Tinanghali ako ng gising kinaumagahan sa hotel kung saan ako pinatuloy ni Dos kagabi. Kaya naman halos tumakbo ako palabas, nagmamadali dahil ayokong abutan ng traffic sa daan.
"Shit!"
"Ouch!"
I looked up and saw a woman I had accidentally bumped into. I hadn't noticed her because I was busy searching for my keys in my bag. Instead of apologizing, I raised an eyebrow at her. And there it was... that angelic face I had long dreamed of dragging down to hell.
"Mifi," malambing niyang tawag sa pangalan ko, pero sa tenga ko'y parang nakaka-irita pa rin.
"What?"
"Ahm... W-what are you doing here?" tanong niya habang nakatingin sa hotel na nilabasan ko. I smirked.
"Bakit? Akala mo ba hindi ko afford ang hotel na 'to?"
"N-no... I didn't think about that—"
"I could buy your entire existence if I wanted to." I cut her off sharply.
"M-Mifi... Please..."
"What?!"
"Hindi mo kailangang insultuhin ako tuwing nagkikita tayo. Alam kong ayaw mo sa 'kin, tanggap ko 'yon. but do you really have to step on my dignity?" she said in a trembling voice. I paused for a moment but quickly brushed it off.
"Nainsulto ka?" sarkastiko kong balik sabay tawa. Humalukipkip ako at sinipat siya mula ulo hanggang paa. "Hindi halata, huh? At saka dapat sanay ka na. Hindi insulto 'yon, dahil sa klase ng pinagmulan mo, mabibili lang talaga ang pagkatao mo sa murang halaga. Tss."
Nanubig ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Ilang segundo pa at tinalikuran niya ako, pinupunasan ang mga luha sa pisngi. A smile crept across my face. Once again, I had succeeded in hurting her emotionally.
"Kulang pa 'yan. Napakababaw naman. Tss," bulong ko sa sarili bago tuluyang sumakay sa kotse at bumiyahe pabalik ng Taal.
Sa mga sumunod na araw, inabala ko ang sarili ko sa negosyo. Paminsan-minsan ay nagkikita pa rin kami ng mga kaibigan ko, pero hindi tulad ng dati, bihira at hindi na rin matagal. Pare-pareho na kaming abala sa kani-kanilang buhay.
Dalawang linggo. Sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay wala ni isang tawag o text sa pagitan namin ni Dos. Hindi ko siya kinontak mula nang iwan niya ako sa hotel. I didn't know why, but I felt so dismissed that I was too embarrassed to make the first move. And the result? I hadn't heard from him in two weeks. Then again, who was I to expect him to call? Tss.
"Hi!"
Napahinto ako pagkababa ng kotse sa lobby ng condo. Ilang beses akong napakurap para siguraduhing hindi ako namamalikmata.
"D-Dos... A-anong ginagawa mo rito?" halos hindi makapaniwalang tanong ko.
"Didn't you miss me?"
Hindi agad ako nakasagot. Pero hindi na niya hinintay. Isang hakbang lang ang pagitan namin bago niya ako hinila at hinalikan — biglaan, marahas, puno ng pananabik. Napapikit ako sa gulat, pero hindi rin nagtagal ay bumawi ako sa halik niya. Ilang segundo lang ang lumipas bago siya kusang kumalas.
"Puwede ba akong makitulog?" tanong niya, dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Bakit? Wala bang naghihintay na trabaho sa 'yo ngayon?"
"Wala. Tinapos ko lahat para mapuntahan kita agad. So, pwede ba?"
Magpapabebe pa ba ako?"Oo naman!" mabilis kong sagot, kaya napangiti siya.
The moment we entered my unit, he kissed me again. At first, his kisses were desperate, but soon they grew softer, more tender.
We didn't waste a single moment that night. We had no idea what time it was when we finally stopped, only that we did when exhaustion took over. That night happened again and again, sometimes in my unit, but more often in his condo in Lipa, and he'd just have someone drive me home. I understood that he was too busy to do it himself.
