Chapter 12

4.3K 77 2
                                    

"Kumusta ang apo ko?" agad na bungad ng lolo ni Nikki nang bisitahin niya ito.

Inabot niya ang isang kamay nito atsaka siya nagmano. "She's fine, Lolo. Ginagawa ko naman po ang lahat para mahulog ang loob niya sa akin."

"Good. If you feel the need to take advantage on the situation then do it, I won't mind. Alam ko namang hindi mapapahamak sa'yo ang apo ko."

Napangiti si Cedric. " Nagtatrabaho po siya sa akin ngayon bilang secretary ko."

"Madaliin mo na ang lahat, Cedric. Naiinip na ako. Gustong gusto ko nang makita ang mga magiging apo ko."

Natawa si Cedric. "Relax, Lo. Darating po tayo riyan."

Hapon nang mamataan ni Nikki na paparating si Cedric kasama si Trisha kaya agad siyang napaayos ng upo. Hindi siya pinansin ni Cedric pero nginitian siya ng babae nang dumaan ang mga ito sa harapan niya. Napatiimbagang si Nikki, ramdam niya ang kabog ng dibdib niya noon lalo nang matanaw niyang ibinababa ni Cedric ang blinds. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito noon. "Sanay ang mga tao ko na nakataas 'yan. Kapag ibinaba ko 'yan , iisipin nila na may gagawin tayong kakaiba."

"Bwisit! Ano kayang gagawin ng mga 'yon?" nakatulis ang ngusong bulong niya.

Iniwang nakaawang ni Cedric ang pintuan kaya dinig niya ang tawanan ng dalawa na parang naglalampungan. Nagdadabog na dinukot niya ang earphone sa bag atsaka niya ipinasak sa tainga niya. Itinodo niya ang sounds na pinakikinggan para hindi niya marinig ang dalawa. "Akala ko pa naman may something na sa amin," nagdadabog na sabi niya.

Matapos ang isang oras sabay na lumabas ang dalawa sa opisina. Inaayos pa ni Trisha ang nagulong buhok habang naglalakad kaya mas lalo pa siyang nagngitngit.

"Nikki, mauna ka na sa bahay. Ihahatid ko pa si Trisha sa kanila," ani Cedric na noo'y nauunang maglakad kasunod ng babae.

Blanko ang mukhang tumango ang dalaga.

Nakaalis na si Cedric nang ma-realize niya na wala siyang dalang pera. "My God! Ano'ng gagawin ko?" Itininukod niya ang magkabilang siko sa mesa atsaka siya napasapo sa mukha.

Nakailang buga na ng hangin si Nikki at nakailang balik na sa gate pero hindi niya pa rin magawang lapitan ang guard. Manghihiram sana kasi siya rito ng pamasahe. "Ma'am, ikukuha ko po ba kayo ng taxi?" narinig niyang sabi nang papalapit na gwardiya.

Biglang kinabahan si Nikki. "Naku, hindi na, Kuya. May dadaanan pa ako riyan sa malapit," aniya atsaka siya naglakad palabas. Hindi kinaya ng mukha niya ang manghiram ng pera kaya nagdesisiyon na lang siyang maglakad na lang. Medyo umaambon na noon pero hindi alintana ni Nikki ang mahihinang patak ng ulan.

"Manang, dumating na po ba si Nikki?" tanong ni Cedric habang naghuhubad ng jacket.

Napakunot ang noo ni Manang. "Bakit? Hindi mo ba siya kasama?"

"Pinauna ko na po siyang umuwi, ah."

"Wala pa siya rito."

Biglang kumulog nang malakas kaya kapwa sila napatingin sa bintana. Bumubuhos na ang malakas na ulan noon. Napakagat sa labi si Cedric nang matanaw ang pagguhit nang matalim na kidlat. Dalidali niyang isinuot ang hinubad na jacket at patakbo siyang lumabas. Pero natigilan din siya nang mabungaran niya ang basang-basang dalaga. Yakap-yakap nito ang sarili habang nanginginig sa ginaw. Agad niyang hinubad ang suot niyang jacket atsaka niya ibinalot sa dalaga. "Bakit nagbasa ka sa ulan?" tanong niya.

Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ni Nikki. Inihubad nito ang jacket atsaka ito pumasok sa loob. Ganoon na lang ang pag-aalala ni Manang nang masalubong ang basang-basang dalaga. "Susmaryosep! Ano'ng nangyari sa'yo bata ka? Bakit basang-basa ka?"

Destined To Be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon