Chapter 14

97 1 0
                                    

Nang sumunod na araw, bumuti na ang pakiramdam ni Nikki. Gusto na sana niyang pumasok sa opisina pero pinigilan siya ni Cedric.

"Magpahinga ka muna. Saka ka na lang pumasok," ani Cedric na noo'y nag-aayos ng sarili sa salamin.

"Okay na ko. Wala na akong lagnat." Akmang bababa na siya sa kama nang bigla siyang harangin ni Cedric. "Next week ka na lang pumasok. Ipahinga mo muna 'yang katawan mo," anito.

Napakibit-balikat ang dalaga. "Okay, Fine. Next week na lang."

"Good," nakangiting sabi ni Cedric sabay pisil sa baba niya.

Nakatalikod si Nikki sa pinto habang pinaghehele ang bata nang dumating si Cedric kaya hindi niya namalayan ang paglapit nito. Napaigtad na lang siya nang dumampi sa pisngi niya ang labi nito matapos nitong humalik sa bata na noo'y nakasubsob ang mukha sa balikat niya. Gumapang ang kilabot sa pisngi niya noon kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Lihim na napangiti si Cedric sa naging reaction niya. Sinadya kasi nito na idampi ang labi sa pisngi niya. Ramdam na kasi noon nito ang namumuong feelings niya kaya mas lalo pa siya nitong tinutukso.

"Ayusin mo 'yung mga gamit mo pupunta tayo sa Bataan bukas," ani Cedric habang nagkakalas ng necktie.

"Bataan? Kasama ako? Hindi ba pwedeng maiwan na lang ako rito?" aniya.

Napakunot ang noo ni Cedric. "Akala ko ba gusto mong lumayo?"

"Pati ba si Migui isasama natin?"

Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata. Bumaling ito sa kanya atsaka ito humakbang papalapit."Bakit? Gusto mo ba tayo lang dalawa? Pwede naman nating iwan si Migui," kunwa'y sabi ng binata.

Parang napapaso na umiiwas ng tingin ang dalaga. "Hindi, ah. Gusto ko nga'ng kasama siya, eh."

Naiiling natinalikuran siya ni Cedric atsaka nito binuksan ang cabinet. "Ayusin mo na rin 'yung mga gamit ng bata para ready na tayo tomorrow morning," anito habang kumukuha ng damit.

Nang gabing iyon hindi na nakatulog si Cedric. Excited kasi siya sa magiging bakasyon nila sa Bataan. Sa loob ng isang linggo, susubukan niya na mas lalo pang mapalapit kay Nikki. Hindi naman nalalayo ang hitsura ng lugar nila Louie sa dating beach resort ng lolo niya kaya nasisiguro niyang kahit papaano, may maalalang childhood memories nila si Nikki.

"Wow! Ang ganda naman dito! Ganito 'yung lugar na pinupuntahan namin ni Lolo noon," ani Nikki habang nakadungaw sa bintana. Damang-dama niya ang malamig at preskong hangin habang binabaybay nila ang paikot na daan pababa sa vacation house nila Louie na nakatirik malapit sa dagat. Bahagyang napangiti si Cedric. Mukhang positive ang magiging resulta ng plano niya dahil ngayon palang may bumabalik na sa alaala ni Nikki.

"Kanino vacation house 'to?" ani Nikki nang makababa sa sasakyan. Karga-karga niya noon si Migui habang tinitingnan niya ang paligid. Kasalukuyan namang binubuksan ni Cedric ang gate noon.

"Sa kaibigan ko, si Louie. Tara, akyat na tayo sa itaas," ani Cedric nang mabuksan ang gate. Kinuha nito ang bata sa kanya atsaka ito nagpatiunang umakyat sa pangalawang palapag ng resthouse.

"Wow!" parang batang sambit ni Nikki nang dumungaw sa veranda. Mula kasi roon tanaw niya ang malinis at kulay asul na dagat.

"Have you been here?" ani Cedric nang lumingon sa kanya.

"Dito sa Bataan? Oo. Taga rito kami talaga. Dito ako lumaki," kwento niya.

Ngumiti si Cedric. "Dito rin ako lumaki."

"Lagi kaming nagpi-fishing!" sabay na dugtong nila.

