And The Winner Is... (Atama Family and Team Optimus fake scenario)

52 3 0
                                    

Lingid sa kaalaman ng karamihan, nagkaroon ng pustahan sina Ken at Cliff kung sino kina Akane at Nel ang mas nakakatakot at nakamamatay magmaneho kaya nag-set sila ng date para sa isang drag race. Nang sabihin nila iyon kina Nel at Akane ay hindi nag-dalawang isip ang dalawang babae at agad na pumayag sa drag race. Ang hindi alam ng dalawang lalaki ay may ibang balak sina Akane. Tanging si Hiro lang ang nakaalam ng balak nina Akane at nung sinubukan niyang pigilan si Akane ay ngumisi lamang ang huli. Bumuntong-hininga na lang si Hiro saka tinapik si Ken at sinabing 'Come back alive, Ken.' bago ito naglakad palayo. Ipinagtaka naman ito ni Ken.

Dumating ang araw ng karera nina Akane at Nel. Excited na excited si Ken at confident na confident siya na si Akane ang mananalo sa karera. Pagdating sa venue ay inakbayan siya ni Reiji at natatawang sinabi na 'Nasa sa'yo ang pusta ko, Ken. Galingan mo ah.' Sa ikalawang pagkakataon, ay naguluhan na naman ito. Limang minuto bago magsimula ang karera, saka lamang niya naintindihan kung bakit sinabi iyon nina Reiji at Hiro.

Natapos ang karera at lulugo-lugong naglakad pabalik si Ken papunta sa mga kaibigan niya, sa likod naman niya ay si Akane na nakangisi, walang bahid ng lungkot ang mukha kahit naunang nakarating sa Finish Line sina Nel at Cliff.

"Sorry Ken. Sinubukan naming pigilan sina Akane at Nel sa balak nila." Pagpapaliwanag ni Akemi.

"Nii-san, sorry po talaga. Hindi na po namin napigilan si Akane nee-san kasi kanina lang namin nalaman ang tunay na balak niya." Sagot naman ni Riye na mangiyak-ngiyak na.

"Bakit..." Hindi na natuloy ni Ken ang sasabihin niya dahil muli na naman siya sumuka sa daan sa ikaapat na pagkakataon. Ang unang tatlong beses na sumuka siya ay pagkalabas na pagkalabas niya ng passenger seat ng kotseng ginamit ni Akane sa karera.

Kaya pala okay lang na nauna sina Nel sa Finish Line. Hindi naman pala iyon ang totoong panalo. Dahil ang totoo pala, isasama nila Akane at Nel sina Ken at Cliff bilang kanilang mga pasahero at kung sino man ang unang sumuka sa dalawang lalaki pagkalabas ng sasakyan ay iyon ang panalo. Si Akane? Siyempre kay Ken ang pusta niya kaya siya ang itinanghal na panalo.

The Erityian ChroniclesWhere stories live. Discover now