakad. Wala man lang sa kalingkingan nito ang opisina niya. Tabi tabi sila doon kahit pa may sariling silid ang HRD. Ang pinaka boss lang ng bawat department ang may sariling cubicle.

This was the real corporate world. Wala man lang siyang idea. At mapapangasawa niya pa ang isa sa mga executives.

They entered a double panel door. Isang babae ang naroon naka-uniform ng mas formal kaysa mga nasa front desk. May suot din itong navy blue suit. Si Mela, for some reason ay hindi naka-uniform.

THE BACHELOR'S PICK (COMPLETED) BUENVIAJE SERIES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon