THE ENGAGEMENT
💖💖💖
BIANCA
For the first time in two weeks, nagkitang muli si Yuri at Red.
Bianca's bestfriend immediately apologized to her husband in her pastel blue formal dress.
Red just said: Hmmm.
Nagkatinginan sila ni Yuri
Iniwan sila nito matapos siyang halikan sa noo.
"Ang sungit naman no'n!" Yuri whispered.
Nasa kuwarto sila at hindi pa bumababa. Sumilip lang si Red at tiningnan kung nagbibihis na siya.
Saktong nasa kuwarto na nila si Yuri. She invited her friend up para makapag-bonding sila.
"Mabait 'yon, nagpapa-cute lang," sagot niya sa kaibigan.
She didn't know what's Red's game. Pero kapag ganoon ang akto ng asawa niya. Alam niyang may nilulutong kalokohan.
Habang nakanguso si Yuri na umupo sa couch ay naupo siya sa gilid ng kama sa tapat nito para i-text si Red.: Anong arte 'yan? Ba't mo sinungitan si Yuri? Maid of honor natin ito.
Mabilis naman itong sumagot.: Sinungitan? What did I do?
You just said hmmm, and left.
Yeah, masungit iyon?
Oo!
Sige mamaya hahalikan ko. Hinahanap ko lang si Noah.
What for?
Di ba iti-test ka?
Hindi ba sabay tayong bababa? Bakit ikot ka nang ikot?
May mga hinihintay ako. I'll be there in a few. We still have thirty minutes bago magdatingan ang mga bisita. Nagustuhan mo ba ang damit na binili ni mommy?
Opo, it's very beautiful. Pati si Yuri kanina pa tinititigan.
It is Versace. Hindi mo kamo ibibigay sa kanya.
Hahaha! Baliw!
I'll see you in a while, baby.
Okay.
Muli niyang nilingon si Yuri. "Busy lang. Babawi 'yon mamaya. Nagmamadali, eh. May inaabangan."
"Sure?"
Tumango siya. "Si Red ang pinaka pasensyosong tao na nakilala ko. Unless ako ang gumawa ng kasalanan at affected siya. Hindi 'yan marunong magtanim ng galit."
"What do you mean, kapag ikaw?"
"Well, sabi niya, I bring out the worst in him. Madali siyang magtampo at mainis kapag ako ang involve at hindi niya maiwasan mag-react."
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR'S PICK (COMPLETED) BUENVIAJE SERIES 3
RomanceThe Bachelor's Pick The Bachelor is looking for his bride. All women ages 23 to 27 are invited to apply. Please send your one whole body shot and one close up picture to P.O. Box 1000 Manila Central Post Office 1050, Manila Philippines, together wit...