Matapos ang mainit na pag-uusap na 'yon, pinili kong lumabas at hindi na bumalik sa table namin. Dumaan muna ako sa isang mesa at walang pag-aalinlangang kinuha ang bote ng alak na nandoon bago tuluyang lumabas ng reception hall. Diretso ako sa labas ng hotel kung saan ramdam na ramdam ang lamig ng gabi, lalo na't malakas ang hangin na galing sa lawa ng Taal.
Walang pag-aatubili kong nilaklak ang laman ng bote habang nakatingin sa madilim na tanawin ng Taal Volcano. Hindi ko ininda ang ginaw na dumadampi sa aking balat. I just wanted to get wasted and numb myself, at least for tonight. I wanted to forget everything.
Ilang sandali pa, napayakap ako sa aking sarili dahil sa sobrang lamig. Bigla na lang may bumalot sa katawan kong isang itim na coat mula sa aking likuran. Napalingon ako, medyo nagulat sa presensya ng taong iyon.
"Malamig na rito. Bakit hindi ka sa loob tumambay kasama ng mga kaibigan mo?" tanong ng lalaki at tumayo sa tabi ko.
Nagbuntonghininga ako at muling ibinalik ang tingin ko sa tanawin sa harapan. Hindi ko inaasahang siya pa talaga ang makakasama ko rito. Tss.
"Nagpapahangin lang bago umuwi," sagot ko nang malamig.
"Uuwi ka? Pero nakainom ka. Delikado."
"Okay lang. Hindi naman ako lasing."
"Still... nakainom ka pa rin."
At doon bigla kong naalala si Dos. Ganito rin ang sinabi niya noong minsang nahuli niya akong nag-iinom sa Lipa. Magkaibigan nga talaga sila, parehong-pareho."I know," mahina kong tugon. "Pero kailangan kong umuwi. Gusto kong makapagpahinga nang maayos."
"Okay. Ikaw ang bahala."
Natahimik kaming dalawa pagkatapos no'n. Akala ko aalis na siya, pero nanatili lang siya sa tabi ko. Ilang sandali pa'y nagsalita ulit ito.
"Can I ask you something?" tanong niya bigla.
"Yeah... sure."
Uminom ako ulit ng alak at doon ko lang napansin na paubos na pala ito."How's you and Dos? Still in touch?" seryosong tanong niya habang ang mga kamay ay nasa bulsa. Nakatingin siya ngayon diretso sa akin.
"Still the same..." sagot ko ng walang gana. Kasi kahit ako, hindi ko rin alam kung ano ba talaga kami.
"Kayo ba?"
"Hindi..."
"So, anong tawag sa relasyon niyong dalawa?"
"Friends..."
"Friends?" nagtataka niyang tanong sabay harap sa akin nang maayos.
"...with benefits," dugtong ko. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya.
"Seems like you're not in favor of that?"
"What?" kunwari'y natawa ako. "We both agree with that. What are you talking about?"
"Your eyes say otherwise. You're in love with him, right?"
Hindi ako nakasagot. Hindi rin ako makatingin sa mga matang tila sinusuri ang buong pagkatao ko.
"Did he know about that?""About what?" painosente kong tanong, dahilan para matawa siya nang mahina.
"Come on. Stop playing safe. Does Dos know about it?"
"No," sagot ko sabay buntonghininga.
"Why? Bakit hindi mo sinabi?"
"Because even if he knew about my feelings, nothing will change. He will never love me back. He couldn't."
"So... you already knew?"
Humarap ako sa kaniya at nagkrus ng mga braso."Ikaw..." simula ko.
"A-anong... ako?" kinakabahan niyang tanong.

BINABASA MO ANG
The Price Of A Sinner
General FictionMifi grew up believing she was her parents' only child, until the truth shattered everything. A stepsister she never wanted. A family who gave their love and attention to someone else. From that day, resentment took root in her heart. Then came him...