Chapter 1

5K 205 32
                                    

Narda's POV:

-

Naka upo lang ako sa maliit na sofa sa loob ng bahay ng kaibigan kong si Ding. He's actually my gay bestfriend at kababata ko sha. Nandito siya ngayon sa Manila at nagrerenta ng bahay dahil nandito ang trabaho niya. Bukas ng umaga, lalakad ako para mag apply ng trabaho.

Kaya nga nandito ako ngayon sa Manila para makipagsapalaran na din. Ulila kasi ako, lumaki lang ako sa tiyahin ko kasi wala na akong mga magulang. Mabuti nalang at nandito si Ding para sakin, dito muna ako sa kanya titira..

"Ate Narda, kumain ka nalang dyan ha. Magta trabaho na ako. Terror kasi ang boss ko ngayon kasi nga meron ata. Baka gabi na ako maka uwi kaya feel at home ka nalang dyan." Ma arteng sabi nito sakin. Tumango tango nalamang ako habang nakangiti rito. Tinatawag akong ate nito kasi mas may edad ako sa kanya pero hindi iyon hadlang para maging mag bestfriend kami.

"Okay lang Ding, mag iingat ka bakla ha. Ingatan mo pagka babae mo." Natatawa kong biro dito. Hinampas lang nito ang balikat ko at pagkatapos naming mag asaran ay umalis na..

Na iwan akong nakatingin lang sa TV. Nakita ko ang kompanyang pagtatrabahoan ko sana if ever matanggap. Isang malaking media entertainment at idol na idol ko pa naman ang CEO nito. Bukod kasi sa napakaganda nito ay parang ang daming tao na natutulungan nito. Marami din naman akong naririnig na napakaseryoso daw nito sa trabaho, napakama-impluwensyang babae rin nito sa batang edad. Siguro dahil bukod pa sa pagiging CEO ng isang entertainment industry sa lahat ng panig ng Asia ay nagmamay ari lang naman ang pamilya nito ng mga hospital kasi Doctor ang mama niya at saka mga hotels and construction companies dahil businessman ang daddy nito.

Napangiti nalamang ako ng makita ko kung sino ang na interview ngayon.. Si Regina Vanguardia, the youngest billionaire in Asia. 24 years old pa lamang at kay layo layo na ng narating. Napakaganda nito, may medyo curly hair na may perpektong highlights sa buhok, nangungusap ang mga mata nito. Napaka classy manamit, parang amoy baby cologne palagi kung titignan. Kaya idol ko to, walang tapon. Sana nga papalarin ako mag apply maging personal assistant nito...

Five a.m. palang ay gising na ako. Mabilis akong naligo at nagbihis, pagkatapos ay nag handa ako ng umagahan naming dalawa ni Ding na alam ko ay tulog pa sa kwarto nito. Late na itong umuwi kaya alam kong wala itong oras na mag luto dahil gigising lang naman ito para maligo at deritso na naman mag trabaho. Supervisor kasi ito sa isang call center company sa Manila kaya halos lahat ng oras nito nakalaan sa trabaho.

Hindi ko nalamang ito ginising at kumain na nalamang ako mag isa. Pagkatapos kong kumain ay dumeritso na akong mag ayos sa sarili at nagbilin ng note sa mesa kung saan nandon ang pagkain ni Ding. Alam kong pagod na pagod ito kaya sa nagsulat nalamang ako sa papel na naka alis na ako. Dali dali ko namang sinipat ang sarili ko sa mahabang salamin sa sala. Maayos naman ang konting bangs ko sa buhok at itinali ko naman ang ibang buhok ko. Naka formal slacks na nag tuck in ng white polo shirt para naman magmukha akong presentable.

Nang magustuhan ko ang nakikita ko sa salamin ay kinuha ko ang bag ko na naglalaman ng mga documents para sa pag aapply ko. Nag dasal muna ako bago ako lumabas ng bahay ng kaibigan ko at nakangiting naglalakad papunta sa sakayan ng jeep..

