Para akong baliw na nakangiti at pakanta-kanta habang nag-aayos ng mga items sa pinagtratrabauhan kong convenient store.
Kyaah! Alam na nya ang pangalan ko. Nakakahiya, isinigaw ko pa talaga e hindi naman nya tinatanong. Ang baliw mo talaga Hyeirylle.
Pero grabe ang gwapo nya tapos mabait pa. Sana lang talaga sa Bergford University sya nag-aaral para kung sakali na makapasok ako doon lagi ko na syang makikita.
Instant inspirasyon kung ganun baka grumaduate akong may laude.
"Oh Hyeirylle." Napabaling ako sa boss ko na may buhat na hindi kalakihang kahon, yung sakto lang ang size. "Pagkatapos ng shift mo paki tapon na rin ang mga ito ha. Pati yung basurahan sa may labas."
"Sige po boss." Sabay tanggap ko ng kahon. Medyo may kabigatan ito. "Ano pong laman nito?"
"Ah yung mga item na kakaexpired lang noong isang araw at kahapon." Sagot nito.
Namilog ang mga mata ko. Nilapag ko ito kaagad sa sahig at binuklat ito. Ang dami, sayang kung itatapon lang e pwede pa naman siguro tsaka kakaexpired lang naman.
"Pwede po bang akin nalang?"
Pinaninkitan nya ako ng mata. "Naku kilala kitang bata ka. Wag mo sabihing may plano kang ibenta pa yan. Kilala kitang raketera."
I press my lips. Lahat ata ng nakakakilala sakin ay alam na raketera ako. Hindi naman sa nahihiya ako, mas maganda nga iyon para pag may alam silang raket ay masabihan nila ako. Edi dagdag kita.
"Boss naman. Hindi nu. Akin nalang ha." Nagpuppy dog eyes pa ako para lalo ko syang mapilit.
"Bahala ka." Anito tsaka pumasok ulit sa loob ng opisina nya.
"Yes! Thank you boss." No one can resist my charms.
Dinala ko ang kahon sa loob ng counter. Pagtingin ko sa orasan meron nalang akong limang minuto bago matapos ang shift ko.
Inabala ko ulit ang sarili ko sa pag-aayos ng mga item tuwing walang pumapasok na costumer hanggang sa dumating na ang katrabaho kong papalit sakin.
Agad kong inalis ang suot kong apron at sumbrero, yun lang kasi ang parang uniform namin pati ang name plate ko, nilagay ko ito sa locker ko, kinuha ko kaagad ang bag ko.
"Cindy, balikan ko itong kahon mamaya ha. Itatapon ko lang saglit yung basura sa labas." Bilin ko sa katrabaho ko.
"Sige, ako nang bahala. Ano bang laman nyan." Tulad ko ay isa ring working student si Cindy. Schoolmate kami pero hindi ko pa sya naging kaklase.
"Ah yung items yan na kakaexpired lang nung isang araw at kahapon." Sagot ko.
Pinaninkitan nya ako ng tingin kagaya ng boss namin kanina. "Ibebenta mo nuh?" Pag-aakusa nya.
Pabiro ko syang sinuntok. Tumawa lang ito. "Hindi nuh. Alam kong desperada ako pag dating sa pera, pero hindi ganun kadesperado para magbenta ng mga expired na pagkain. Ako ang kakain nang mga yan, sayang e."
"Sira. Baka sumakit pa yang tiyan mo pagkinain mo yan." Napailing-iling ito.
"Hindi naman siguro. Kakaexpired lang e. Sige na itatapon ko na yung basura nang makauwi na ako, may pasok pa ako sa cafe.comm mamaya."
"Uso magpahinga, girl." Anito.
"Uso sa mga mayayaman." Biro ko tsaka ako lumabas.
Itinali ko ang plastik na lalagyan ng mga basura tsaka ito hinila sa may eskinita. Doon kasi ang collection point.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Kryptonite
RomanceWho says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.