Chapter 3: Danielle the Video Game Fanatic?

38 2 0
                                    

~~~Roxanne's POV~~~
[A few months later...]

"Now what?" Tanong ni Dane pagkapasok ng kwarto ko. Nakita niya kasi akong naglalaro. "Pesteng Assasin's Creed yan." bulong niya pero rinig na rinig ko naman. "Gaga. Anong peste ang AC? Hindi peste yun! Athindi kaya AC to!" Lumiwanag naman ang pagmumukha niya.

"Hindi ka naglalaro?" "Naglalaro." Sagot ko. "Ay -_-" sabi niya at nagpoker face. "Effin Enderman! I'm gonna kill you, you tall charcoal!" Sigaw ko. "Oy oy. Sino kinakausap mo?" "Gagong Enderman. Nagteleport sa likod ko. Namatay tuloy ako. Leche." Sagot ko at sumimangot.

Huhu.. Paano na ang mga diamond, gold, redstone, emerald, lapis lazuli, coal at iron ko? "Eh bakit tall charcoal?" "Eh kasi mataas siya. 3 blocks high. Mas mataas pa ata kesa sa Iron Golem eh. Or not? Ewan. Tapos itim ang kulay niya. Tapos violet ang mata. Shet katakot pagmumukha niya." "Patingin nga." Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at sinubukan niyang maglaro.

"Ayun siya! Tingnan mo siya. Tapos pag nawala na siya, tingin ka sa likod ng character mo. Lumingon ka palikod." sinunod naman siya. Pagkateleport ng Enderman, lumingon si Alex(yung babaeng skin na pwede mong gamitin sa Minecraft. Magegets at makikilala yan ng mga Minecraft players.)

"Aaaaaaaaaaaaah! Leche ka Roxanne!" Sigaw ni Dane. "Hahahahaha! Priceless!" Tawa ako ng tawa sa itsura niya. Kasi nang lumingon siya, andun na pala ang Enderman sa likod niya. Kaya nagulat siya kasi ang tumambad sa kanya ay yung mata ng Enderman. "Hahahahaha! Priceless! Sayang di ko naready ang camera ko. Hahahahaha!" Pero siya, ayun umuusok na sa galit.

"Tara alis tayo." Sabi niya. "San tayo pupunta?" "Samahan mo ko sa mall. May bibilhin ako." Sabi niya. "Ok. Tara."

Pagkadating namin sa mall, isang tanong ang ikinagulat ko kais hindi ko ineexpect na magtatanong sakin yan ang isang Danielle Hernandez. "Saan ang vieo games store?" Yan ang tanong niya sakn. Leche. Napanganga ako. Literally.

"Bakit?" "Just answer it!" "Follow me." Dumating kami sa binibilhan ko ng video games. "Asan ang Minecraft dito?" Tanong niya. What. The. Hell. "Minecraft?!" "Oo. Minecraft. Haha ang saya pala nun." "Akala ko natatakot ka kay Tall Charcoal?" Tall Charcoal na ang tawag ko sa Enderman. Kainis kais eh. May pa teleport teleport pa.

"Natatakot. Pero bahala na." Sabi niya. "Asan na dito ang Minecraft?" "Saan ka ba maglalaro? Sa cellphone, sa computer, o sa Xbox?" "Computer?" "Edi pang computer na version ang bibilhin natin!" "Eh sayo ba? Ano ba yun?" "PE yun. Pocket Edition. Tara na nga."

Nakabili na siya ng Minecraft niya kaya sayang saya na siya. Tss. Ang babaw ng kaligayahan ng isang to. (Nagsalita ang hindi) Sino ka? (Gaga. Hindi mo kilala ang gumawa sayo?) Ikaw si God? Hala! Eh ba't babae ka? (Roxanne ba't ang tanga mo? Hindi ako si God! Ako si Author! Ako ang gumawa sayo! Galing ka sa utak at imagination ko kaya umayos ka kung ayaw mong madelete sa utak ko! Pangatlong version mo na to ah! Yung dalawa hindi naman kasing tanga mo! Anyare? Naging video game fanatic ka lang naging tanga ka na?) Wow. Haba ng speech mo. (Leche. Wala kang kwentang kausap) Edi ikaw na Author! Idol na kita! (Tss) Tss din.

"Pahiram computer muna ah?" Sabi ni Dane. "Oo na." "Yes!" Naglaro siya ng Minecraft sa computer habang ako sa cellphone. Wala lang. Mas feel ko maglaro sa cellphone kahit na mas maganda ang sa computer o yung PC version.

"Aaaaaaah! Ano yan?! Ba't may multo dito sa Minecraft? Baka haunted itong nabili natin?! Roxaaaaaanne! Ano to?!" Sigaw ni Dane. Binatukan ko naman siya agad. "Hindi yan multo. Ghast yan. Teka, ba't nasa Nether ka na? Galing mo ha." "Hindi ko nga alam eh. May ginawa lang naman ako na hindi ko naalala." "Amnesia lang?" "Parang ganun." "Ay ewan ko sayo."

"Ba't may cerberus dito?" Tanong niya ulit. "Wala kayang cerberus sa Minecraft." "Eh ano tawag mo dito? Hydra?" Tinignan ko ang tinuro niya sa computer screen. "Aray ko. Ansakit ah!" "Wither yan! Gaga ka talaga." "Mas gaga ka. Eh ba't tatlo ang ulo? Diba tatlo rin ang ulo ng cerberus? Ang hydra lima ata?" "Bakit ano ba tingin mo dyan? Aso? Ang cerberus ay may tatlong ulo at aso sila! Halata talagang hindi nakikinig sa klase."

"Nakikinig ako no!" "Oh edi ikaw na." Sabi ko. Naglaro na lang kaming dalawa ng Minecraft. Kinagabihan, umuwi si Dane ng maaga kasi walang tao sa bahay nila. Nang matutulog na sana ako, pumasok sa isip ko si Kade. Kelan kaya siya uuwi?

Hmm... Ay nako ang drama ko. Magna-nineteen na ako pero nage-emote pa rin ako. Ay ewan. Itutulog ko na lang to.

My COC LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon