Chapter 4: He's Back?!

30 2 0
                                    

~~~Kade's POV~~~
"Ma. Kelan pa ba ako uuwi? Tsk." "Bukas anak. Wag kang excited. Nahahalata na kita." Sabay ngiti sakin. "Ilang taon na kong hinihintay ni Roxanne na umuwi eh. Miss na ko nun."

"Sabi ko na nga ba. Bukas ka na uuwi kaya kalma lang anak ok? Wag mong kulitin yang Papa mo. Para hindi mainis." "Eh diba dapat kukulitin para pumayag? Aray naman Ma." Binatukan kasi ako ni Mama. Tss parang si Roxanne lang.

"Roxanne na naman. Nahahalata na talaga kita anak ah." Sabi ni Mama. Napakamot ako ng ulo ko. Napalakas pala ang sabi ko. "Kitam? Speechless. Hay nako, sige na mag-empake ka na para makauwi ka na agad bukas." sabi ni Mama at lumabas ng kwarto ko.

Ako nga pala si Kade Dominic Ramirez. Bestfriend ako ni Roxanne. Simula nung bata pa lang kami, bestfriends na kami kaya wag kang magtaka kung inseprable kami. Crush ko yang si Roxanne. Pero tahimik lang ako at hindi nagpapahalata. Ayoko kasing masira ang meron kami kapag umamin ako. That's why I kept my mouth shut. Torpe na kung torpe. Ewan ko sayo.

[The next day...]

"Kamustahin mo ko sa future daughter-in-law ko ha?" Sabi ni Mama. "Ma naman! Daughter-in-law agad? Hindi ako mag-aasawa!" "Aba malay ko pagbalik mo dito, kasal na kayo ni Roxanne." Sabi ni Mama. "Alagaan mo si Roxanne, Kade." Sabi ni Papa. "Oo Pa."

"Kelan ka uuwi dito?" Tanong ni Mama. "Uh, never? Aray Ma. Papa si Mama oh!" "Never never mo mukha mo! Uuwi ka dito kapag kelangan ka namin. Oh sige na. Layas na! Malelate ka na sa flight mo!" Sabi ni Mama. "Bye Ma. Bye Pa." "Ingat." Sabay na sabi nila.

Ilang oras na lang. Makikita na ulit kita Roxanne. Mayayakap na ulit kita. I miss you to death.

-----

~~~Roxanne's POV~~~
Andito ako sa kwarto ko. Hindi naglalaro ng video games. Oo alam kong iisipin niyong "Himala ata?" Pero sabi nga ni Nora Aunor, "Walang himala!" Kaya hindi to himala. Parang hindi ko lang feel maglaro ngayon.

Nag-Facebook na nga lang ako. Tsh. Nagscro-scroll ako ng news feed ko ng biglang may nagchat sakin. Si Dane.

Danielle Hernandez
Hoy Roxanne! Wag kang umalis ng bahay mo.

Roxanne Lauren Mendoza
Sino ka para utusan ako?

Danielle Hernandez
Basta makinig ka ok? Wag kang umalis. Please

Roxanne Lauren Mendoza
Oo na!

Naglog out agad ako pagkareply ko sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa study table ko para matulog. Tinatamad na ako tumayo papunta ng kama ko. Matutulog na sana ako pero may biglang yumakap sakin mula likod.

Nung una natakot ako. Pero ng tingnan ko kung sino yun, napanganga ako. At napangiti. "Kadeeeeeeeeeeee!" Niyakap ko siya. Soooooobrang higpit. "Roxanne naman. Ganun mo ba ako namiss?" "Oo! I miss you!" Niyakap ko siya ng mas mahigpit pa. "I miss you more." Sagot naman niya.

"Kanina ka pa dumating?" "Kakadating ko lang. Dito agad ako dumeretso." sabi niya. I pinched his right cheek. "Tss. Hindi ka man lang ba najet lag?" "Pagod nga ako eh. Hay kakapagod." Tumalon siya sa kama ko at nahiga. "Matutulog muna ako." Sabi niya at pumikit. Hay, shet ang gwapo niya.

"Rox?" "What?" "Natutunaw ako." "Leche ka!" Lumabas ako ng kwarto ko. Pero naririnig ko pa rin ang malakas niyang tawa. Gago talaga yun.

-----

~~~Kade's POV~~~
Tumatawa ako kasi grabe ang reaction ni Roxanne. Hindi pa rin nagbabago. Ganyan talaga siya noon. Nakahiga ako ngayon sa kama niya. Ang bango. Naaamoy ko ang pabango niya. Amoy ni Roxanne ang naaamoy ko. Kaya nakatulog ako sa amoy ng pabango niyang nalalanghap ko.

-----

~~~Roxanne's POV~~~
Nagluluto ako ng pancakes pangmeryenda ko. I'm starving to death! "Aba aba. Pahingi naman oh. Gutom na ko." Muntik ko nang mabitawan ang pangmix ko ng biglang magsalita si Kade. Andito pala siya. Nakalimutan ko na.

"Ikaw talaga! Nanggugulat! Kainis ka!" Sigaw ko. "Oh ano ginawa ko?" "Nanggugulat!" "Hindi kaya!" "Ewan ko sayo!" sigaw ko at nagpatuloy sa pagluluto. Pero agad din napangiti. Hindi talaga ako makapaniwala. He's back. Kade's back. My bestfriend's here with me again.

-----

A/N: Kade's new role, revealed! Hahaha bantayan niyo naman ang bagong role at pangalan ni Max. Pero Max pa rin ang first name niya. May iniba lang ako. Thank you for reading! Kung meron man. At sarreh sa super short update! Sarreh talaga.✌

My COC LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon