Chapter 12

4.6K 78 4
                                        

I stood frozen in front of the mirror, lost in my thoughts. Tonight, I was heading to a party — my friend Sab's birthday celebration. I was already dressed and ready to go, yet here I was, staring blankly at my reflection in the full-length mirror as if I had something heavier weighing on my mind.

Bakit nga ba ako magtatampo? May karapatan ba ako? Tss. At kung magtampo man ako, anong pakialam niya? As if naman na susuyuin niya ako, 'di ba?

Kanina pa ako nakikipagtalo sa sarili ko dahil sa nangyari noong huli kaming magkita sa resto ni Dos. Tatlong araw na ang nakalipas, pero ni isang text o tawag, wala akong natanggap mula sa kaniya. Kahit noong araw na naghiwalay kami, wala man lang siyang paramdam. Naiinis ako hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa sarili ko dahil gusto ko siyang sumbatan, gusto kong magreklamo. Pero lagi kong pinipigilan ang sarili ko dahil alam kong... wala naman akong karapatan.

With a heavy sigh, I tried to shake the thoughts away.

"Stop it, Mifi. We have a saying, remember?" I muttered under my breath.
"Don't expect anything from anyone, because it's better to feel surprised than to feel disappointed."

Huminga ako nang malalim at sinubukang ngumiti. Suot ko ang fitted black silk dress ko na may slit sa kanang hita, naka-curl ang buhok, naka-red lipstick, at may suot na nude-colored three-inch heels. I smiled one more time at my reflection before leaving my room.

Kilala ang kaibigan ko at maging ang pamilya nila, kaya sigurado akong maraming businessmen at businesswomen ang dadalo roon lalo na't pamilya ni Sab ang nagmamay-ari ng pinakasikat na fashion magazine sa bansa at sa Paris.

Pag-upo ko sa loob ng kotse, biglang nag-ring ang phone ko sa loob ng pouch. Kinuha ko iyon at napangiti nang makita kung sino ang tumatawag.

"Hey! Paalis na ako," bungad ko sa kabilang linya.

[What?! Paalis ka pa lang?] reklamo niya agad.

"Mm-hmm. Maaga pa naman, bakit ba?" Nilipat ko ang tingin sa maliit na screen ng dashboard — alas-kwatro pa lang ng hapon.

[Maaga pa nga, pero, girl! Hindi ka lang sa Lemery pupunta! Hello? Tagaytay ito, baka nakakalimutan mo?]

"I know, I know. Relax, okay? Magsisimula naman ang party ni Sab kahit wala ako. Bakit ba ang drama mo?" tanong ko kay Aicka.

[Wala lang... ang dami kasing pogi rito, girl! Baka maubusan ka, kasi kanina ko pa sila hinuhubaran sa isip ko!] Kinikilig pa itong nagpatuloy. [Hoy! Behave ka nga! Nakakahiya kay Sab!] dinig kong saway ni Rein sa tabi niya.

"Sige na, sige na! Akala ko kung bakit ka napatawag. Aalis na ako bago pa ako ma-traffic."

[Okay! Ingat ka, girl. Drive safe! Bye!]

Napailing ako matapos ang tawag. Kahit saan mo dalhin ang babaeng 'yon, basta makakita ng pogi, automatic, pinag-iinitan na agad sa utak. Tss.

Sab's birthday was being held at Twin Lakes Hotel. I had also packed an extra set of clothes to leave in the car, just in case the girls decided to drink and spend the night there, which, knowing them, was very likely.

Matapos ang ilang oras ng pagmamaneho, narating ko rin sa wakas ang lugar. Sinalubong ako nina Rein at Aicka sa pintuan ng hotel gaya ng bilin ko.

"Hi!" bati ko sa kanila.

"Ang taray! Kinabog mo pa ang may birthday! Debut mo?" sarkastikong sabi ni Aicka.

"Gaga! Tara na nga!"

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at nagtungo sa reception hall kung saan ginaganap ang birthday ni Sab.

"Girl, I swear, mag-eenjoy tayo rito! By the way, magkakasama tayong apat sa isang room," bulong ni Aicka habang naglalakad kami.

The Price Of A SinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon