Thank you for reading
----------------------
"Katana!" Alea wave her hand at me. Baka hindi sa kanya ang BMW.
Lumapit ako kay Alea na nakatayo sa entrance ng BGC.
"Hi" bati ko. Ang pangit naman kung hindi ko siya babatiin, diba?
"Buti pumunta ka Katana nandun na ang mga friends ko. Halika ka, I'll introduce you to them" she said while smiling and I smile in return.
Hinila niya ako papasok sa loob. Agad na sumalubong sa 'kin ang ingay ng musika, mga taong nagkalat, mga lalaking lasing na naghahanap ng babae, a literal club.
Inikot ko ang aking paningin at nakita ang isang familiar na lalaking nakatalikod sa direksyon ko. Muntik na akong mabangga sa mga tao ng hilahin ulit ako ni Alea papunta sa isang couch kung nasan ang sinasabi niyang kaibigan.
Kaibigan na wala ako. Hindi ko din sigurado kung kaibigan ko talaga itong si Alea. We just met, I don't easily give my trust to anyone, to her.
Naalala ko bigla si Trixie kaibigan ko noon, nung hindi pa nangyari yun kay Max. Si Trixie ang nagsabi sa mga pulis na ako daw ang nagpatay kay Max dahil nalaman ko na may ibang girlfriend bukod sa 'kin.
Huminto kakahila si Alea sa 'kin ng nasa harap na kami ng sinasabi niya.
"Hi guys!" masiglang bati ni Alea sa mga kaibigan niya.
Apat na lalaki at dalawang babae ang nakaupo sa couch. Yung dalawang babae parehas na may katabi na lalaki mukhang naglalandian. Ang dalawa naman umiinom parang may hinihintay.
What do I expect? This is club.
"This is Katana, Katana this is Morphe and Rid" pakilala ni Alea sakin dun sa dalawa sa kaliwa na naglalandian. Morphe smile at me while Rid just shrug his shoulder.
"This is Feyi and Jay" I smile to both of them na couple din katabi nila Morphe.
"Ito namang dalawa si Kiefer and Brent, puro single yan" natatawang sabi ni Alea. Si Kiefer ay nasa kanan while si Brent naman katabi nung couple na si Feyi and Jay.
"Chicks" Kiefer comment while searching my body down to my legs.
"Dito ka umupo, Katy" sabi ni Brent sakin sabay lahad ng space sa gitna nila ni Kiefer.
"Dude, Katana! Hindi Katy!" saway naman ni Kiefer kay Brent. Natawa lang ang lahat kay Brent.
Tsk. Chicksboy.
"Whatever" sabi ni Brent saka inismidan si Kiefer. Nakatayo pa rin ako katabi ni Alea sa harap ng dalawa.
"Upo ka Katana. Wag mo nalang pansinin ang dalawa lasing na yan" Alea said at umupo siya sa gitna nila Brent at Feyi.
Umupo na din ako sa space na binigay ni Brent kanina. Nasa gitna ako ngayon ni Brent at Kiefer nakaupo. I should be civil to them.
"Katy" tawag ni Brent sa 'kin. Hula ko, Katy na talaga tawag niya sa akin simula ngayon.
Nag stretch si Brent ng braso niya hanggang sa napunta sa kabilang balikat ko ang kamay niya. Nakaakbay.
"Fasthand mo, Brent" sabi ni Kiefer kay Brent saka tinangal niya kamay nito sa balikat ko. Hindi masyado malakas ng music mula dito kung na saan kami.
Natawa nalang ako sa dalawa habang si Alea naman may ka text sa kanyang phone. Itong dalawa talaga ang makakausap ko buong oras dito dahil busy ang dalawang couple at si Alea.
"Wag mo nalang pansinin yang si Brent" biglang bulong ni Kiefer sa akin kaya medyo nagulat ako.
"It's okay" I answer at kinuha ang inabot na baso ng inumin ni Brent.