Chapter 3

15 8 1
                                    

Kinabukasan nagising ako dahil sa tunog ng alarm. I see 3 missed calls from Aero.

Nagshower muna ako at saka nagbihis. I'm wearing black dress and white shoes. Wala pa akong uniform kaya naka civilian muna ako.

Pagdating ko sa school agad na tumingin ang mga mata ng mapaghusga at marites sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at diretso lang akong naglalakad sa hallway papunta sa first class ko.

"A criminal" sabi nung babae pag daan ko sa harap niya. Well, if that's what you think. It's your mouth, I don't own that shitty.

Pagpasok ko sa room ay tumahimik silang lahat na nakatingin lang sakin. Na star struck ata sa ganda ko.

Umirap ako at umupo sa dulo. Wala pa yung prof namin kaya yung mga kaklase ko ay nagbabatuhan ng bolang papel. Girls vs. Boys, ata?

Inilabas ko ang aking phone at naglagay ng headset dahil ang ingay nila. Biglang kong naramdaman na may tatamang bolang papel sakin kaya inangat ko ang aking isang kamay at sinalo ito saka tinapon sa sahig.

Nakatingin lang silang lahat sa ginawa ko at may ibang nagulat. Ano gusto nila ibato ko sa mukha nila?

Binalik ko ulit ang aking tingin sa phone. Biglang may lumapit sa akin at tinangal ang headset sa tenga ko.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nakita ang lalaking bumato kanina ng bolang papel sakin.

"Hoy! Ang angas mo ha!" sabi nung lalaki at hinampas ang table ko. I'm scared huhu, ulol.

Hindi ako natatakot sayo no! at ang baho ng hininga mo! Pero hindi ko yung sinabi sa kanya. Nanahimik lang akong nakatingin sa mata niya.

"OH! ANONG TINITINGIN MO!?" sigaw niya. Masama ba na tignan ko ang mata niya? O di kaya'y may tinatago siya?

"Nothing" mahinahon kong sagot na kinagalit niya. What's wrong sa sagot ko? Ulol.

"Aba! sumasagot pa" sabi nung babae sa likod niya. Aba! sumisingit!

"Ang angas mo talaga no! Baguhan ka lang dito kaya wala kang karapatan na umangas!" madiin na sabi niya at nilapit ang kanyang mukha. Tinakpan ko ang aking ilong at tumawa ng mahina. Iniinis ko siya para lumabas ang tunay niyang kulay.

"Anong tinatawa mo diyan ha!" sabi niya. Tumawa ng mahina ang lalaki na katabi niya at saka humawak sa balikat ng lalaki sa harap ko.

"Bro, tinatawanan ka ata" dahil sa sinabi nung lalaki na humawak sa balikat ng nasa harap ko ay mas nagalit siya sakin. Nilapit niya ulit ang kanyang mukha sakin.

"Ang baho ng hininga mo" sabi ko at tinkpan ulit ang aking ilong. Tumawa ang lahat ng marinig ang sinabi ko.

He glare at me. "I want to punch her face" maarteng sabi nung babae sa gilid at pumulupot ang kanyang kamay sa braso ng nasa harap ko.

Punch me if you can, bitch!

"I will do that for you, baby" malambing na sabi naman ng bahong lalaki. Oh! girlfriend niya pala yan. Kala ko bakla siya kasi yun ang nakikita ko sa mga mata niya ng titigan ko ito.

Humarap ulit sakin ang lalaki at akma sana akong susuntukin ng masalo ko ito. Tumayo ako at mabilis na inikot ang kanyang kamay saka minudmod ang kanyang mukha sa table ko.

Nagulat silang lahat at may ibang nagbubulungan.

Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya at mas minudmod ang kanyang mukha. I can see his left ear turn red.

"Punch me if you can, beggar" huli kong sabi at binitawan siya saka tinulak sa girlfriend niyang mukhang bakla.

Nang makatayo siya sakto naman na dumating yung prof namin. He glare at me but I just smirk.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now