Chapter 12

1.4K 61 10
                                    

LALONG lumakas ang hikbi ko ng niyakap ako ng mahigpit ni Nanay Lucy. Pakiramdam ko parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit para sa anak ko, ng marinig ko ang katagang sinabi nito. Kataga pa lang iyon, ano na lang kaya kapag ako na mismo ang tanungin nito tungkol sa ama n'ya. Ano ang isasagot ko?

Kaylangan tatagan ko ang aking loob, kailangan kong iparamdam sa anak ko na kahit wala syang ama andito naman ako para sa kanya.

" Mama..."

Narinig kong tinawag ako ni Blaize kaya dali-dali kong pinalis ang luha ko. At dahan-dahang humarap sa kanya at ngumiti.

" Baby.."

But still it didn't go unnoticed to him that I'm crying.

" are you hurt, why are you crying po mama?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito, pati ang navy blue na kulay na mga mata nito ay naging malungkot, sadyang matalino itong anak ko, inabot pa nito ang kamay ko kaya dumukwang ako para tingnan at magpantay ang mukha namin.

" Mama is fine baby" saad ko at nginitian ko sya para lang maniwala ito na okay lang talaga ako. Dinampian ko ng halik ang noo n'ya.

Hindi man ito kumbinsido peru hindi na ito nagtanong pa muli sakin. Ayokong makita n'yang mahina ako at nasasaktan, kailangan matatag ako sa paningin ng anak ko.

Biglang bumalik sa isip ko ang narinig kong marites ni aling Soling kanina kay Nanay Lucy.

Paano nito nasabing kamukha ng anak ko ang lalaking naghatid sakin noong isang araw? Alam kung ang tinutukoy nito ay ang boss kung si sir Maxwell.

Naalala ko rin yung huling usapan namin ni Luke. Yun din yong gabi na nakipag meeting sya sa may-ari ng Isla Mercedez, ang alam ko ay pag mamay-ari ng Maxwell itong Isla.

Hindi ko rin natanong si Luke ng gabing iyon kung ang boss ko ba talaga ang naging kameeting nya ng araw na yun.

Hindi ko makalimutan ang sinabi ni Luke sakin ng gabing iyon.

"I think I know his father..."

"It's up to you if you want to find out.."

Naguguluhan ako...

Anong kinalaman ni Mr Maxwell sa lahat ng mga tumatakbong  katanungan sa utak ko?

Kahit ako ay napansin ko rin noong unang kita ko pa sa boss ko, na para akong nakatingin sa mga mata ng anak ko ng dahil kapareho sila ng kulay ng mga mata.

Hindi...ayokong pag isipan ng masama si sir Maxwell. Biglang pumait ang panlasa ko ng malala ko ulit ang nangyari sakin ng gabing iyon sa nakalipas na magihit apat na taon.

Maaga kong pinatulog si Blaize, nakahiga ako katabi nya habang hinihimas ko ang maliit na pisngi nito. Parang kahapon lang ng maalala ko pa noong pinanganak ko na sya. Umiiyak din ako kapag ka umiyak sya, dalawang buwan na lang mula noong pinanganak ko sya ay gagraduate na rin ako. Kaya mas lalo kong pinagsikapang mabuti. Hanggang sa malapit na ang final exam ko, dinuduyan ko sya sa loob ng kwarto namin si Luke at Nanay pa mismo ang syang nagkabit ng duyan, habang nagrereview ako.

Napagkamalan pa si Luke na asawa ko noong araw ng exam ko, kasi dinala nito ang anak ko sa labas ng university kasi panay ang iyak nito, habang pinabantayan ko sa kanila ni Nanay Lucy, gusto lang palang dumede nito. Mabuti nalang at pinayagan ako sandali ng professor ko na labasin muna daw ang mag-ama ko at padedein ang anak ko.

Gusto ko pa sanang itama ang maling akala ng professor samin ni Luke, peru hindi ko na lang binigyan ng pansin yun, mas inaalala ko ang anak ko.

At hangang sa araw ng graduation ko, nakagraduate ako na may Latin honor. May picture pa nga kami sa stage noon, kasama si Nanay na nasa kabilang gilid ko at si Luke nasa kanan habang karga-karga nito ang tatlong buwang sangol kong si Blaize.

Ruthless Men Series #2: (Brandon Roe Maxwell) ( COMPLETED )Where stories live. Discover now