Chapter 18

89 2 0
                                    

Inabot ni Cedric kay Manang ang bata bago ito lumapit sa kanya. Kinabig siya nito atsaka siya dinampian ng halik sa noo. "Magpahinga ka muna sa itaas. Kakausapin ko lang ang mama ni Migui," anito habang nakahawak sa isang kamay niya.

Napaawang ang mga labi niya. "S-Siya 'yung mama ni Migui?" alanganing tanong niya.

Tumango si Cedric bago ito bumitiw sa kamay niya.

Sa harapan ng bahay pumasok si Cedric kaya hindi nito napansin na hindi siya sumunod kay Manang na sa gawing kusina dumaan kasama nang bata. Mas pinili niya kasing manatili na lang sa labas habang naghihintay kaysa magmukmok sa kwarto.

"What are you doing here?" agad na bungad ni Cedric kay Kassey.

"Kukunin ko na ang anak ko," matigas ang mukhang sabi nito.

Napailing si Cedric. "Ngayon, sinasabi mong anak mo siya? Nakalimutan mo na ba kung ilang beses mo siya itinatwa noon?"

"Cedric, matagal na panahon na iyon. Hayaan mo naman akong bumawi sa anak ko," ani Kassey.

"Sa tingin mo ganun lang kadali 'yon?"

"Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa'yo at malaki ang naging pagkukulang ko sa anak ko. Pero handa naman akong bumawi ro'n."

"Umalis ka nang walang sabi-sabi, pagkatapos basta ka na lang babalik na parang walang nangyari? My God, Kassey! Kapapanganak mo lang halos noon nang iwan mo sa akin ang bata. Tapos ngayon babalik ka na parang ayos lang ang lahat? Ano ba ang akala mo sa anak mo? Tuta?"

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko, ha? Lumuhod ako sa harapan mo at magmakaawa?"

Napangisi Cedric. "Kaya mo?" hamon niya rito.

Napataas ang kilay ni Kassey. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Sino ka ba sa akala mo,ha?"

"See? Alam ko namang hindi mo kayang gawin 'yon sa sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo. Nagawa mo nga'ng itago ang anak mo dahil sa pride mong 'yan, eh."

"Cedric, utang na loob! Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa'yo. Gusto ko lang bawiin ang anak ko."

"Anak mo? Bakit? Kailan ka ba nagpakananay sa kanya? Ako ang tumayong ama at ina ni Migui kaya wala kang karapatang tawagin siyang anak." Napatiimbagang si Cedric. "Ang lakas ng loob mong bumalik dito. Noong mga panahong kailangan ka ng anak mo, nasaan ka? Hindi ba't nandun ka sa kandungan ng lalaki mo? Ilang beses kitang pinakiusapan para balikan mo si Migui pero hindi mo ko pinansin. Noong na ospital ang bata, sinilip mo ba? Naantig ba ang pusong ina na sinasabi mo noong nakikiusap ako sa'yo? Hindi ba, hindi? Malinaw na sinabi mo noon na wala ka nang pakialam sa kanya kaya ano'ng hinahabol-habol mo ngayon?"

"My God, Cedric! Move on. Ang tagal na nun. Magulo lang ang isip ko noon. Natakot ako na baka magkahiwalay kami ng asawa ko at masira na naman ang buhay ko kaya nasabi ko 'yon. Malaki ang tiwala ko sa'yo kaya panatag akong iwan sa'yo ang bata. Alam kong hindi mo siya ituturing na iba kahit pa ano'ng galit mo sa akin. Nasabi ko na sa asawa ko ang tungkol sa bata. At handa niyang kilalanin ito. Please naman, Cedric hayaan mo namang mabuo ang pagkatao ng anak ko," umiiyak nang sabi ni Kassey.

Napailing si Cedric. "So, ano? Ganun-ganun lang iyon? Pagkatapos ng isang taon basta ka na lang babalik at kukuhanin ang bata? Paano naman ako? Paano naman 'yung nararamdman ko? Pasensiyahan tayo Kassey pero hindi ko basta-basta ibibigay sa'yo ang anak ko!"

