- Akane (headcanon) -

29 1 0
                                    

Morning person talaga dati si Akane. Maaga silang natutulog ni Riye sa gabi kapag wala na silang mapag-usapan, saka tahimik rin kasi ang huli at hindi ito pala-tanong na siyang ikinalulungkot kung minsan ni Akane. Gusto niyang maranasan na may may ka-late night chismisan.

May times rin na magigising si Akane ng mas maaga kay Riye kaya lalabas siya ng kanilang dorm para bumili or mag-order ng almusal nila. Ganun ang routine nila ni Riye sa buong isang taon.

Kaya sobrang galak na lamang niya noong dumating si Akemi sa Atama. Bukod sa nararanasan na nila ang makakain ng homemade cooking, ay natural rin ang pagka-curious ni Akemi sa mga bagay-bagay kaya marami na silang napagku-kwentuhan.

Ending, maraming beses na rin silang tatlo na na-late sa klase dahil sa kaka-diskusyon nila sa gabi.

The Erityian ChroniclesWhere stories live. Discover now