💖💖💖
She was waiting at a restaurant for Red. He told her last night that he would see her here on his lunch break. Nasa itaas lang kasi ang office nito. She complied. This was her first week back at home. Ang tagal ng break niya, more than two weeks pa bago siya bumalik sa trabaho, but she doubt kung pababalikin siya ni Red, parang may binubuo na itong plano tungkol sa kanila na hindi nito pinag-iisipan dati. At least nagkakaroon na sila ng direksiyon.
After the dinner last Friday, umakyat sila sa itaas ng hotel and did what they love to do together. Red didn't checked her out of the hotel until Sunday night. So they spent time together for two days. Lumabas lang sila ng ilang beses para kumain sa mga malalapit na fine dining at manood ng sine na hindi naman nila tinapos dahil nagyayang bumalik sa hotel room si Red.
Inantok daw, pero pagdating nila ay iba naman ang ginawa. Sinimangutan niya ito when they finished one round.
"Why?" natatawang tanong nito.
"Gusto ko pa naman 'yong palabas sa sine."
He laughed as he hovered on top of her again. "Babalik tayo mamaya, maaga pa naman."
Nagliwanag ang mundo niya. "Talaga?"
"Of course!"
Of course they never went back! Hanggang sa ihatid siya nito sa bahay ay nakasimangot siya kapag naalala niya na hindi niya natapos ang palabas. Tawa lang ng tawa ang lalaki.
He met her mother. Mabilis lang dahil kailangan agad nitong umalis. Pero magalang si Red, nagmano pa sa nanay niya at parang ang nanay niya pa ang naasiwa. Kinumusta nito ang pagtira nila sa bahay nila at nagsabi na ililipat sila habang nakatayo silang tatlo sa maliit nilang sala.
"Wala pang alam si Nanay, Red," bulong niya dito. "Mag-uusap muna kami tapos saka natin pag-usapan iyan."
Bumulong din ito sa kanya, ang lapit-lapit ng mukha tulad no'ng Friday sa dinner date nito. "Walang compromise dito, Bia, this has been decided. Be sure to explain that to your mother."
She made a mental note that he called her Bia, at mga malalapit lang sa kanya ang gumagawa niyon. At nainis pa rin siya kasi lumabas na naman ang yabang nito. Pero kasi, iyon talaga si Red, dapat niya nang tanggapin. "Oo na, sige na, umalis ka na."
Niyuko muna siya nito at hinalikan sa mga labi bago tumingin sa nanay niya na parang natulala. Kinindatan siya nito bago muling bumulong. "Ang liit ng bahay n'yo. Hindi puwede ito."
Kulang na lang ay itulak niya ito palabas. "Umalis ka na nga muna!"
He didn't look offended. Grabe ang self confidence ng lalaking! Noon lang ito naglakad papunta sa pinto para lumabas.
Pagharap niya sa nanay niya ay saka lang ito kumurap. "Upo," sabi agad nito.
Naupo naman siya sa harap nito.
BINABASA MO ANG
THE BACHELOR'S PICK (COMPLETED) BUENVIAJE SERIES 3
RomanceThe Bachelor's Pick The Bachelor is looking for his bride. All women ages 23 to 27 are invited to apply. Please send your one whole body shot and one close up picture to P.O. Box 1000 Manila Central Post Office 1050, Manila Philippines, together wit...