Chapter 14

3 1 0
                                        

"What's taking you so long , baby?" bungad ni Max pagkaupo ko sa tabi niya.

"Where's Mr. E?" I ask Max. Pagdating ko dito sa dining area wala na si Mr. E.

"Umalis na may urgent meeting daw sa company" he simply answered. I just nodded and tumayo sa harap niya.

"Hindi mo ba ako dadalhin sa kwarto mo? I want to see your room" I act cute para pumayag siya. He smiled saka tumayo na din. Max pinched my cheeks before he held my hand.

"Sure baby" he giggled. Kala siguro ng lalaki na ito lumalandi ako sa kanya. Very wrong.

Nagpahila lang ako kay Max. Unakyat na kami sa pangalawang palapag ng mansyon na ito. Sa laki nito tila mawawala ka kung hindi ka dito nakatira. Bawat pasilyo na nadadaanan namin may mga paintings na nakasabit sa kilid.

Binuksan ni Max ang pinakadulo na kwarto sa pasilyo na ito.

"Feel free kitkat," he said. Pumasok ako sa kanyang kwarto. Halos lahat ng mga gamit dito ay kulay itim.

Biglang pumasok sa isip ko ang paboritong kulay ni Max. Gray. Ibang iba sa kung ano ang meron dito.

Tumunog ang cellphone ni Max kaya napatingin ako sa kanya.

"Answer it. I'm okay here" I said while nodding.

"Mabilis lang ito baby" ani niya saka lumabas sa kwarto.

Pagkalabas ni Max sa silid na ito. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumiko siya sa kaliwang pasilyo. It seems a important call kaya ayaw niyang marinig ko ito.

It's okay. I can do my business here. Kinuha ko aking cellphone at tinawagan si Aero.

"Nandito na ako sa kwarto niya" bungad ko.

"I already have access to their cctv" ani ni Aero. Naririnig ko pa ang tunog ng keyboard niya sa kabilang linya. Aero is good at hacking. I smiled.

"Check under his bed. There's a black drawer" ani ni Aero. Lumuhod ako at yumuko sa ilalim ng kama ni Max. Tama nga si Aero may itim na drawer na naka kabit sa kama na ito.

"Passcode" sabi ko.

"2152" Aero dictated. Pinindot ko ang numero na sinabi ni Aero. Bumukas naman ito at umayon sa plano.

"Tell me when you're done" ani ni Aero.

Luminga linga muna ako sa paligid at pakiramdaman kong may papalapit sa silid na ito. Nang wala akong naririnig na yapak o ingay galing sa labas binuksan ko ng tuluyan ang drawer.

Bumungad sa akin ang isang folder. Binuksan ko ito at nakita ang mga papel na may logo ng isang hospital.

I took a picture of it. Lahat ng mga papel na nakalagay sa folder na ito ay kinunan ko ng litrato bago binalik sa drawer. Natigil ako ng makita ang pangalan ang litrato namin Max. Ito yung araw bago nangyari ang trahedya. Ang mukha ni Max sa litrato na ito ay may ekis na pula.

Natigil ako kakatitig sa litrato ng marinig ang yapak na papalit dito.

"I'm done" mabilis kung sabi kay Aero na kanina pa naghihintay sa akin na matapos saka pinatay ang ko na ang tawag. I immediately lock the drawer at dali daling humiga sa kama at pumikit.

Naramdaman ko na may pumasok at umupo ito sa gilid ko. Base sa amoy niya, hindi siya si Max.

"Long time no see, Silent" he said. I know him.

Mr. E.

Hinaplos niya ang aking mukha. Hindi malambot at di rin mabigat ang pag haplos niya sa akin. May kung anong kirot akong nararamdaman sa aking puso dahil sa pag haplos niya.

Hindi ako kumibo kahit gustong gusto kong patayin ang lalaki na nasa harapan ko ngayon.

Naramdaman ko nalang na tumayo siya at lumabas sa kwarto. Agad akong dumilat at tumingin sa pintuan. Sana maling akala ang lahat.

Umupo ako ng maayos at sakto naman dumating si Max.

"I'm sorry natagalan ako. Can we continue our date next time? may urgent meeting kasi but pwede ko naman ipa cancel if don't want" nagalalang tumingin sa akin Max habang nagsasalita.

Tumayo ako lumapit sa kanya. "It's okay, Max. Gusto ko na rin umuwi may project pa pala akong hindi natapos gawin" I said. I can't smile at him.

"Are you okay, baby?" he said. Niyakap ako Max at yumakap din ako pabalik. I can feel his breath in my neck.

Kumirot ang aking puso ng maalala kung ano ang mga posibleng mangyari sa amin sa susunod na mga araw.

Gusto ko lang naman ang mabuhay ng matiwasay.

Hinatid ako ni Max sa aking condo. Bago siya umalis kanina ay may binigay siya sa aking kwintas.

Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Wala akong ganang kumain ng tanghalian.

Nakatitig lang ako sa kwintas na bigay ni Max kanina. Hindi ko alam kung hidden camera lang ba ang nilagay sa kwintas na ito o may gps din.

I'm not scared but I am deeply hurt. Bakit mo nagawa sa akin ito Max. May nagawa ba ako sayo? Ang sakit. Sana pala hindi ka na bumalik.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now