After what happened, I always checked on her. Pero palagi kaming hindi nagtatagpo. Tuwing pupunta ako sa bar niya, nagkakataon namang nasa ibang branch siya. Ang palagi kong nakakausap ay ang tauhan niyang si Karlo.
“Araw-araw ba siyang umaalis?” tanong ko.
“Oo e. Araw-araw gusto niyang may ginagawa siya. Hindi ko rin alam kung bakit bigla siyang naging hands-on sa mga branch niya nitong mga nakaraang araw.”
Maybe she was doing it on purpose, trying not to dwell on what happened. Maybe keeping herself busy was her way of burying the pain and anger inside.
“Ah… gano’n ba? Sige, balik na lang ako. Text mo ako kapag nandito siya, okay lang?” tanong ko.
“Hmmm… pinopormahan mo ba ang boss ko?”
“H-huh? H-hindi ah! Gusto ko lang siyang kumustahin. ‘Yun lang,” sagot ko.
“Ah… sige, text kita agad kapag nandito siya.”
Naglapag ako ng calling card sa bar counter at agad niya itong kinuha.
“Salamat. Mauna na ako.”
“Sige.”
It’s been two days. I’ve been waiting for his text and any update for two days. And the moment I got his message, I went straight to Mifi’s bar just to see her.
Mifi was sitting on a high stool by the bar counter, sipping her drink. She looked exhausted… and empty. And I was afraid she still wasn’t okay.
When I asked if she was fine, I already knew she’d say she was, even though she wasn’t. Mifi is the kind of woman who doesn’t want the people around her to worry.
Nang makita niya ang mga kaibigan niya, kita ko agad sa mga mata niya ang lungkot. Lalo na nang titigan siya ni Rein na parang hindi siya kilala. Alam kong may problema sila kaya hinayaan ko na lang silang magkausap.
“Nakausap mo?” tanong ni Karlo.
“Yeah. Pero saglit lang. Mukhang mas kailangan niyang makausap ang mga kaibigan niya.”
“Oo. Ngayon lang kasi ulit nagpakita ang mga ‘yon kay Ma’am. Siguro may tampuhan.”
“Paano mo nasabi?” tanong ko.
“Nakikita ko kasi sa mga story nila sa social media na madalas silang magkakasama — ‘yung tatlo. Pero si Ma’am Mifi, nagpapaka-busy lang sa trabaho. Madalas din niyang itanong sa akin kung dumadaan ba rito ang mga kaibigan niya, kung hinahanap siya. Siyempre, sabi ko hindi.” Mahabang kwento pa nito habang nagpupunas.
I glanced up at the VIP room where they were. My brows furrowed in confusion, they didn’t look happy to see each other at all. They were all standing, and it looked like they were crying.
“Mukhang nagkakalabasan na sila ng mga hinanakit sa isa’t isa,” sabi ni Karlo, habang nakatingala rin sa direksyon nila.
“Matagal na ba silang magkakaibigan?” tanong ko.
“Oo. Nakilala ko si Ma’am kasama lagi ‘yang tatlo. Sabi niya, sila ang pamilya niya. Ang mga kaibigan niya ang kasama niya sa lahat hanggang sa makamit nila ang mga pangarap nila, gaya ng pagkakaroon ng kanya-kanyang negosyo.”
Napatango-tango naman ako sa kaniyang naging sagot. Ilang saglit pa ay naagaw ni Mifi ang atensyon namin nang bigla itong dumaan sa tapat namin nang umiiyak.
“Mifi!” tawag ko pero hindi ako nito pinansin.
“Tsk! Tsk! Umiiyak na naman siya,” mahinang saad ni Karlo.

BINABASA MO ANG
The Price Of A Sinner
General FictionMifi grew up believing she was her parents' only child, until the truth shattered everything. A stepsister she never wanted. A family who gave their love and attention to someone else. From that day, resentment took root in her heart. Then came him...