No Wonder (Darwin, Akemi, Hiro fake scenario)

68 3 0
                                    

"Can I have this dance?/May I?"

Napatingin si Rainie sa dalawang lalaking nasa harap niya na kapwa nakalahad ang palad at naghihintay sa kanyang isasagot. Nakatitig lamang siya at hindi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung kaninong kamay ang tatanggapin, kung kay Darwin ba o kay Hiro. Hindi niya alam na hindi lang sa bigat ng responsibilidad bilang anak ng president siya mape-pressure kundi pati na rin sa pagpili nang makakasayaw sa gabi na ipinakilala siya bilang anak ni Hideo.

Narinig niya ang pagtawa ni Akane, tila tuwang-tuwa ito sa nakikita. Siniko ito ni Ken kaya nagalit si Akane at sinabunutan nito ang lalaki saka nag-walk out. Hinabol naman ito ni Ken.

Siya na lang ang natira sa table nila dahil wala sina Riye at Reiji, naroon sila sa isang sulok at kausap ang intern ni Dra. Yuuki. Wala siyang ibang mahingan ng tulong. Maski sina Nel at Krystal ay alam niyang walang magagawa sa sitwasyon niya ngayon. Nasa kanya lang talaga ang desisyon noong gabing iyon.

Muli siyang tumingin sa dalawang lalaking nasa harap niya. Nakalahad pa rin ang mga kamay nila. Nakangiti nang bahagya si Darwin samantalang halos walang bakas ng emosyon kay Hiro, pero kilala siya ni Rainie, at base sa ekspresyon ng mga mata nito ay umaasa siya na tatanggapin ni Rainie ang kamay niya.

"I..." magsasalita pa lamang sana siya nang may isang taong nauna nang magsalita.

"May I have this dance, Rainie?" sa gilid ni Rainie ay naroon ang taong hindi niya akalaing sasalba sa kanya. Si Sir Hayate.

Tumango na lamang siya at tinanggap ang kamay ni Sir Hayate. Habang naglalakad sila patungong dance floor ay nakita niya si Ms. Reina na pumalakpak at nag-thumbs up kay Sir Hayate. Nag-thumbs up siya pabalik kay Ms. Reina bago ito bumaling kay Rainie.

"She told me to save you from your dilemma." aniya at biglang nakaramdam ng hiya si Rainie. "Both of them likes you, huh. No wonder." dagdag pa nito.

The Erityian ChroniclesWhere stories live. Discover now