Alam kong wala ako sa katinuan ko kaya ko nasabi ang mga 'yon dahil kung oo ay hindi ko sasabihin ang mga iyon.
Walang umimik saming dalawa. Pa-simple kong hinawakan ang bag ko na nasa katabi kong upuan. Magnininja move lang naman ako para makaalis sa harap niya. Baka ano pang masabi ko at baka ano pang isipin niya.
Well, wala naman akong pake kung anong isipin niya. Kahit isipin pa niyang baliw ako. Imagining flipping my hair. Magandang baliw.
Hahakbang na sana ako paalis nang masakal ako dahil may humila ng sling bag ko. Sumabit ba naman sa leeg ko.
"Where do you think you're going?" Sabay hila pa niya sa bag ko para mas lumapit ako sa kanya.
"Ano ba?! Nasasakal ako." Angil ko sakanya.
"Alam ko." Dimunyu talaga.
Nakatayo kaming dalawa. Magkaharap. Hinigit ko ang bag ko sakanya at muntik na akong matumba dahil bigla niya itong binitawan. Naitulak ko tuloy ang upuan malapit sakin at nagsanhi iyon ng ingay. Nang dahil doon sa ingay pinagtitinginan na tuloy kami.
Eksena.
Nakakainis. Unang araw ng eskwela 'tas ganito ang mangyayari.
"New toy?"
"O.M.G. should we call the guard?"
"Hindi niya alam kung sino ang binabangga niya."
Rinig kong bulungan sa mga kalapit na mesa.
Nakatingin lang ako ng masama kay Hell habang siya nakangisi.
"Don't make a scene here. Maraming kumakain, nakakawalang gana." Napabaling kami sa nagsalita. Ako lang pala dahil si Hell bigla nalang natawa ng hindi man lang binabalingan ng tingin si kuya Deither.
Takte. Ang sexy niyang tumawa. Ito nanaman, lahat nalang ba ng gagawin niya, pupurihin ko.
"I'm bored, Mr. President." Sabay lingon niya kay kuya Deither. Nagsukatan sila ng tingin.
Okay...? Anong meron sa kanila? Kulang nalang may lumabas na kuryente sa mga mata nila.
Nakatitig lang ako sakanila ng may humatak sakin papaalis ng cafeteria.
Iyong feeling na, Iyon na e, magsusuntokan or whatsoever na 'tas biglang pinatay iyong TV.
"Anong nangyari?" Si Sam.
Nagkibit balikat ako.
"Anong meron sakanila?" Tanong ko.
Nagkibit balikat siya.
Nice.
So balik kami sa cafeteria para malaman namin? On second thought, wag nalang. Blessing in disguise na rin ang biglang pagsulpot ni kuya Deither at ang paghila sakin ni Sam palabas. Edi nakatakas ako. Sana lang talaga di na kagkrus ang landas naming dalawa ni Hell.
Nakatayo lang kami ni Sam sa may hallway papunta sa cafeteria nang makita kong nagmamadaling maglakad si Mirae kasama ang mga kaibigan niya.
I'm about to wave and greet her nang bigla niya akong irapan.
Attitude ka gurl?
Dapat ba hindi ko sila pansinin nina kuya Deither dito sa school? Should I draw a line?
My perfected smile fades away at dahan-dahan kong ibinaba ang kaway ko. Awkward lang.
"Your kuya Deither and Hell is in the cafeteria."
"My gosh, ngayon na nga lang pupunta ng cafeteria si Hell tas ganito pa ang magyayari."
Rinig kong usapan ng mga kasama niya hanggang sa malagpasan na nila kami at makapasok sila sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
The Badboy's Kryptonite
RomanceWho says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.