"Good morning, Miss Custodio?" Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng tinawag ang pangalan ko. Napansin kong parang wala atang iba na nag apply ang weird nga lang.

Tinignan ko ang hindi masyadong kataasan na babae na tumawag sa akin. Na aliw akong tinitignan ang buong floor dahil sa kagandahan nito. Tinatawag itong CEO's floor kung saan nandito ang office ng CEO, Presidente, at Vice President. Parang hotel lang ang ambiance talaga at napakabango, napakaginaw rin.

"Yes, ma'am ako po yon." Tumayo ako at ngumiti rito sabay nag bow bilang pag galang.

"I'm one of Miss Regina's secretary, I'm the head of her secretaries. Yung office mo is nasa left side ng door ni Miss Regina." Magiliw na sabi nito. Nawala bigla ang kaba ko dahil mabait ito, pero bigla naman bumilis pintig ng pulso ko dahil ibig sabihin tanggap na ako!?

"Ah ma'am, tanggap na po ako?" Hindi ko makapaniwalang sabi. Nag pass lang naman ako ng mga documents online din dahil hiningi nila. Akala ko may pa interview wala pala???

"Yes Miss Custodio, and please wag mo na ako tawaging "ma'am" kasi ikaw dapat ang boss namin dahil ikaw ang magiging executive personal assistant ng head boss." Nakangiti paring turan nito sa akin. Hala siya! Totoo ba to??? Makakatrabaho ko na ang idol ko!

"Miss Custodio, lets go? You have to meet Miss Regina in her office." Sabi nito sakin at mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Kailangan kong pa kalmahin ang sarili ko.

Habang palakad kami sa malaking pintuan, yung puso ko hindi ko maipaliwanag ang kaba! Na eexcite ako na may halong nerbyos, ba't ba kasi ako nag kape rin kaninang umagahan! Lumingon sa akin ang secretary at ngumiti, huminto ito saglit bago kumatok sa pinto.

"Ako nga pala si Dawn, congratulations Miss Custodio." Masayang pag bati nito sa akin na hindi ako binigyan ng pagkakataon na magsalita pa dahil kumatok na ito at bumukas bigla ang magarang pintuan.

Humakbang ako papasok at ang unang nakita ko ay napakagandang babaeng naka upo sa malaking opisina. She looks like she owns the world and the world only revolves around her. Nakayuko ito at parang may binabasa na mga papel, may ibang babae rin doon, dalawa ata sa isang mesa sa right side ng opisina. May malaking wooden table doon na may 12 seaters ata. Makikita mo ang labas dahil transparent ang naglalakihang bintana. Siguro yun din yong mga sekretarya nya na iba kasi parang busy rin sa mesa at may ginagawa.

Bumalik ang tingin ko sa sentro ng opisina kung saan nandon ang pinakamagandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko.

I met her eyes sa mismong pag tingin ko sa gawi niya at parang nilunok ko ang lahat ng laway ko sa pag tingin nya sakin. Tinignan lang ako nito na seryoso ang mukha, totoo pala ang sabi ng lahat, intimidating pala talaga ang awra nito na mas lalong nakadagdag ng charisma nito. Napako lang ako sa kinatatayuan ko at parang bigla akong naligaw sa napakagandang mga mata nito..

"You must be my personal assistant? Come." Her voice full of authority as I heard her speak. Nakita kong tumayo ito at inilagay ang isang braso sa swivel chair nito habang inaantay akong lumapit rito.

Holy bananas! Napaka powerful ng aura niya sa isang turtle neck full sleeve shirt na naka tuck in rin complementing her mocha colored slacks and elegant heels..
Totoo ba to? Kaharap ko na ba talaga ang nag-iisang Regina Vanguardia?...





**********
Mababaliw na ako sa Darlentina! I hope magustohan nyo to mga vadengs :)))))

Adore You | Darlentina |Where stories live. Discover now