Chapter 19

94 2 0
                                    

Nang mag-abroad ang mama ni Kassey, tumira sa dorm si Kassey at doon nagsimulang gumulo ang buhay nito. Nabarkada ito at natutong uminom hanggang sa mabuntis ito ng kung sino.

"Cedric, tulungan mo ako." Hilam sa luha ang mga mata noon ni Kassey nang mapagbuksan niya ng pinto kaya

dali-dali niya itong pinapasok sa loob. "Ano'ng nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong niya.

"Buntis ako. Hindi alam ni mama," anito.

Napaawang ang mga labi niya. "What?" tanging nasambit niya.

"Pwede ba'ng dito na muna ako hanggang sa makapanganak ako?"

"Ano?"

"Please, Cedric! Parang awa mo na. Papatayin ako ni Mama kapag nalaman niya 'to."

Todo kapit si Kassey noon sa braso niya kaya walang nagawa si Cedric kundi pagbigyan ito.

"Hanggang sa makapanganak ka lang, ha? Hindi ako komportable na may ibang tao sa bahay ko," aniya habang naglalakad sila papunta sa sala.

Nakangiting itinaas ni Kassey ang kanang kamay. "Promise!" anito.

"Hindi ba magtataka ang mama mo niyan na hindi ka uuwi sa inyo nang ilang buwan?"

"Hindi naman ako tinatanong ni Mama tungkol dun. Bihira naman talaga akong umuwi sa amin."

Napakunot ang noo ni Cedric. "Hindi ka ba nakukunsensiya sa gagawin mong 'yan? Nagpapakahirap ang mama mo sa abroad para lang mapag-aral ka, tapos ganyan lang ang gagawin mo?"

"Cedric, naman, eh. Huwag mo na akong sermunan. Tulungan mo na lang ako."

"Sino ba kasing ama niyan?" singhal niya rito.

Biglang natigilan si Kassey at alanganing napangiti. "H-Hindi ko alam," anito.

Napakunot ang noo niya. "Ano? Hindi mo alam? Eh, ano'ng sasabihin mo sa mama mo kapag lumabas na ang bata?"

"Huwag mo nang problemahin 'yon, ako na ang bahala ro'n."

Napailing na lang si Cedric. "Siguraduhin mo lang na hindi ako madadamay diyan, ha?"

Ngumiti si Kassey sabay tumango. "Thank you."

Gaya nang napag-usapan nila, tumira si Kassey sa kanya nang halos sampung buwan. Pero bigla na lang nitong iniwan ang bata nang hindi man lang nagpapaalam. Sinubukan niya itong kontakin pero hindi na niya ito ma-contact. Matapos ang mahigit isang buwan, muli silang nagkita sa isang bar. Pero itinanggi nito sa harap ng mga kaibigan nito na may anak itong naiwan sa kanya.

Kinaibigan ni Cedric ang isa sa babaeng kasama ni Kassey kaya madali niyang nakuha ang bagong address nito. Nang magkasakit ang bata, pinuntahan niya ito sa apartment nito pero pinagtabuyan lang siya nito.

"Pwede ba, Cedric? Tigilan mo na ako. May pamilya na ako ngayon at hindi alam ng asawa ko ang tungkol kay Migui."

"Kaya itatanggi mo na naman ang bata? Kassey, tao ka pa ba? Nasa ospital ang anak mo pero wala ka man lang pakialam?"

"Nagbagong buhay na ako, Cedric. Maayos na ang buhay ko ngayon. Wala na akong pakialam sa bata. Kung gusto mo sa'yo na lang siya. Hindi na ako maghahabol."

Dismayadong napailing si Cedric. "Grabe ka, Kassey! Masyado kang makasarili. Sarili mong anak ipapamigay mo para lang hindi magulo ang buhay mo? Nakakatulog ka pa sa gabi sa ginagawa mong 'yan?"

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon