"Don't move Aero baka magkasugat ka" malumanay kong sabi kay Aero. He stared at me again with a cute innocent smile on his face.
Biglang pumasok sa aking utak ang alaala namin ni Max noong payapa pa ang lahat. Ganito din siya noon pag lasing.
"I hope Katana will say that to me too," he said. His cute innocent smile fade at napalitan ito ng mapait na ngiti.
I know Aero likes me. He doesn't need to say that dahil ramdam ko.
Kinuha niya ang bagong bote ng beer at binuksan ito saka iniinom.
"Stop it. You're already drunk and wasted" pagpigil ko sa kanya. Binawi ko ang beer na kanyang iniinom at ako ang umubos.
Pagkatapos kung ubusin ang beer. Kumuha ako ng walis at inunang linisin ang mga bubog na malapit kay Aero para hindi niya ito matapakan.
Nang malinis ko na ang sahig na malapit sa kanya tumayo si Aero at windang windang na naglalakad papunta sa sink ng kusina.
Ipinagpatuloy kong linisin ng natirang mga kalat habang si Aero naman ay sumuka sa sink. Pagkatapos kong linisin lahat lumapit ako kay Aero at hinimas ang kanyang likod.
Nang tapos ng sumuka si Aero hinatid ko na siya sa kanyang kwarto. Alam kong ito ang kwarto niya dahil isa lang naman ang kwarto dito sa condo niya.
Inihiga ko siya sa kanyang kama at hinubad ang kanyang suot na damit dahil amoy suka ito. Para naman siyang bata na sumusunod at nakatingin lang sa mga kilos ko.
Bumaba ako sa kanyang kama para kumuha ng malinis na pamalit niyang damit. Bago pa ako makababa hinawakan niya ang aking bewang at hinila pahiga sa kama. He's now on top of me.
Ngayon ko lang na pagmasdan at nakita ng malapitan ang kanyang mga mata. He has beautiful blue eyes.
Hindi ko ito nakita noon dahil pag magkasama kami palagi siyang may shades or glasses na suot.
"Your eyes are so beautiful" mga salita na kumawala sa aking bibig.
"If only I can tell you that I am the real…." hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng pumikit ito.
I feel how heavy he is dahil nakadagan na siya sa kin. Hindi ko siya tinulak at hinayaan lamang na dumikit sa akin. Ramdam ko sa aking leeg ang mainit ng paghinga.
Tinapik ko ang pisngi ni Aero pero wala itong kibo. Nakatulog na siguro sa kalasingan.
I push him slowly and gently para mahiga siya sa tabi ko. Bumangon ako at napagpasyahang hindi na lang siya so-suotan ng damit dahil hindi naman malakas ang aircon. Kaya nilagyan ko na lang ng kumot bago lumabas sa kanyang kwarto.
Paglabas ko ng kanyang kwarto kinuha ko agad ang aking bag at umalis sa condo ni Aero. Hindi pa naman umiikot ang aking paningin kaya ko pang mag drive pa uwi sa aking condo.
Habang nag da-drive ako hindi ko mapigilang hawakan ang aking dibdib kung saan galing ang malakas na tambol kanina.
Bago ako umuwi sa 'king condo ay pumunta muna ako sa hideout dahil may new member daw. I park my car outside the hideout dahil aalis din ako agad.
I see someone hiding in the bush hindi kalayuan sa gate ng hideout. Hindi na ako nagulat ng makilala ito.
It's Capella Becker. Best friend ni Tanya at nililigawan ng cousin kong si Rigel.
I guess Rigel is still hiding this from Capella.
"Codename" gate keeper asked me.
"Silent" I said. Bago pa ako makapasok sa gate ay nakita kong palabas si Rigel and Tanya.
My guess is right. Si Tanya ang new member. I wonder if Capella knows about Tanya too.
Pagod na pagod akong dumating sa aking condo ay diretso na ako sa 'king kwarto at nagpahinga. Hindi na ako kumain at nag half bath dahil hinihila na ako ng kama at unan.
Ilang linggo ang lumipas simula ng marinig ko si Max na may kausap sa kanyang telepono sa parking lot at ng pagpunta ko kay Aero.
Simula non ilang linggo ding hindi nagpakita sa akin si Max. Si Aero naman ay walang naalala sa nangyari sa condo niya. Aero ask me what happened if may nasabi ba siya or ginawa pero hindi ako sumasagot sa tanong niya.
Nag te-text parin sa akin si Max na busy siya kaya hindi muna siya nagpapakita sa akin kahit sa school ay absent siya.
Hindi ko na hahayaan na masaktan ulit ako ni Max. Nawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko nga alam kailan or pano yun nawala. Basta nagising na lang ako na wala ng sakit at pagmamahal kundi paghihiganti na lang sa mga sumira sa buhay ko.
Alam ko na rin kung sino at ano ang pagkatao ni Mr. E.
Si Mr. E ang ama ni Trixie na dati kung kaibigan. Ang sabi ni Trixie sa akin noon ay patay na ang kanyang ama pero kasinungalingan lang pala iyon.
Si Trixie din ang nag utos na patayin si Max noon. Si Trixie ang dahilan kung bakit ako nakulong at nagdusa. Sila dalawa ng kanyang ama.
Nagpatulong ako kay Aero na hanapin kung anong hospital ang logo na nasa papel na nakita ko sa kwarto ni Max. Ngayon tapos na ang klase ko sa araw na ito.
Sa ilang linggo na lumipas hindi ko nakita sila Zero at yung mga hukluban na clowns. Siguro ito na yung linggo na hindi napagod ang kamao ko.
Nandito na ako sa labas ng gate at naghihintay na dumating si Aero. Pupuntahan namin ngayon ang hospital na sinasabi niya.
Nang makita ko ang mga papelis na yun hindi na ito mawala sa aking isipan. Kung tama nga ang hinala ko na may tinatago si Max tungkol sa pagkatao niya hindi ako maghihinayang paliparin ang punyal sa kanyang dibdib.
