~~~Roxanne's POV~~~
"Roxanne! Wake up!" tapos binuksan ang kurtina. "Mmm. Ayoko Ma. I'm very tired. Close the curtains please." Sabi ko at nagtaklubong ng kumot. Hinatak niya ang kumot. "Gumising ka na. It's already past 11!" "I don't care! I just wanna sleep." "Did you stay up late last night because of video games again?" "Yes. I'm tired." Sagot ko."Gigising ka, o ico-confiscate ko lahat ng gadgets mo?" Napabangon naman ako agad. Nang tingnan ko si Mama, nakacrossed arms na siya. Uh oh. "Ma naman eh! Sobra ka pa kay Dane magblackmail!" Sabi ko.
"I heard my precious name! Ano kelangan mo?" Sabi ni Dane. Siya siguro nag-utos kay Mama! Bad bestfriend! I glared at her. "Umalis ka. Umuwi. Nang makatulog ako." "Hindi yan pwede eh." Sabay belat. I glared at her again.
"Mag-mall naman kayo ni Danielle ngayon. Magshopping ka. Dito ka na lang lagi sa kwarto mo at naglalaro ng mga gaming consoles mo. Kita mo na oh. Ang puti puti mo na. Para kang may leukemia anak." Napapoker face na lang ako sa sinabi ni Mama. "Nanay ba talaga kita?" At dun ako nakatanggap ng batok galing kay Mama. "Gusto mo makita birth certificate mo?" "Ay wag na. Baka matagalan."
"Oh sige na. Maligo ka na." Sabi ni Mama. Nakita kong may binulong si Dane kay Mama. "Iiwan mo ang cellphone, PSP at iPad mo. Ok?" "What?! Maaaaaaaaa!" Sigaw ko pero nakalabas na sila ng kwarto ko. "Hmp! Curse this day!" I shouted.
"Nakaayos na siya Tita!" Sigaw ni Dane. "Ang bag mo." Sabi ni Mama sabay lahad ng kamay. Binigay ko naman at chineck niya yun. "Walang cellphone. Check. Walang iPad, check. Walang PSP? Check." Sabi ni Dane. Chineck pa talaga ah? Tss. -_-
"Oh eto. Yan ang budget mo. 5,000." Sabi ni Mama sabay bigay ng pera. "Wow ha. Yaman mo Ma!" "Nagpadala ang Papa mo. Sige na! Layas!" Sabi ni Mama.
"Have fun anak!" Sabi ni Mama. "Bye Tita!" Sigaw naman ni Dane. "Uy Rox. Isang araw lang please." Sabi ni Dane. Tumango naman ako. "Ok san tayo? Saan nga yung gusto mong puntahan bago ka maging addict sa video games?" Tanong niya sakin. "Bookstore at mga boutiques. Bakit?" "Tara punta tayo dun!" Tapos hinila ako! Ano ba tong bestfriend ko?!
"Pili ka na ng paborito mong libro!" Sabi niya. Naglibot libot ako at naghanap ng magandang librong pwedeng basahin. May nakita akong dalawa. Ang interesting ng mga title. Kinuha ko yun at naghanap pa. Nagsisimula na akong mag-enjoy kaya mabuti siguro to.
"Ilan na naki-What the?! Kaya mo basahin lahat yan?" Anim na libro kasi nakuha ko. "Oh bakit? One month supply ko na ata to eh." "Pero paano mo yan mababasa? Video games." pagreremind niya. "Kapag tinatamad ako maglaro, nagbabasa ako kaya wag ka." Sabi ko at binayaran lahat ng librong pinamili ko.
"Next, boutique tayo!" Sigaw niya na medyo excited. Favorite kasi ni Dane ang shopping. Ako rin. Pero siyempre nangunguna ang video games. Ok, stop na muna tayo sa video games. Hahaha.
"Wow! Ang cute niyang skater skirt! Bilhin mo na dali!" Sabi ni Dane sakin. Tinry ko kasi ang isang skater skirt na puti. "Ang cute mo! Sige na! Bilhin mo na!" "Oo nga. Bibilhin na!" Sabi ko rin. Tinry naman ni Dane ang skater skirt na gray. "Ok na yan. Bilhin mo rin. Para pareho tayo." sabi ko. "Ok. Mamimili pa ako." Sabi niya at naglibot libot pa kami.
"Oy cute nito!" Sabi ko. "Wow! Akin na lang yan!" "Ako nauna. Bahala ka." Sabi ko. "Ewan ko sayo!" Sabi niya at naghanap pa ulit.