Namilog ang mga mata ni Nikki. "Talaga? Nagpi-fishing ka rin noon?"

"Yap! With my lolo, his bestfriend and my childhood friend."

Tumango-tango si Nikki. "Nakakatuwa naman. Parehas pa pala tayo ng hobby noon."

Bahagya siyang sinulyapan ni Cedric atsaka ito ngumiti. Pagkatapos ay tumanaw na ito sa dagat at nilanghap ang sariwang hangin. Tulog na tulog pa si Migui na noo'y nakasubsob sa balikat ng binata. Ilang segundo pa nilang pinagmasdan ang dagat bago binuksan ni Cedric ang pinto.

Nang mabuksan ang silid, tumambad ang malapad na puting kama na binudburan ng mga pulang petals. Sa gitna ng kama ay may dalawang puting towel na pormang swan ang nakaupo sa mga petals na hinugis puso. May mga lettra rin na nakadikit sa dingding na bumuo ng salitang, I love you.

Mariing napapikit si Cedric. "Louie, epal ka talaga!" Hindi magawang kumilos noon ni Cedric sa pagkakabara sa pinto. Nasa gawing likuran niya lang kasi si Nikki. Akmang sasara niya ulit ang silid nang biglang sumingit ang dalaga.

"Maganda ba ang room?" anito atsaka siya hinawi pero bigla itong natigilan nang makita ang dekorasyon sa loob. Bahagyang napangiti ang dalaga pero agad ding napawi nang mapansin nitong napangiwi si Cedric sabay napayuko.

"Ang sweet naman! Nag-propose siguro rito ang friend mo," ani Nikki.

Lumapit siya sa kama atsaka niya isa-isang tinanggal ang dekorasyon. Malakas ang kutob ni Nikki na para sa kanya talaga ang sorpresa na 'yon. Pero base sa naging reaction ni Cedric, nasisiguro niyang hindi ito ang may pakana ng lahat nang 'yon. Nilingon niya noon si Cedric pero wala na ito sa tapat ng pinto.

Itatapon na niya ang mga nakolekta niyang petals nang maulinigan niyang may kausap sa phone si Cedric. Maingat na idinikit niya ang tenga sa dingding malapit sa pinto atsaka niya ito pinakinggan.

"Pards, akala ko ba pinalinis mo na 'to? Eh, ano 'tong mga petals na nakasaboy sa kama?"

"Ano?!"

"Bakit ako magpapasalamat?"

"Excited akong pumunta rito tapos ganito madadatnan ko. Sinisira mo 'yung—"

Biglang napaurong ang dalaga. Mukhang nakikipagtalo na kasi si Cedric sa kaibigan dahil sa sinet-up nitong sorpresa. Hindi niya tuloy maiwasang madismaya sa narinig.

Natawa si Louie. "Ano'ng sinisira? Eh, tinutulungan na nga kita. Akala mo ba naniniwala ako na fiancée mo na 'yan? Ni hindi ko nga nabalitaan na nanligaw ka. Look, Pards. Alam ko kung gaano ka ka-lame in terms of love kaya tinutulungan na kitang dumiskarte. Hindi mo pwedeng i-shortcut 'yan. Dumaan ka sa proseso, ligawan mo!"

Napailing na lang si Cedric. Tama naman kasi si Louie. Wala talaga siyang alam sa mga ganung diskarte. Nababaduyan kasi siya sa mga ganun. "Pards, may sarili akong diskarte 'wag mo akong pangunahan."

"Pards, hindi kita pinangungunahan. Sabihin na lang natin na regalo ko 'yan sa inyo. Teka, sino ba kasi 'yung babae? Nakita ko na ba 'yan?"

"Teka, 'wag mong sabihing si Nikki? 'Yung pina-background check mo sa akin?"

Bahagyang natawa si Cedric.

"Seryoso, Pards? Siya nga 'yung babae?"

"Oo na. Sige na. Ibababa ko na 'to. Saka na lang ako magkukuwento sa'yo."

Natawa si Louie. "Langya ka, Pards! Ano 'yang bagong pauso mo? Background check muna bago jowahin? Ibang klase ka talaga!"

"Sige na. Bye!"

Naiiling na isinuksok ni Cedric ang cell phone sa bulsa atsaka siya tumanaw sa itaas. 

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon