Kumakain kami nang agahan ni Sam nang parehas kaming nagulat pagkakitang pumasok sa kusina si kuya.
Nauna nang natapos kumain sina Nanay Esther at iba pang kasambahay, naiwan kami ni Sam sa hapagkainan dahil panay ang kwentuhan namin este panay ang pangungulit ko nanaman sakanya, tungkol sakanila ni kuya.
Nabulunan ako pagkakita kay kuya dahil saktong tinatanong ko si Sam kung ilang beses na silang nagkiss ni kuya. Inabutan naman niya agad ako ng isang basong tubig at pinagpag ng marahan ang likod ko.
'Yan kasi Hyeiryll, kung ano ano kasing tinatanong mo, kaya iyan.
Sana lang hindi nadinig ni kuya.
Napatingin ako kay Sam. Akala ko ba aalis si kuya papunta sa U.S. kasama sina Tita Sylvia ay Mirae?
"Akala ko ba nag-paalam pa sayo kagabi?" Bulong ko kay Sam.
Tumango ito, "Hindi ko alam na hindi siya tutuloy." Balik na bulong niya.
Akala ko ba pupunta silang U.S. para bisitahin si Papa. Tinawagan ko si papa kagabi at nasabi kong dadalaw sina kuya sakanya doon.
Nasabi nga daw ni tita Sylvia sakanya, at kaya daw hindi ako sasama ay busy ako sa school kahit na weekend. Napataas ang isang kilay ko. Kailan pa nalaman ni tita Sylvia ang schedule ko sa school? at ako busy? Umoo nalang ako kay papa nang tanungin niya ulit ako kong busy ba talaga ako.
Ni hindi nga ako tinanong ni tita Sylvia kung may gagawin ba ako ngayong weekend sa school.
"Baby, tea, please."
Nasamid ako bigla habang umiinom ng tubig, may lumabas pa atang tubig sa ilong ko.
Arayyy... ang sakit ng ilong ko.
Hindi malaman ni Sam kung anong gagawin. Kung aasikasuhin ba ako o ipagtitimpla ng tsaa ang 'daddy' niya. Baby daw eh.
"Sige na, 'baby', ipagtimpla mo na ang 'daddy' mo." Bulong ko kay Sam nang inabutan niya ako ng tissue.
Namula siya at agad akong hinampas sa balikat bago pumunta sa counter top.
Napatingin ako kay kuya. Prente lang siyang nakaupo sa upuan niya. Ang sweet ng boses niya kay Sam. Shhtttt ganito pala maglambing ang isang Deither Antonio Sy.
"A-akala ko pupunta kang U.S. kasama sina Ma'am Sylvia?" Tanong ni Sam kay kuya pagkalapag niya ng isang tasa ng tsaa sa harap ni kuya. Naglapag na rin siya ng clubhouse sandwich. "Nagpaalam ka pa sa'kin kagabi tapos humingi ka pa nang..." hindi na natapos ni Sam ang sasabihin at biglang namula ang mga pisngi niya.
Nang ano? Candy? Pabitin naman 'tong si Sam e.
"I changed my mind. Besides I'm not in the mood." Akmang tatayo si kuya para halikan si Sam nang pigilan siya ng huli.
Sayang. Live kissing scene na sana.
"Nandito ang kapatid mo." Inginuso ako ni Sam.
Oo. Present ako kuya. Hello, I'm here.
"So?" Tuluyan siyang tumayo at hinapit si Sam sa may bewang, "she already knew that we're in a relationship." Aniya sabay halik sa tukli ng ilong ni Sam.
"Nakakahiya pa rin kay Eryl." Lumayo si Sam kay kuya at umupo ulit sa tabi ko.
Napabuntong-hininga nalang si kuya at umupo ulit. Sumipsip siya sa tsaa niya.
"Were you talking about something awhile ago?"
Namula kami pareho ni Sam. Napatingin ako sakanya.
"Ah iyong ano lang kuya, iyong sa ano," think Eryl, isip ng palusot dali, nag-uumpisa nang tumaas ang isang kilay ni kuya "sa ano lang kuya, tungkol sa gagawin namin this coming foundation day ng uni."
BINABASA MO ANG
The Badboy's Kryptonite
RomanceWho says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.