Chapter 13

100 2 0
                                    

Biglang napaigtad si Cedric nang marinig niya ang mahihinang pagdaing ni Nikki na noo'y mag-isang nakahiga sa kama. Agad siyang tumayo at lumapit sa dalaga.

"Nikki, are you okay?" tanong niya.

Alanganing sinalat niya ang noo ng dalaga. "My God! Ang taas ng lagnat niya!" bulong niya.

Agad siyang kumuha ng basang bimpo atsaka niya pinunasan ang buong katawan ng dalaga. Matapos iyon ay ginising niya ito at pinainom ng gamot. Nanginginig sa ginaw noon si Nikki kaya bahagya niyang hininaan ang aircon atsaka niya ito kinumutan. Maya't maya ang lagay niya ng basang bimpo sa noo ng dalaga hanggang sa bahagya ng bumaba ang lagnat nito.

"I hate you, Cedric!" narinig niyang usal nito.

Bahagya siyang napangiti ."I'm sorry!" mahinang sabi niya atsaka niya ito dinampian ng halik sa labi.

Wala na si Cedric nang magising si Nikki. Tanging ang mga bakas na lang nang pinaggawaan nito gaya ng bimbo at palanggana ang naiwan sa sahig.

"Mabuti naman at gising ka na. Mag-agahan ka na para makainom ka nang gamot," ani Manang habang papasok sa kwarto.

"Si Migui po?" alanganing tanong niya.

"Nandun kina Milly at Joy. Maagang umalis si Cedric. May aayusin lang daw siya sandali sa opisina," ani Manang habang inilalapag ang tray sa kama.

"Kumain ka na. Kagabi pa walang laman 'yang sikmura mo," ani Manang habang inililigpit ang mga kalat sa sahig.

Bahagyang ngumiti si Nikki. "Salamat po."

Nagpapahinga na noon si Nikki nang dumating si Cedric. "Kumusta nang pakiramdam mo?" anito sabay salat sa noo niya pero agad niya ring hinawi ang kamay ng binata. Naupo ito sa gilid ng kama atsaka ito humalik sa pisngi niya.

Napakunot ang noo niya. "Kailangan mo ba talagang humalik sa akin sa tuwing aalis at darating ka?"

"Ang sungit-sungit mo naman. Ano ba naman 'yung halik sa pisngi? Big deal na ba 'yon sa'yo? Ginagawa rin naman 'yon ng mga magkakaibigan, ah?"

"Bakit? Kaibigan ba kita?"

Natawa si Cedric. "Gutom ka na siguro, noh? Eto, may dala akong prutas para sa'yo," anito sabay lapag ng supot ng prutas sa tiyan niya. Matalim ang tinging ipinukol niya kay Cedric para kasing nananadya na lang ito.

Pero hindi iyon pansin ng binata. "Ah...wala nga palang kutsilyo," anito sabay tayo.

Nang makabalik ito, may dala na itong kutsilyo at plato na agad na inilapag sa tiyan niya.

"Siguro naman marunong kang magbalat niyan," anito nang muling maupo sa bandang paanan niya.

Tinapunan niya lang ito ng tingin atsaka siya umiling.

Inalis ni Cedric ang supot ng prutas sa tiyan niya maging ang inilapag nitong plato at kutsilyo. Pagkatapos ay naupo ito malapit sa kanya atsaka nito hinawi ang buhok niya. "Don't touch me!" mariing sabi niya.

Biglang natigilan si Cedric. Napabuga pa ito ng hangin bago ito nagsalita. "Look, alam kong mali 'yung nagawa ko. Hindi ko naman kasi alam na wala kang dalang pera kahapon."

"Bakit hindi mo na lang aminin na pinagti-trip-an mo ako matagal na. It's very obvious naman, Cedric. Hindi naman usual 'yang mga pinaggagagawa mo, eh."

"Ano ba'ng sinasabi mo?"

"Magmamaang-maangan ka pa? Ilang beses mo na 'tong ginawa, eh. Hindi ako tanga para hindi ko malaman na pinaglalaruan mo ako. Sometimes ang bait-bait mo, tapos bigla mo na lang akong ii-ignore. I'm not stupid, Cedric! I know what you are doing! Kung paglalaruan mo rin lang ang feelings ko, mas mabuti pang umuwi na lang ako," hindi tumitinging sabi niya.

