The Target (Ken x Akane AU)

46 2 0
                                    

Hindi na bago kay Ken ang pagtinginan ng mga estudyante habang naglalakad siya papunta sa kanyang klase. Karamihan sa mga nakatingin ay babae at ilan pa sa mga ito ay tinuturo siya habang tinatakpan ang kanilang mukha upang maitago ang namumula nilang mga pisngi, ang ilan pa nga ay naglabas ng kanyang larawan at sinisigaw ang kanyang pangalan. Ngumisi na lamang si Ken sa natunghayan.

"Oy." May isang lalaki ang lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat. Si Satoru pala ito, isa sa mga kaibigan niya.

"Yo Satoru!" Masiglang bati pabalik ni Ken.

"Anong ginagawa mo at bakit ang bagal mo pang maglakad? Late ka na, bakit hindi ka pa magmadali? Baka wala ka nang maabutan sa klase ni Ms. Tori." Ani Satoru

"Nah. Okay lang kung 'di ko maaabutan si Ms. Tori. Sa klase na lang ako ni Ms. Reina a-attend." Sagot naman ni Ken na nagkibit-balikat lang. "Mauna ka na. Kunyari hindi tayo nagkita dito." Natatawa niya pang dagdag.

Tiningnan lamang ito ni Satoru bago ito muling nagsalita.

"Bahala ka na nga. Nga pala, pumunta ka mamaya sa The Hallway ha. Kailangan raw kumpleto tayo para pag-usapan kung anong gagawin natin sa next target. For sure, magiging masaya ang mga mangyayari this year."

Bago pa man maitanong ni Ken kung sino ang target ay naglakad na papalayo si Satoru at noong tinawag niya ito ay kumaway lamang ito nang nakatalikod. Nagtataka man, pinili na lang ni Ken na magpatuloy sa pagpunta sa susunod niyang klase.

Lumipas ang ilang oras at lumabas muna si Ken para bumili ng makakain mula sa cafeteria. Pabalik na siya sa klase ngunit pinili niya munang dumaan sa fountain area kung saan may isang grupo ng mga estudyante ang nagkukwentuhan pero isang boses lang ang nangingibabaw. Hindi man niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito, alam niya na isa itong masayang kwento dahil kapansin-pansin ang reaksyon at rinig na rinig ang malakas na tawa ni Akane, isa sa mga pinakakilalang batchmate niya campus at ang tinaguriang 'Person With The Most Annoying Laugh/Chatterbox of the Year'.

"Cute." sambit ni Ken

"Anong cute? Hoy Ken!" hindi namalayan ni Ken na may makakasalubong na naman siya sa isa sa mga barkada niya ngayong araw. Ang akala niya ay mamaya pa niya makikita ang mga ito dahil hindi naman sila pare-parehas ng kurso ngunit lahat sila ay may parehas na free time pagdating ng hapon.

Ngumiti na lamang si Ken at nagmaang-maangan na may sinabi siya.

"Uy, ikaw pala Kai! Bakit ka nandito?" Tanong ni Ken sa kaibigan.

"Wala naman. Tinitingnan ko lang kung maganda ba yung next target. Mukhang maayos naman, ang sakit nga lang sa tenga ang boses niya." Natigilan si Ken. Ayaw niyang mag-assume at isipin na si Akane ang tinutukoy ng kaibigan niya kaya nagtanong na siya.

"Sino ba yung target na tinutukoy mo?"

Sarkastikong natawa ang kaibigan niya saka itinuro ang direksyon kung saan ang grupo ng mga babae na nasa may fountain, ang grupo kung nasaan si Akane.

"Ayun siya, yung babaeng may pulang buhok. Si Akane ang napiling target ni Yuu."

The Erityian ChroniclesWhere stories live. Discover now