Bigla kong naalala si Aerol nang madaanan namin ang banda kung saan ko sila nakitang dalawa.
Naupo kaming dalawa sa isang lamesa na gawa sa bato pati narin ang mga upuan nito. Kahit tanghaling tapat ay malilim at presko ang hangin dito. Dalawang oras ang vacant time ko, twelve noon hanggang alas dos ng hapon. Pagkatapos tuloy-tuloy na ang mga klase ko. Kaya ayoko ng mga araw ng tuesday at thursday dahil fully loaded ako.
"Kumusta na kaya si Aerol? Asan na kaya siya?" Bigla kong naitanong.
Napatingin siya sakin pero agad din niyang ibinaling sa bag niya ang tingin. "Baka patay na." Aniya na parang wala lang sakanya.
Nanlaki ang mga mata ko, "ang sama mo."
"Pakialam ko sa gag*ng 'yun?" Aniya nang iritado.
"Pagkatapos mong bugbugin noon."
"Bakit miss mo na ang boyfriend mong lampa?" Natigil siya sa ginagawa at diretso akong tinignan sa mga mata.
Biglang natunaw ang tapang ko, "hindi siya lampa at hindi ko siya boyfriend." Marahan kong sagot.
"Good and he's lampa."
"Di nga sabi. At anong good?"
Umiwas siya nang tingin at may kinuha sa bag niya.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang tatak ng paper bag na nilabas niya sa backpack niya. Tatak ng isang mamahaling restaurant na malapit lang dito sa university.
"Let's dig in." Inabot niya sakin ang isang take out na nakalagay sa lalagyang gawa sa manipis na karton.
"Lumabas ka kanina at nagtake out?" Tanong ko hababg binubuksan ang inabot niya.
Umiling siya, "inutusan ko iyong freshman na nakita kanina."
"Bully." Bulong ko.
Naglabas din siya ng nestea na galing din doon sa restaurant. Pinunasan muna niya iyong straw gamit ang tissue na galing din doon bago niya itinusok sa inumin tsaka niya nilapag sa tabi ng pagkain ko. Pagkatapos niyang maibigay ang pagkain at inumin ko tsaka palang niya inayos ang kanya.
Napangiti ako at pinanuod siya sa ginagawa. Hindi ko maiwasang uminom at kagatin ang straw doon, nagulat ako nang makagat ko ito.
"It's made of rice. That restaurant doesn't use any kind of single used plastic."
Namangha ako, sana lahat ng kainan ay ganun. Gawa rin sa kawayan ang spoon at fork nila.
Wala sa isip kong kinuha ang straw at nilantakan iyon, huli na nang mapagtanto kong wala na akong gagamitin. Napatingin ako sa kaharap ko nang makitang ngumisi siya hanggang sa natawa na siya.
Nakakatulala siyang tignan habang tumatawa. Nakita ko na ba siyang tumawa o ito ang unang beses? Hindi ko na maalala dahil nagiging blangko at isip ko at ang masayang mukha lang niya at naging laman nito.
I want to see him these way. Iyong tumatawa. Pero huwag naman iyong tumatawa nang walang dahilan. Umaaliwalas kasi ang mukha niya pag nakangiti, iyong akala mong hindi approachable dahil palaging nakapoker face pero mala-anghel pala at inosente pag nakangiti.
"Here, you can use mine." Napabaling ako sa straw na nilagay niya sa inumin ko.
"Huwag na pwede ko namang inumim direkta sa baso."
"I insist. Sige na kumain ka na."
Nagsimula na kaming kumain at pansin kong maarte siyang kumain. Wala man lang kakalat-kalat at tuwing ngumunguya siya wala kang maririnig na kahit anong tunog. Samantalang ako makalat at rinig ang pagnguya ko.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Kryptonite
RomanceWho says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.