Chapter 15

3 1 0
                                        

Habang nakatitig parin ako sa kwintas na bigay ni Max bigla kong naalala ang mga papel sa loob ng folder na nakita ko kanina sa kwarto ni Max.

I open my gallery and tiningnan ang mga litrato na kinunan ko. Hindi ako familiar sa logo ng hospital na ito. I swipe to see the next photo. Natigil ako ng makita ang litrato ni Max at sa baba nito ang kanyang pangalan.

May mga nakasulat sa baba ng pangalan ni Max na hindi ko naman maintindihan dahil iba ang lingwahe nito. Baka makatulong si Aero sa akin.

I dialed Aero's number pero hindi niya ako sinagot. Ilang dial pa ang ginawa ko pero nagriring lang ito. I call him for the last time mabuti na lang sinagot na niya pero agad ding na end call.

Hindi gawain ni Aero ang hindi ako sagutin. He's a one call away partner. I wonder what happened to him.

Bumangon ako at nagmadaling magbihis. Pagkatapos ko magbihis at mag ayos ng sarili kinuha ko ang susi ng kotse na nakalagay sa table pati na ang dagger na nasa bag na gamit ko kanina.

Nakasakay na ako ngayon sa elevator pababa sa parking lot. Aero is important to me but not special.

Bago pa ako makapasok sa parking lot ng building may narinig akong lalaki na may kausap sa kanyang telepono.

It's Max.

"Yes, baby. Don't worry, okay? I'll be back before dinner. I promise." ani ni Max sa kausap niya.

Kumirot ang aking puso dahil sa narinig but I need to stay para marinig kong ano pa ang pinag-usapan nila.

"Yes, baby. I got her in my hands now. I'm sure she will not suspect me." Max said.

Gusto ko pa sana makinig pero hindi ko na kaya pa. Tumalikod na ako at umalis sa pinagtaguan. Naramdaman ko ang mainit na likido mula sa aking mata pababa sa 'king pisngi.

Tama nga si Aero. Hindi dapat ako umasa na siya pa rin ang Max na minahal ko noon.

Pinahid ko ang aking mga luha at nagmamadaling pinaandar ang kotse paalis sa parking lot.

Bakit pa kasi ako umasa. Bakit pa kasi ako umasa sa mga sana sa buhay ko. Alam ko naman na mali ang mga nangyayari pero sinabayan ko parin. Ayun tuloy sa huli ako pa rin ang nasasaktan at paulit ulit na masasaktan.

Ang bobo ko talaga. I feel betrayed again.

Hindi ko namalayan na malapit na ako sa address ng condo ni Aero. It's my first time going to his condo.

Hindi ko na pinark ang kotse ko sa parking lot ng building. I park my car in the front door sa building dahil hindi din naman ako magtatagal. I need to go hide out later.

Pumasok na ako sa building at dumiretso sa elevator. I know where his condo dahil palagi niyang sinasabi ito sa akin. Aero wants me to go to his condo dahil boring daw siya lang mag isa. But I always refuse his invitation.

Nasa 10th floor ang condo ni Aero. We share the same likes. We both love to watch the moon at night.

Nandito na ako sa harap ng condo niya. I open the door since I have a duplicate key pero hindi niya yun alam na meron ako.

I secretly get a duplicate key nong naiwan niya ang key niya sa condo ko. Cap Kristof wants me to get a duplicate key sa condo ni Aero. I don't know why but still sinunod ko ito.

And I guess this is one of the reasons.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Aero umiinom ng alak. Marami na ring walang laman na bote na nasa sahig at mga basag na nakakalat.

Dahan dahan akong naglakad papalit kay Aero na ngayon ay nakatitig lang sa bote na hawak niya. Iniwasan kong matapakan ang mga basag na bote para hindi magkasugat.

Nang makalapit na ako binawi ko ang hawak niyang bote at ininom ito hanggang maubos. Pagbaba ko sa boteng walang laman nakita kong nakatingin na sa akin ang mga mata ni Aero.

Malumanay ang paraan ng kanyang pagtitig sa akin kaya napatitig din ako sa kanya. Parang hinaplos ang aking buhok dahil sa titig niya.

If only I met him before Max baka siya ang minahal ko at hindi ang traydor na yon.

Natigil ang pagtitig ko sa kanya ng tumawa ito. I look at his lips back to his eyes.

"Sana totoo ka noh?......." pinutol niya ang kanyang sasabihin at tumawa ulit ito. ".....sana ganyan din ang paraan ng pagtitig ng babae na yun sa akin." pagpatuloy niya at umiling iling pa.

Hindi ako nagsalita at patuloy lang na nakatingin sa kanya. I never saw this side of him. Sa aming dalawa ako lagi ang may problema at siya yung dumadamay.

Siguro naman hindi masama o maling kilos kung dadamayan ko siya sa oras ng pighati niya. Since Trixie betrayed me, I never see anyone as my friend. I become insensitive to everyone around me. Yes, I help bullies but not because I pity them. I never use emotions and feelings to interfer my decisions.

Natigil ako kakaisip ng biglang maramdaman ang mainit na palad ni Aero sa aking pisngi. Nakatitig siya sa aking mukha habang hinahaplos ito.

Magaan sa mukha at pakiramdam ang paghaplos niya. Naalala ko bigla ang haplos ni Mr. E kanina.

"Ang ganda talaga mala anghel pero ang ugali?...." pinutol niya ulit at tumawa bago pinagpatuloy ang sasabihin. ".....masama" ani niya.

Kung hindi lang lasing ang lalaking ito baka nakahandusay na siya. Grabi naman itong si Aero. Hindi naman masama ang ugali ko ah.

Akmang tatayo si Aero pero agad kong hinila ito paupo ulit. Baka matapakan niya ang mga basag na bote sa sahig. Pano na lang niya ako matutulungan kung magkasugat siya.

-----

Sorry for the wrong grammars and typos also pasensiya din po if matagal ang updates. Sana po magustuhan nyo. I have other stories po, you can check it.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now