Natawa si Kassey. " Anak? Alam natin parehas na hindi ikaw ang ama ni Migui. At kahit pa ikaw ang totoong ama, hindi mo pa rin pwedeng kunin ang bata. One year old palang si Migui kaya siguradong sa akin din mapupunta ang custody. Kahit pa nagpaka-ama at ina ka sa kanya, ako pa rin ang nanay niya! Sa akin siya lumabas kaya kahit saan tayo makarating, wala kang laban sa akin!" mariing sabi ni Kassey.

Napangisi si Cedric. "Eh, 'di sige! Patunayan mo na lang sa korte na mabuti kang ina."

Napatiimbagang si Kassey. "Ano'ng korte ang pinagsasabi mo riyan? Ibigay mo na sa akin ang anak ko, ngayon din!" ani Kassey na noo'y malaki ang mga hakbang na umakyat ng hagdan. "Migui!" sigaw nito habang umaakyat ng hagdanan. Doon naman nito nasalubong si Manang Beth.

"Manang, nasaan ang anak ko," anito.

"Utang na loob, Kassey. Umalis ka na. Tulog na ang bata. Bumalik ka na lang kapag nasa matino ka nang pag-iisip. Para kang palingkera na basta na lang sumusugod at nagwawala sa bahay nang may bahay."

"Ilabas niyo ang anak ko. Kung hindi, ipapapulis ko kayo!" nanlalaki ang mga matang sigaw ni Kassey.

"Iyan ba ang igaganti mo sa mga taong nagmalasakit at nag-aruga sa anak mo noong mga panahong hindi mo siya kayang panindigan? Imbes na tumanaw ka ng utang na loob at magpasalamat, ito pa ang igaganti mo sa amin?" nanggigil nang sabi ni Manang kaya agad na namagitan si Cedric.

"Sige, kung gusto mong mahawakan ang anak mo, pagbibigyan kita. Pero siguraduhin mong hindi ka gagawa nang kahit na ano'ng gulo. Nandun siya sa pangalawang kwarto sa kanan. Mayroon kang isang oras para makasama mo siya pagkatapos makakaalis ka na!"

"Ano'ng isang oras? Nahihibang ka na ba? Ano'ng karapatan mong itago ang anak ko?"

"Nasa loob ka nang pamamahay ko kaya lahat nang karapatan mayroon ako. Kung gusto mong makuha si Migui, sampahan mo na lang ako ng kaso." Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ni Kassey bago ito dumiretso sa silid ng bata.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mong 'yan, Cedric? Wala akong tiwala sa babaeng 'yan. Baka mamaya itakas niya ang bata," ani Manang habang nakatanaw kay Kassey.

Napatakip na lang sa mukha si Cedric sabay napayuko. "Wala po tayong magagawa, Manang. Siya po ang ina. Nasa kanya po ang lahat ng karapatan."

"Ano'ng binabalak mo ngayon?"

Nagtaas ng paningin si Cedric. "Hindi ko po alam."

"Iyan kasi ang sinasabi ko sa'yo. Dapat noon pa lang, idinemanda mo na 'yang si Kassey. Baka mamaya niyan ikaw pa ang mabaligtad sa korte. Alam mo namang magaling humabi ng kasinungalingan 'yang si Kassey. Kaunting iyak lang niyan ,maari na niyang mabola ang judge."

Napayuko na lang si Cedric. Noon pa kasi siya sinusulsulan ng mama niya at ni Manang Beth na sampahan ng kaso si Kassey sa pagaabandona sa bata pero hindi siya pumayag. Dahil ayaw niya rin namang magkaroon ng inang ex-convict ang si Migui. Masyado siyang nagtiwala sa salita ni Kassey noon na hindi na sila nito guguluhin kaya naging panatag siya.

Hindi niya sukat akalain na ang plot na binuo niya para makuha ang loob ni Nikki ay totoong mangyayari sa kanya. Pero alam niya sa sarili niya na taliwas lahat sa binuo niyang plano ang mangyayari, dahil alam niyang wala siyang magiging laban sa custody ng bata dahil hindi naman siya ang biological father nito.

Stepsister niya si Kassey, anak ito ng papa niya sa naging babae nito noon sa Sulu. Nakilala niya lang ito sa burol ng papa niya noong twenty one years old siya. Mula noon nagkaroon na sila ng ugnayang magkapatid. Mabait naman si Kassey noon kaya madali silang nagkapalagayan ng loob hanggang sa naging takbuhan na siya nito sa tuwing nagkakaproblema. 

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon