💖💖💖
BIANCA
So, they face Red's parents once again after a while at wala ni isang bumanggit kay Amy.
It was a very joyful event. Ang daming kuwento ng daddy ni Red tungkol sa asawa niya.
Red grew up na binu-bully ang lahat ng mga pinsan nito. Only Troy stood up for himself at hindi nito nabu-bully. Well, not one hundred percent. Hanggang ngayon ay nagpapatigasan ang dalawa kung sino ang magaling mam-bully.
But at the end of the day, they were all close like a family should be. Nababatukan nila si Red at napagsasabihan kapag nagkakamali ito.
The cousins were close like no other. Ang mga lalaki ay tagapag-tanggol ng mga babae. At ang mga nagiging asawa ng mga magpipinsan were considered bless.
They are being treated as part of the family. Especially the women. They were princesses that held the crown of their prince or king, just like her.
The following day, Elena invited her to shop. Ipinagpaalam siya nito kay Red. Red was left at work at natuwa ito na dadalhin siyang mag-shopping ng mommy nito. He had been thinking of bringing her to shop kaya lang ay hindi ito nagkakaoras.
Whenever he was with her, kung hindi may importante silang pinag-uusapan, siguradong may importante silang ginagawa.
Hmmm, like, making babies?
She blushed at her own thoughts.
Nang sunduin siya ng kotse ni Mommy Elena at binigyan siya ni Red ng isang VISA at isang Mastercard. Puwede niya daw gamitin ang kahit ano kung nahihiya siyang magpabili kay Mommy Elena.
Si Mommy Elena na hindi pumayag na Tita Elena ang itawag niya dito ay hindi rin pumayag na magbayad siya ng mga pinamili nila. Regalo daw nito ang mga pinamili sa kasal nila ni Red.
They walked around Shangrila Mall and bought everything that she thought were exaggerated, pero sabi nito ay kailangan niya daw ang lahat ng iyon.
Nalaman niya din na pinapagawan na siya ng sarili niyang walk in closet sa kuwarto ni Red, which is the master's bedroom of his enormously big house.
Hindi na siya tumatanggi o umiiwas. Wala naman siyang magagawa. When Red decide, it would happen. At nakasuporta ang buong pamilya nito. Parang ngayon, pati ang nanay niya.
"I am so happy na nakasal na kayo ni Red. Although, I think it is a lame move dahil hindi kami nakumbida. Palalampasin ko iyon dahil alam ko na para iyon sa inyo. Ang daddy ninyo ay may ganoon ding sentiments," mahabang paliwanag ni Mommy Elena nang mapagdesisyunan nilang kumain sa isang buffet restaurant sa mismong hotel.
Napangiti lang siya dito. Wala naman talaga siyang kinalaman sa desisyon ni Red na magpakasal ng biglaan.
"Mamayang gabi, pag uwi sa inyo ay naroon si Sonia, ang wedding planner ninyo. Marami siya alalay para magawa ng mabilis at maayos ang lahat. Gusto namin ng daddy ninyo na sa Manila Cathedral gawin ang kasal ninyo pero pinilit ni Red ang garden wedding. Mas gusto mo daw iyon at nakipag-usap siya sa nanay mo para 'yong mismong pastor ninyo ang magkasal sa inyo ni Red."
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR'S PICK (COMPLETED) BUENVIAJE SERIES 3
RomanceThe Bachelor's Pick The Bachelor is looking for his bride. All women ages 23 to 27 are invited to apply. Please send your one whole body shot and one close up picture to P.O. Box 1000 Manila Central Post Office 1050, Manila Philippines, together wit...