Alam kong masama ang manghusga ng kapwa tao. Hindi natin sila pwedeng husgahan batay sa kanilang panlabas na anyo. Alam kong mali pero...
"Naka-katol ka ba?" Tanong ko matapos ang ilang minutong katahimikan. Tumawa siya na para bang nababaliw na.
Hinila ko siya sa may ilalim ng street light para makita ko ang itsura niya.
Namumula siya. Kinapa ko ang noo niya at gilid ng leeg. Hindi naman siya mainit. Hindi rin naman namumula ang mga mata niya.
"One plus one?" Tanong ko para masubok ang katinuan niya.
"Eleven." Sagot niya agad.
"Siraulo." Inirapan ko siya. He's normal. Mas magugulat pa ako pagsinagot niya ako ng matino. We never had a proper conversation kaya kabahan na ako pagsinagot niya ako ng two.
Sumandal siya sa may pader, dahan dahan siyang dumausdos pababa habang tumatawa. Nagwalling pa ang dimunyu.
"You're amusing." Aniya habang tumatawa pa rin. Napairap ako. Mabulunan ka sana sa sarili mong laway, dimunyu ka.
"Umayos ka nga, para kang baliw diyan." Tumigil lang siya sa pagtawa pero nakaupo parin siya gilid ng kalsada. Nakasalampak na.
Napatitig ako sa ayos niya. He's the one who's amusing. I didn't know he has a side like this. Hindi ko lang akalain.
"Bakit ka ba nandito, e ang layo ng bahay or should I say mansyon niyo dito."
Tumingala siya sakin. "Ikaw, bakit ka nandito?" Sagutin ba ako ng tanong.
"Nakatira ako dito sa malapit dati." Sagot ko.
"How did you know that our house is far from here?"
Sumalampak din ako ng upo sa tabi niya. Agad siyang napataas ng isang kilay pagkakita ng ginawa ko. Ngayon lang ba siya nakakita ng babaeng nakasalampak sa gilid ng kalsada? "Hula ko lang. Malayo ang mga bahay ng mga mayayaman dito sa eskwater area."
Pinaninkitan niya ako ng mata. "So you knew me." He stated.
Napangisi ako. "Binalaan na nila ako tungkol sayo."
"Tss."
"Ano nga bakit ka nandito? Bakit ka hinahabol ng mga iyon? Nandamay ka pa." I gritted my teeth. Gusto ko siyang batukan sa totoo lang.
"Hindi ko kasalanang may pahara-hara sa gitna ng daan na para bang pusang ligaw."
"Nasa gilid kaya ako!" Katwiran ko.
"O yeah?"
Umirap ako. Kanina pa ako irap ng irap dito baka pag umirap pa ako ay hindi na bumalik sa dati ang mga mata ko. Nakusot ko tuloy nang wala sa oras ang mga mata ko.
"E, ba't may mga humahabol sayo?" Kailangan ko pang ulitin ang mga tanong ko sakanya.
"They're my family's bodyguards. They want me to a place where I don't want to. Kaya tinakasan ko sila." He smirked. "I should fired them, ambabagal nilang tumakbo."
Napatulala ako sa kanya. Bodyguards? Okay.
Naalala kong may party nga pala ngayon sakanila. Ayaw niya sigurong dumalo. Ayaw niyang makipagplastikan. Haha. Natahimik nanaman kaming dalawa. Nagugutom na ako, tunaw na iyong mga siopao na kinain ko kanina dahil sa pagtakbo.
Tumingin ako sakanya para yayain sana siyang kumain pero natigilan ako ng makita kong nakatitig siya sakin. Kahit nakatingin narin ako sakanya ay hindi niya inalis ang titig sakin. Ang tapang a, chos.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Kryptonite
RomanceWho says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.