The Transferee (Hideo x Akemi AU)

40 2 0
                                    

Aaron is a transferee to Rielle's university at naging matunog agad ang pangalan niya dahil bukod sa malakas ang dating, ay sadyang matalino ito at natural na leader. Ang pagdating na ito ni Aaron ay kinatakutan ng nangungunang estudyante na si Rielle, pakiramdam niya ay unti-unting inaagaw sa kanya ni Aaron ang lahat ng meron siya- kasikatan, ang panig ng mga guro at estudyante, higit sa lahat, ang pagiging Top Student ng kanilang batch.

Naging mortal na kaaway ang turing ni Rielle kay Aaron at ginawa niya ang lahat para mapanatili sa kanya ang pagiging Top Student. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Aaron ay agad niya itong sinasamaan ng tingin, sa kabilang banda naman ay nanatiling tahimik at kalmado si Aaron, ni halos walang emosyon ang makikita sa kanya.

Ngunit isang araw, hindi akalain ni Rielle na magbabago ang tingin niya kay Aaron.

Nasa library noon si Rielle at may hinahanap siyang libro na matagal niya ng gustong mabasa. Isa iyon sa mga paborito niyang libro at halos suyurin niya na ang buong silid-aklatan pero hindi niya na talaga ito mahanap, ang sabi ng kanilang librarian ay nahiram na ang lahat ng kopya noon. Napagod si Rielle sa kakahanap ng libro at umupo na lang siya sa kabilang dulo ng isang bench kung saan may isang lalaking nakayuko at nagno-notes. Hindi niya napansin na si Aaron pala iyon.

Tatayo na sana siya at aalis nang mapansin niya na may iniaabot na libro ang lalaking katabi niya, laking gulat niya nang makitang si Aaron pala iyon. Ngunit mas nagulat siya sa librong inabot sa kanya nito. Iyon ang librong hinahanap niya! Ang kaibahan nito sa mga kopya sa library ay halatang bago pa ito at parang kakabili lang.

"Uhmm..." Hindi alam ni Rielle ang sasabihin kay Aaron at nakapako lang ang tingin niya sa libro.

"I bought that for you, Rielle. I was observing you for a little while now and I noticed na iyan lagi ang binabasa mo kapag free time. That's why I decided to get you your own copy." Walang masabi si Rielle at natulala na lang siya kay Aaron. That was the longest speech that she heard from him!

"Uhmm... Thanks." Iyon na lamang ang nasagot niya dahil sa hiya.

"You're welcome. Always." Sagot ni Aaron at tipid na ngumiti saka tumayo. "Sige, alis na ako ha. See you in our next class." Aniya at umalis na.

Ilang segundong muling natulala si Rielle noong umalis si Aaron bago siya muling tumingin sa paborito niyang libro.

'Seventh Sense' iyon ang nakalagay sa cover ng aklat.

Hindi niya namalayan na napangiti na pala siya dahil sa dalawang dahilan; una ay dahil sa libro, ang pangalawa ay dahil kay Aaron mismo.

The Erityian ChroniclesWhere stories live. Discover now