Ilang beses na rin niya akong nadala sa mga restaurant na pag-aari niya, pero lagi niya akong ipinapakilala bilang "kaibigan" o "business partner." I never complained, I had no right to.
Isang araw, tinawagan ako ni Mommy para imbitahan akong mag-lunch sa bahay. May "important announcement" daw. Kahit labag sa loob ko, pumunta ako. Inihanda ko na rin ang sarili ko sa sermon ni Dad kung sakaling nagsumbong na naman ang pabida kong kapatid.
Wearing a white tube top with a denim jacket, ripped black jeans, and white 3-inch heeled sandals, I went back to my parents' house. My slightly curly hair was down. I felt nervous, the last time I was here, Dad and I had a huge argument. I didn't even know how to face him now.
"Mom..." I called when I entered the house. She came to me right away, smiling warmly as she hugged me.
"Hija, I'm so glad you came."
"Sabi n'yo may important announcement. Ano po 'yon?" tanong ko habang nakatayo pa rin kami sa sala.
"Actually, si Mili ang may announcement para sa atin."
At doon agad nawala ang gana ko."Malamang hindi naman 'yan importante. Tss."
"Anak, alam kong masama ang loob mo sa ginawa ng Daddy mo. Pero hindi kasalanan ng kapatid mo 'yon—"
"Paano mo nasasabi 'yan, Mommy?" putol ko agad. Ramdam kong kumulo na naman ang dugo ko. "Kung mayroon mang mas nasaktan sa ginawa ni Daddy, ikaw 'yon! Pero bakit parang wala lang sa'yo? Mom... may I remind you? That bastard is the result of Dad's mistake, the reason behind your pain for years! How can you stay so calm everyday knowing that the blood running through the girl you care for is the blood of the woman who destroyed us?!"
Napayuko si Mommy. Ilang segundo ang lumipas bago siya tumingin muli sa akin, may luha sa mata, pero may ngiti sa labi.
Mom...
"Siguro gano'n talaga kapag nanay ka," halos pabulong niyang sabi, pinipigilan ang pagbasag ng boses. "Lahat kaya mong tiisin. Lahat kaya mong tanggapin. Kaya mong magpatawad kahit... kahit sobrang durog ka na. Gagawin mo ang lahat para sa pamilyang pinangarap mo. Ina ako... at bilang ina, kailangan kong protektahan ang pamilyang binuo ko."
At doon na tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Ramdam ko ang bawat patak, ramdam ko ang bigat.
Mommy... b-bakit?
"Binuo ko 'to eh. Binuo ko kayo. Kaya hangga't kaya kong protektahan ang pamilyang binuo ko, kahit masakit, gagawin ko. Tinanggap ko kahit masakit. Alam mo kung bakit?"
Hindi ako sumagot. Hinaplos niya ang pisngi ko, ngumiti sa gitna ng luha."Because the only choice I have is to accept the pain every single day. The only choice I have is to be strong because I have you. Tinanggap ko si Mili kahit masakit. Pinaintindi ko sa sarili ko na wala siyang kasalanan, dahil totoo naman. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan araw-araw sa tuwing nakikita ko siya. Dahil araw-araw niyang pinapaalala ang kasalanan ng ama mo."
"M-Mom..." Tears streamed down my cheeks as I stared at her. She kept crying too, biting her lip to stop herself from sobbing. "M-Mommy... puwede ka namang sumuko kung pagod ka na. Hindi mo kailangang lumaban para sa pamilyang matagal nang nasira. Mom, please..."
Umiling siya."You wouldn't understand. Maybe someday, you will... that you're capable of doing anything for the person you can't bear to lose." She smiled, wiped her tears, and turned away, walking toward the kitchen.
I don't understand you, Mom... Why do you have to do this? Why do you still have to endure?

BINABASA MO ANG
The Price Of A Sinner
General FictionMifi grew up believing she was her parents' only child, until the truth shattered everything. A stepsister she never wanted. A family who gave their love and attention to someone else. From that day, resentment took root in her heart. Then came him...