Chapter 13

447 20 3
                                    

Hinintay kong lumabas si Sam sa kwarto ni kuya. Agad ko siyang hinila papunta sa kwarto ko pagkasarado palang niya ng pinto sa kwarto ni kuya.

Alam niyang naghihintay ako sa labas ng kwarto kaya siguro di na siya nagtagal pa sa loob.

Agad ko siyang pinaupo sa kama ko at tumayo ako sa harap niya at namaywang. Agad siyang umiwas ng tingin sakin.

Kumunot ang noo niya nang mapansin ang nakalatag na kutson sa sahig sa tabi ng kama ko.

"Hindi ako sanay sa mamahaling kama ang likod ko kaya jan ako natutulog." Sagot ko bago pa siya magtanong. Inunahan ko na kasi alam ko naman na kung anong itatanong niya.

Hinila ko ang upuan sa study table ko, umupo ako doon sa harap niya.

"Nag-kiss na kayo ni kuya?" Walang patumpik-tumpik kobg tanong.

Bigla siyang nailang, "yan talaga ang unang tanong mo? Hindi ba dapat kung pa'no ako niligawan ng kapatid mo? Kung pa'nong naging kami?"

"Nanligaw siya tapos sinagot mo edi kayo na."

Napabuntong-hininga siya. Umabante siya, "Eryl, satin-satin lang muna na may relasyon kami ng kuya mo ha?"

Napangisi ako, nilahad ko ang palad ko sa harap niya. "Five thousand, kapalit ng katahimikan ko."

Dati kaya akong negosyante. Hindi na ako nakapagtinda sa school dahil baka mahuli ako, si kuya pa naman ang student council president. Baka masakal ako noon.

Natawa ako nang makitang namula at nanlaki ang mga mata niya.

"Kung wala kang pambayad, hingi ka kay kuya. Total relasyon niyo naman itong dalawa."

"Ha?"

Natawa ako. "Biro lang. Pero kung may ibibigay kang limang libo, hindi ko tatanggihan."

"Eryl naman, seryoso kasi."

"Oo na, oo na." Ngumuso ako.

"Totoo? Promise?"

Tumango ako. "Wala akong lahing tsismosa."

"Ikaw palang ang nakaka-alam na may relasyon kami ng kuya mo."

"Akala ko ba masungit sayo si kuya?"

"Oo. Noong di pa kami."

"Ayiee. So nagkiss na kayo?"

Namula siya na para bang may naalala siyang nakakahiya. Tumango siya.

Napasigaw ako sa kilig. Agad naman niyang tinakpan ang bibig ko.

"Kailangan ko nang bumalik sa kusina, magpreprepare pa kami ng lulutuin para sa breakfast bukas. Matulog ka na."

"Ihhh. Mamaya na. Umiiwas ka lang sa mga tanong ko eh."

"Mararanasan mo din, pag nagkaboyfriend ka na, Eryl."

Napa-irap ako, "kailan pa?"

Tinawanan lang niya ako habang papalabas sa kwarto.

Nadatnan ko sa dining area si Tita Sylvia at Mirae. Wala si kuya. Si Sam naman abala sa pagseserve sakanila, kasama si manang. Nakabihis na siya. Inaantay nalang niya ata akong bumaba para makapasok na kami sa eskwela. Napangisi ako nang may maalala.

"Hyeirylle, my dear. Halika sabayan mo kami ng kapatid mong kumain. What do want? Pancake? Cereal?" Alok ni Tita Sylvia habang tinuturo ang mga nakahaing pagkain sa mesa.

Umupo ako sa tapat ni Mirae. Hindi naka-iwas sa'kin ang pag-irap niya. Malaglag sana sa cereals na may mga prutas ang mga mata niya.

Hindi ko nakakalimutang sinugod niya ako kasama ang mga kampon niya noong isang araw. Ang hirap kayang mamalantsa. Nagtrabaho ako noon sa isang botique sa bayan para mamalantsa ng mga binibenta nilang mga damit para presentable namang tignan ng mga bibiling costumer. Pasma ang inabot ko.

The Badboy's KryptoniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon