Chapter 11

11 3 4
                                    

"Katana"

Mahinang tapik ang aking naramdaman sa 'king pisngi. Minulat ko ang aking mga mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin.

"Rigel?" nagtataka kong tanong. Bakit siya nandito?

Pilit ko inalala ang nangyari habang nakatitig sa mukha ni Rigel na walang emosyon.

"Si Max?" tanong ko sa walang kurba na mukha ni Rigel.

"Patay na si Max, Katana" sabay irap niya. Naglakad siya patungo sa table kung nasan ang mga prutas.

"He's alive" halos pasigaw kong bangit. Hindi niya ako sinagot, kumuha siya ng isang piraso ng mansanas at hinagis sa akin agad ko naman itong nasalo and I glare at him.

"Stop it, Katana. Matagal ng patay ang mokong na yun" bored niyang sabi at umupo sa dulo ng hospital bed sa may paanan ko.

Teka lang! Hindi kaya panaginip lang yun? na buhay siya?

Kung panaginip lang yun bakit ako nandito at saka sino nagdala sa 'kin dito?

"Trust me, buhay siya at kasama ko siya kanina" kumbinsi ko sa kanya.

"Whatever" sabi niya at kinagat ang hawak niyang mansanas.

"Anyway, bakit ako nandito? Ano ang nangyari sa akin? At sino nagdala sa akin dito?" sunod sunod kong tanong.

Ang tagal niya sumagot nakatitig lang ito sa akin habang nilalaro sa kanyang kamay ang kinagatan niyang mansanas.

"I don't know. May tumawag lang sa'kin at pinapunta ako dito" I stare at him and search any lies sa sinabi niya pero wala akong makita. Well, magaling magtago ng sekreto ang mga lalaki.

"Alam ba ni Capella na nandito ka?" nagulat siya sa sunod kong tanong.

My badass cousin is inlove with an innocent baby.

"Nope" maikli niyang sagot.

Rigel Ycundi is hiding something to her girl.

"Did she know that your a...?" pinabitin ko sa ere ang sasabihin ko.

"Nope. Don't ever dare to tell her" he seriously said. I chuckle on his reaction.

Natigil kami ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Captain.

"Orion" bangit ni Captain sa codename ni Rigel.

Tumayo si Rigel at nag fist to fist bump ang dalawa. Actually, hindi kami close ni Rigel, mas close sila ni kuya.

"Are you alright?" baling ni Captain sa akin. "Silent" I correct him. Bumuntong hininga si Captain at lumapit sa akin.

"I'm worried" he said. Worried mo mukha mo. Ngayon ka pa nag aalala sa akin pero nung nasa kulungan ako ano ginawa mo bilang kapatid ko.

"Tsk" sabay irap ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Captain bago  bumaling kay Rigel na nagtitipa ng kung ano sa phone niya.

"Orion, sino nagsabi sayo na nandito si Ka--" naputol ang sasabihin ni Captain at tumingin sakin saka yumuko "... Silent?" pagpatuloy niya.

Hindi nakasagot si Rigel kay Kuya dahil bumukas bigla ang pinti at pumasok ang tauhan ni kuya.

"Pasensiya na po Captain sa biglaan kong pagpasok" paumanhin niya habang nakayuko sa harap ni kuya. Tumango si kuya bilang tugon. "May lalaki po kasing nagpupumilit na pumasok dito para bisitahin si Silent" paliwanag niya.

Sino naman kaya? si Aero? nasan na ba ang lalaki na yun?

"Papasukin mo" wika ni Kuya. Binuksan ng tauhan ni Captain ang pinto. Pumasok ang lalaking naka tshirt na puti and black denim jeans.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now