"Next saan?" Tanong ni Dane. "Movie marathon tayo sa bahay Dane." Sabi ko. "Pero andun kaya ang video games mo!" "Hindi ako maglalaro. Promise." "Siguraduhin mo Roxanne Lauren Mendoza." "Oo nga!"
Umuwi kami sa bahay at namili ng movie. "Eto na lang kaya? Just Go With It. Manood naman tayo ng comedy." sabi niya. Tumango naman ako kasi puno na ang bibig ko ng popcorn na Kettle Corn.
"Hoy! Oy! Roxanne!" Ipapasok ko na sana sa bibig ko ang isa pang popcorn nang bigla niya akong tawagin. Kaya ang itsura ko ay parang nasa isang movie na susubo na sana pero biglang napause.
"What?" "Inuubos mo na yan eh! Gaga ka talaga!" Sabay batok sakin at pumunta ng kusina para kumuha pa ng popcorn. "Hay! Hindi pa nga nagsisimula mauubos mo na yan." Sabi niya at umupo sa tabi ko.
Nagplay na ang movie. Tawa kami ng tawa ni Dane kasi nakakatawa si Adam Sandler. "Hahahaha meron ba nun?" Tanong ni Dane. "Ang alin?" "Yung gotprettysheep.com. Diba walang ganun?" "Aba ewan ko." Binatukan naman ako ni Dane.
"Hahahahaha!" Tawa namin. Nakakatawa kasi eh. Sobrang nakakatawa. "Favorite movie ko na ito!" Sabi ko. "Oo nga! Ako rin! Grabe nakakatuwa yung mga role nila. Hahahaha!" Sabi naman ni Dane.
"Sige Rox. Sa school na lang tayo magkita. Bye girl." Sabay beso sakin. "Bye girl." Sabi ko rin.
"Ma! Pwede na ba ako maglaro ng video games?" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay. "Oo na!" Sigaw rin ni Mama. Mukhang nasa kusina siya. Nagluluto. Oh well.
Pumasok ako sa kwarto at naglaro ng God of War 3 sa PS3 ko. Pero after ng isang oras, tinamad ako kaya naisipan ko na lang mag-open ng Facebook account ko. Nabigla ako ng biglang may tumunog. Yung sound ng chat. Parang ganun.
Kade Dominic Ramirez
Yo. Musta buhay Roxanne?Roxanne Lauren Mendoza
Kade! Ok naman. Ikaw? Kelan ka babalik dito?Kade Dominic Ramirez
Matagal pa. Masyadong marami ginagawa dito eh. Siguro mga 1 year pa.Roxanne Lauren Mendoza
Ay? 1 year pa? Antagal naman. -_- 4 years na kaya! Huhuhu😢Kade Dominic Ramirez
Kalma lang kasi. Uuwi ako. Promise.✋Roxanne Lauren Mendoza
Promise na yan ah? Walang bawian!Kade Dominic Ramirez
Oo na. Dapat nga magsestay na ako dito for good eh. Wala kasing magmamanage ng kompanya. Pero nakumbinsi ko si Papa. Pasalamat ka malakas ka sakin.Roxanne Lauren Mendoza
Kaya mahal kita eh! I love you Kade!😘Kade Dominic Ramirez
Haha mahal din kita. Oh sige na. Out muna ako. Tatapusin ko na ang ginagawa ko para mabilis ako makauwi. Bye Rox!😘Roxanne Lauren Mendoza
Bye Kade! Ingat ka dyan!Oy oy oy. Wag muna madumi ang isip. Bestfriend ko yun. Haha kala mo boyfriend? Hehe hindi. BFSB ko yun. Best Friend Since Birth. Hahahahaha. Si Dane? 6 years ko pa lang bestfriend yan. Pero si Kade, buong buhay ko na. Miss ko na nga siya eh. 4 years since nakita ko siya! Ano na kaya itsura nun? Hahaha umuwi rin siya 5 months ago pero miss ko na siya agad. Siyempre, since birth mo nang kasama eh. Masasanay ka na kasama siya.
Wag maingay ah? Pero crush ko yang si Kade. Oo as in C-R-U-S-H. Yung taong hinahangaan mo? Yung idol? Yan. Si Kade yan. Hahaha... Pero ok lang. Crush lang naman eh.
"*yawns* Inaantok na ko." Sabi ko at tumalon sa kama ko at sinaksak ang earphones ko. At natulog na lang with music on my ears.
BINABASA MO ANG
My COC Love
Ficção AdolescenteNaglalaro ka ba ng Clash of Clans? Wow! Ako rin eh! Pero eto killer question: Nagmahal ka ba ng dahil sa Clash of Clans? Have you ever fell in love because of COC? Hmm, let's find out.