Napaawang ang mga labi ni Cedric. Tinangka niyang abutin ang kamay ng dalaga pero agad itong umiwas. Wala na siyang nagawa kundi iwan ito.

"Ma'am, kain na raw po kayo sabi ni Sir," ani Milly nang ilapag ang tray ng pagkain sa mesa.

"Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko kagabi, Milly?" bigla niyang naisipang itanong.

"Naku, hindi po. Si Sir Cedric po ang nag-alaga sa inyo magdamag. Wala nga po halos siyang tulog. Ginising niya nga po kami nang madaling araw para humingi ng gamot."

Napaawang ang mga labi niya habang nakikinig siya kay Milly.

"Nakakainggit po kayo, Ma'am. Halatang patay na patay sa inyo si Sir. Kung nakita niya lang po kung paano siya mataranta kagabi. Biro niyo, may gamot naman po sa kwarto niyo pero naghahanap pa siya ng iba. 'Yung mas effective raw para mabilis na bumaba ang lagnat niyo."

Bigla siyang nahulog sa malalim na pag-iisip matapos niyang makausap si Milly. Totoo na nga kaya ang feelings na ipinapakita sa kanya ni Cedric?"

Nang gabi ring iyon humingi na ng saklolo si Cedric sa tita ni Nikki.

"Hello, Tita Belle. May problema po ako. Baka naman po pwede niyo akong tulungan."

"Sure, Darling. How can I help you?"

Ilang minuto rin silang nag-usap ng tita ni Nikki bago niya ibinaba ang phone.

Papasok na siya sa silid nang maulinigan niyang may kausap si Nikki sa cell phone. Mukhang agad na umaksiyon ang tita nito sa problema niya. Hinayaan niya munang matapos ang tawag bago siya pumasok sa kwarto.

Nakatakip na ang mga kamay ni Nikki sa mukha nang pumasok siya sa kwarto. "What's wrong?"aniya nang lapitan niya ito.

Pero hindi sumagot ang dalaga.

"Hey! Ano'ng nangyayari sa'yo? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.

Unti-unting yumugyog ang balikat nito hanggang sa tuluyan na itong mapaiyak. "Tumawag sa akin si Tita. Ayaw pa rin daw mag-give up ni Lolo. Nakipagsanib pwersa na raw si Lolo kay Kyle para mahanap ako," anito sa pagitan nang pag-iyak.

Kinabig niya si Nikki atsaka niya ito dinala sa dibdib niya. "Ano ba ang pwede kong maitulong sa'yo?" kunwa'y sabi niya habang hinahaplos niya ang gawing likuran nito.

"Gusto kong magpakalayo-layo rito," ani Nikki.

Bahagya niyang itinulak papalayo ang dalaga atsaka niya ito tiningnan sa mga mata. "Are you willing to go with me?" seryoso ang mukhang tanong niya.

Bahagyang tumango ang dalaga.

"Are you sure?"

"Yeah," mahinang sabi nito.

Bahagyang napangiti si Cedric. "Okay, I'll help you." Tinuyo niya ang luha sa mga mata ng dalaga atsaka niya ito muling niyakap.

Nang makatulog si Nikki tinawagan ni Cedric si Louie.

"Hello, Pards. Available ba ang vacation house niyo this weekend?"

"Sige, Pards. Ipapalinis ko muna sa caretaker. Kaso walang mag-aasikaso sa inyo ro'n, ha? Kapapanganak lang nung anak nang caretaker namin kaya nagpaalam muna. Wala raw kasing mag-aasiko sa mga apo niya."

"Okay lang, Pards. Kayang-kaya ko na 'yon."

" I suggest doon kayo mag-stay sa second floor para ma-enjoy niyo ang view."

"Sige,Pards. Thank you. May utang ako sa'yo."

Natawa si Louie. "Naku, walang problema ro'n, Pards. Sigurado ka ba'ng bakasyon lang 'yan? Baka honeymoon na 'yan."

Natawa si Cedric. "We'll see kung saan kami aabot ng fiancée ko," biro niya.

"Uy! Pards. Hinay-hinay lang!" natatawang sabi nito.

"Oo na. Sige na. Daanan ko na lang sa inyo 'yung susi sa Friday."

Nangingiti pa si Cedric nang ibaba niya ang phone. Napasulyap siya kay Nikki na noo'y mahimbing nang natutulog. Muli niyang sinalat ang noo nito bago niya ito kinumutan.

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon