Chapter 10

6 3 3
                                    

Agad kong kinuha ang dagger ni Max na nakabaon sa dibdib ng lalaki. I throw the dagger dun sa lalaki at bumaon ito sa kanyang dibdib saka bumagsak sa lupa.

"I didn't see he's coming" sabi ni Max na mukhang nagulat.

"What are you doing here?" I ask him with greeted teeth. Hindi ko pa nakalimutan ang ginawa niya kanina at saka akala ko ba umalis na siya.

"Obviously, tinulungan ka" he simply answer. Obvious nga naman. Pinulot ko ang nahulog kong bag at nilagay ito sa aking balikat saka iniwan siya.

Bumalik ako kung saan ako tumakbo kanina. Alangan naman magpatuloy ako dun sa eskinetang yun.

"Saan ka pupunta?" sumunod pala siya. Hindi ko sinagot si Max, mas binilisan ko ang aking lakad para hindi niya 'ko maabutan.

Sadyang malalaki lang talaga ang hakbang niya kaya nasa likod ko na siya. Nang makarating kami sa harap ng BGC huminto ako dahil hindi ko na kaya ang sakit sa paa.

Yumuko ako at hinubad ang aking suot na heels.

"Yan kasi ang bilis mo tumakbo at maglakad" paninisi ni Max sa 'kin habang nakatingin na din sa hawak kong heels.

"Bakit ka ba sunod ng sunod? Stalker kita?" sabi ko at inangat ang aking tingin sa kanya. I glare him.

"Is it hard for you to say thank you?" malamig niyang sabi habang nakatitig sa aking mata. Mga matang kinababaliwan ko noon, parehong pareho sa kanya.

Nalulunod na naman ako sa paraan ng pagtitig niya.

"What do you mean, Mr.?" I raise my brow. Anong ibig niyang sabihin, na pabor ako sa ginawa niya? Haha nakakatawa.

"Mr. Villarde" he said.

My eyes widened when I heard it. Oh, pati bibig ko nagulat din. I froze for a seconds bago nakapagsalita.

"Pakiulit ng sinabi mo?" I clearly ask him. Nagkamali lang ata ako ng rinig. Oo, nagkamali lang.

"I'm Maxir Villarde, Ms. Cuevas" muntik na akong mabilaukan kahit walang kinakain. My heart suddenly stops beating for a while.

Naramdaman ko ang mainit na likidong umagos mula sa aking mata pababa sa aking pisnge.

"Pa--a--no--" I blink twice, thrice. Nakatitig lang siya sa akin. Tanging ingay mula sa loob ng BGC Club at mga dumadaan na sasakyan lamang ang aking naririnig.

Nanghina ang aking mga tuhod at muntik ng matumba buti nalang nasalo ako ni Max. Binitiwan ko ang hawak kong heels. I touch his face down to his shoulder.

Si Max nga, buhay siya.

"Are you alright?" rinig kong tanong niya. Tumingin ako sa mga mata niya, malambot at pag alala ang aking nakikita.

Napahawak ako bigla sa aking dibdib dahil sa biglaang pagsakit. Ang sakit, mentally, emotionally and physically. I can't handle this pain anymore. Narinig ko na lamang ang sigaw ni Max na naghihingi ng tulong.

I want to escape this pain. I want to sleep.....

.... forever.

Nagising ako dahil sa iba't ibang ingay. "Hoy! gumising ka na! wag kang tamad!" rinig kong sigaw ng isang babae habang tinapik-tapik ako sa pisngi.

I open my eyes and see a steel all over this room kung nasan ako.

"Gising na ang prinsesa" sabi ni Ate Rosie. I smirk at saka bumangon na.

Ang sakit ng buong katawan ko dahil sa pinag gagawa kahapon.

I stretch my body habang pumipikit. "Mag-ayos ka na diyan mag aagahan na baka maabotan na naman tayo ni Brochi" paalala niya sa 'kin saka umirap.

Si Brochi ang leader sa mga kababaihan dito sa loob ng kulungan. Madalas kapag naabutan kami ni Brochi na kumakain ay inaagawan niya kami ni Ate Rosie.

Lumalaban naman kami ni Ate pero sadyang malakas lang talaga ang pwersa at kapit ni Brochi sa mga kasamahan at pulis na taga bantay dito.

Naawa na nga ako kay Ate Rosie dahil siya ang sumasalo lahat ng bugbog na para sa akin. Alam ko kaya na kaya ni Ate na pabagsakin silang lahat dahil kita ko kung gaano siya kalakas saka marami din siyang alam sa martial arts pero hinahayan lang niya na gawin iyon sa kanya.

Eh, ako? payatot lang at pabigat pa.

Tinapik ako sa balikat ni Ate Rosie "Ayos na ang sugat mo sa leeg, bata" saad niya. Nasa med-30 na ata si Ate Rosie pero ang ganda niya parin.

She has deep dark eyes, narrow nose, thin lips, chubby rossy cheeks, white pale skin at sakto lang naman ang katawan niya, hindi katabaan at lalo na hindi payat tulad ko.

Nasa linya na kami ni Ate Rosie, ako ang nasa unahan at nasa likod ko naman siya naghihintay sa turno namin para sa pagkain. Ganito lage kapag kumakain dito, linya muna bago kain.

Pagkatapos ng turno namin agad kaming naghanap ng mauupuan sakto naman na may bakante katabi ng ilang tulad naming preso.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Hindi ko alam kung pagkain ba ng tao ang tawag dito mukhang kasing pang aso.

Dalawa lang ang pulis na nakabantay sa amin. Isa sa may pintuan palabas at isa sa pintuan papunta sa aming silid.

"Ano nga pangalan mo, iha?" tanong ng matandang babae sa akin habang ngimuya ang kinakain nito.

"Katana, po" mahinang saad ko dahil sa hiya. Nahihiya ako sa kanila dahil ako lang ang bata. Imagine, 18 years old maagang nakulong.

"Oy, magalang na bata" manghang wika ng katabi niya. Mga kakilala sila ni Ate Rosie kaya hindi ako natatakot makipag usap sa kanila. Ang kinakatakutan ko lang naman dito ay ang grupo ni Brochi.

Speaking of her, nandito na siya. Ang maingay na silid kanina bigla tumahimik ng dumating sila Brochi.

"Akin na yang pagkain mo, gurang!" sigaw niya sa matandang babae kaya lahat ay napatingin. Humalikipkip nalang sa tabi ang matanda at pinadaan muna sila Brochi bago pumila ulit sa linya.

"Bilisan nyo" saad ni Ate Rosie sa 'ming lahat na nasa lamesa.

Biglang lumamig ang aking katawan ng maramdaman ko ang kamay sa aking balikat.

"Bata, ang bilis kumain ah! gutom na gutom" saad niya saka tumawa pati na ang kasamahan niya.

"Tara na" sabi ni Ate Rosie. Mabilis siyang tumayo at hinila ako.

"Oh, saan kayo pupunta?" agresibong saad ni Brochi at hinila ang kabilang braso ko. Napatigil kami sa paglalakad at napapikit ako dahil sa sakit ng pagkahawak ni Brochi sa aking braso.

"Tapos na kaming kumain" malamig na tinig ang sinagot ni Ate kay Brochi. Para akong na estatwa sa pagitan nilang dalawa.

Tumingin si Brochi sa kasamahan niya at agad itong lumapit sa amin ni Ate.

"Ano ba ang kailangan mo sa'min, Brochi!?" sigaw ni Ate Rosie na namilipit din sa sakit ng pagkahawak ng dalawa sa kanya.

Bumabaon ang koko ni Brochi sa aking braso dahilan ng paglabas ng kaunting dugo dito.

"Bitiwan mo ako" saad ko pero parang wala siyang narinig.

"Bitawan mo si Katana, ako nalang" mahinang banggit ni Ate Rosie. Tumingin ako kay Ate pero tumango lang ito sa 'kin. Agad akong binitawan ni Brochi at lumapit siya kay Ate.

Lumapit naman ang kakilala ni Ate sa akin. "Masakit ba, iha?" nag alalang tanong ng matanda sakin habang hinihipan ang sugat sa aking braso.

Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para ipagtanggol si Ate Rosie. Para akong gulay na lanta at hindi na mapapakinabangan.

Hikbi at iyak nalang palagi ang ginagawa ko sa mga oras na ganito. Wala akong kwenta! Kahit strikta si Ate Rosie sa akin nararamdaman ko parin ang alaga at pagmamahal niya.

Si Ate Rosie ang unang tao na tumanggap sa akin dito sa loob. Sa loob ng ilang buwan simula ng makulong ako siya lang ang tinuturing ko na pamilya dahil sa kanya naramdaman ko na may nag aalala parin sa sa akin matapos ang nangyari.

Simula kasi ng ihatol sa korte na ako ay guilty, wala ni isa ang bumisita sa akin even my own family.

Masaklap na katotohanan na unti unting tinatanggap ng aking puso at kaisipan na sarili ko lamang ang aking makakapitan.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now