SEVEN

7.5K 191 32
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

"Ano ba ang ginagawa mo bata ka, bakit bigla kang naghahakot?" Bianca's mother asked while she was putting her clothes in a small luggage.

"Grabe ka naman, Nay. Naghahakot agad?" Pupunta lang ako kina Sahlee para magbakasyon."

"Paano ang trabaho mo? Bakit biglaan? Para kang may pinagtataguan!"

Nilingon niya ang ina na nakatayo sa pintuan ng kuwarto niya at nakapamaywang. Nakapatong ang maleta niya sa kama at nakatayo siya dahil itinitiklop niya ang mga damit. "Bakit naman po ako magtatago? Bawal bang magbakasyon?"

"Biglaan kasi," pag-uulit pa nito na para bang hindi niya alam ang ibig sabihin ng salitang biglaan. "Nagpaalam ka ba sa trabaho mo?"

"Opo, first time kong magbabakasyon, ha! Pagbalik ko tayo naman ang aalis. Humingi ako ng isang buwang bakasyon sa trabaho. Nag-text ako sa boss ko. Okay lang daw 'yon, masaya nga si Ma'am Jean dahil at long last ay gagamitin ko ang leave ko. Kita mo naman 'yon, Nay, iniisip niya na dapat magbakasyon talaga ako every year. Kaya hindi ito masama."

Bigla itong kumalma. "Sigurado ka?"

"Opo."

"Para ka kasing may pinagtataguan, eh. Ano ba ang nangyari sa date mo?"

Pinagsikapan niya talagang alisin ang kahit anong emosyon sa ekspresyon niya, dahil kung hindi ay mahahalata ng nanay niya ang drama niya sa buhay. "Okay naman, Nay. Ang guwapo no'ng Bachelor at bata pa. Kabaliktaran ng mga inaasahan ko. Na-cute-tan siguro sa akin kaya binayaran ako ng five hundred thousand. Pero ni-deposit ko sa bank 'yong pera. Nag-open ako ng checking account. Tapos ipapadala ko sa kanya 'yong three hundred fifty thousand through check kapag available na. Three days daw kasi ang clearing. One hundred fifty thousand lang naman kasi talaga dapat ang ibayad niya sa akin since hindi niya ako nagustuhan. Baka 'yan na 'yong katumbas ng tatlong date namin supposed to be, at may bonus pang fifty thousand. Ang saya noh?" Eh, bakit hindi siya masaya?

Kumunot ang noo ng nanay niya. "Sinabi niya sa'yo na hindi ka niya nagustuhan?"

She shrugged. "Hindi naman. Hindi 'yon magsasabi, Nay. Siyempre mahihiya 'yon. Hindi sila gano'n. The fact that he paid me in whole means that's it."

"O kaya, nagustuhan ka niya ng sobra kaya malaki ang ibinigay sa'yo."

Napangiti siya. She liked her mother's boost of confidence pero wala siyang matanggap na encouragement sa ngayon. Her emotions were in turmoil. It was draining her. "Hindi, Nay, may pinirmahan akong kontrata. Gano'n ang sabi."

Her mother rolled her eyes na para siyang makulit na bata. Napangiti lang siya. "Hay, bata ka. Nasaan ba si Sahlee ngayon?" Kilala nito ang kaibigan niya. College friend niya si Sahlee na nakapag-asawa ng taga Baguio kaya naroon ito ngayon.

The invitation to spend time with Sahlee had been overdue. Ngayon niya lang mapagbibigyan ang kaibigan dahil kailangan. She needed a change of environment. Parang maiiyak siyang hindi niya maintindihan. Tingin niya ay hindi siya makakapag-perform ng maayos sa trabaho kung papasok siya kaya nagdesisyon siyang magbakasyon habang nasa bangko siya kanina at ipinapalit ang tseke ni Red. Noon din siya nag text sa boss niya na agad namang pumayag dahil nga limang taon na niyang hindi nagagamit ang vacation leave niya.

THE BACHELOR'S PICK (COMPLETED) BUENVIAJE SERIES 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon