Don't forget to vote and follow me.
--------------------------------
Hindi pa kami nakalapit sa kotse ni Aero ng inikotan kami ng mga lalaki. Pareho kaming kalmado ni Aero at hindi nagpakita ng anumang takot, sa mata man o sa physical na anyo.
We used to this. Sa trabaho namin sisiw nalang ito.
Nagkatinginan kami ni Aero, tig dadalawa kami. Lumayo ng konti si Aero sakin para hindi kami magkabungguan.
Unang lumapit sakin ang lalaki na naka hoodie he about to punch my face pero sinalag ko yun at sinipa ang tiyan niya. Wrong sipa ata, sana sa junior niya nalang para agad tumba.
Ang dalawang lalaki ay sumugod na din kay Aero. Sumugod ang isang pang lalaki sakin pero bago ito makalapit ay tinadyakan ko ang mukha saka siya natumba. Sumunod ang naka hoodie at may nilabas sa kanyang tagiliran. A dagger.
Ba't ang hilig nila sa dagger?
Sinipa ko ang kamay niya na nakahawak sa BC-41 dagger dahilan para tumalsik ang ito sa lupa. Saka ko inulanan siya ng suntok at sipa.
Nang matumba na ang dalawang lalaki na sumugod sakin tumingin ako kay Aero na pinagpagan ang kanyang suot saka tumingin sakin. Nakahiga nadin sa lupa ang dalawa na sumugod sa kanya.
Lumapit ako sa kotse niya at pinulot ang nahulog kong bag kanina.
"Easy" mayabang na sabi ni Aero pagkalapit sakin. Aero smirk at them.
Nauna akong pumasok sa kanya sa loob ng kotse, sumunod naman siya.
"Did you know that guys" he ask while starting the engine.
"Mayor's son companion" sagot ko at tumango siya. Alam ko na mga tauhan yun ni Zero he wants revenge dahil sa ginawa ko kahapon.
Hindi ako nakabihis sa restaurant kaya tumigil muna kami sa isang fast food chain.
Nagtake out si Aero ng pagkain namin dahil hindi din kami nakakain kanina. Habang ako ay dumiretso sa restroom para makapagbihis si Aero naman nasa labas lang.
I'm wearing all black, upper and lower pero naka white shoes pa din ako. Paglabas ko sa fast food chain nakita ko si Aero na naka sandal sa kotse niya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka umikot sa driver seat. Pagpasok niya sa loob ay inabot niya sakin ang hamburger at coke float.
"Is it okay to you?" tanong niya habang pinaandar ang kotse.
"Hamburger and float is fine" I answer. Libre niya ito kaya hindi ako dapat magreklamo. Hindi naman ako gutom na gutom talaga kaya okay lang sakin kung burger lang.
Habang nag dadrive siya kinuha niya ang kanang burger, he's trying to open it pero nahihirapan siya. Kaya binaba ko muna ang burger ko at kinuha ang sa kanya.
Binuksan ko ang burger sa kanya at tinusok ang straw sa float niya saka ito binigay kay Aero.
"Thank you" he said. Kinuha ko ulit ang burger ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Ilang oras ang biyahe at hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nang magising ay tumingin ako kay Aero na may katawag sa phone niya kaya umayos ako ng upo.
"On the way, Cap" Aero said.
"She's with me" pagpatuloy pa nito.
"Got it" huling sabi ni Aero bago binaba ang kanyang phone. He take a glance at me bago tumingin sa daan.
"We'll meet Mr. Handi sa hotel" he said kaya tumango lang ako at inayos ang aking hoddie na black.
"Mr. Handi check in one of the 5 star hotel here in Laguna for safety" patuloy niya.