Kulang ang limang part time job para mapakain at mapa'aral ko ang aking sarili kaya sinampu ko na.
Lahat na ata nang klaseng part time job ay pinasok ko na. Waitress, janitress, labandera, taga'plantsa, taga'linis ng bahay at koste, service crew, sales lady, taga'deliver, baby sitter, tutor ng elementary student, alalay nang mayamang tamad magbitbit ng mga pinamili, food tastier, nagbebenta ng load, cosmetics at iba pa, pati pagkokonstraktyon ay pinatos ko na.
"Pizza delivery!" Sigaw ko sa labas ng gate ng isang malaking bahay pagkatapos kong pindutin yung doorbell.
Agad namang may lumabas na lalaki na sa tantsa ko ay isang high school student. Pagkabayad nito ay agad na akong sumibat, may tatlo pa akong pizzang dapat maideliver bago pa ito lumamig.
Bago pumasok sa klase sa tuwing weekdays ay nagigising ako sa madaling araw para labhan ang mga tanggap kong labahin tsaka lang ako gagayak papunta sa eskwela. Sa loob naman ng campus namin ay palihim akong nagbebenta nang load at mga pampaganda na pautang. Pagkagaling sa eskwela deretso uwi ako para matulog saglit tsaka ako tutuloy sa cafe.comm kung saan ako nagtratrabaho bilang isang cashier. Yan ang routine ko pagweekdays. Sa weekend naman ay nagdedeliver ako ng pizza pagwalang delivery, nasa konstraksyon site ako o kaya'y tumatanggap ako ng mga sidelines.
Ho! Ang hirap talagang maging mahirap. Pero kakayanin ko ito para makapasok ako sa dream university ko pagtungtong ko ng college. Ang Bergford University. Sa katunayan bago matulog ay nagrereview ako para sa entrance exam nila, kung masali kasi ako sa top 5 highest scorer ay matatanggap ako bilang scholar. At yun ang pinakagoal ko sa ngayon, kaso may bayad ang entrance exam nila, kaya heto ako, nagtratrabaho para makaipon nang pera. Pambayad sa entrance exam.
"Ay butiki!" Bigla akong napapreno sa sinasakyan kong scooter nang biglang tumigil ang sinusundan kong kotse. Pagtingin ko sa harapan, bumaba mula dito ang may matangkarang lalaki. Sinundan ko sya nang tingin, at napangiti na lang ako sa ginawa nito. Inalalayan nito ang papatawid na matandang babae na may bitbit na bayong. May mga lalaki pa palang tulad nito.
Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya hanggang sa pabalik na ito sa kanyang sasakyan ay hindi inaasahang magtagpo ang aming tingin.
Nakasuot ito ng kulay abong hoodie na nakabukas ang zipper kaya kita ang suot nitong black v-neck shirt. May suot din syang dogtag. Ewan ko ba pero bigla nalang kumabog ang dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya habang pabalik na sya sa mamahalin nyang kotse.
Hindi ko nakita ang mukha nya dahil sa suot nitong kulay abong hoodie. Napa-iling-iling ako, ke'init-init.
Nanaliti akong nakatulala sa gitna nang kalsada kahit naka'alis na ito, hanggang sa natauhan ako dahil sa pagbusina sakin ng kasunod kong taxi.
Pisti! May delivery pa pala ako. Agad kong pina'andar yung scooter at sumibat na.
PAGKAPASOK ko sa klasrum namin, agad kong ibinaba ang backpack ko sa upuan ko, tsaka ko inilabas ang maliit na notebook at ballpen ko bago pumunta sa harap.
Nagsitigil sa pag'iingay ang mga kaklase ko nang hampasin ko ang mesa nang titser namin na nasa harap ko.
"Mga katropa katapusan na, singilan time na." Anunsyo ko tsaka ibinuklat ang hawak kong maliit na notebook.
Agad namang nagreklamo ang mga kaklase kong may utang sakin.
"Pasensya na negosyo lang mga tropa." Nakangiting saad ko. Dali dali kong kinuha ang mga bayad nila tsaka ko nilalagyan nang check mark ang pangalan nila sa listahan ko. Kailangan ko kasing kumilos nang mabilis, mahirap na baka dumating na ang titser namin sa first subject.
Nang matapos akong maningil. "May mga new items akong binebenta. Sabihan nyo nalang ako kung interesado kayo. Salamat." Sabi ko tsaka ako bumalik sa upuan ko. Napahikab ako. Inaantok na ako pero wala akong oras matulog, malapit na kasi ang entrance exam sa B.U. konting kembot nalang may pambayad na ako. Napapangiti nalang ako tuwing naiisip kong malapit ko nang maabot ang saktong halaga para pambayad sa B.U. Siguradong magiging proud sakin si papa. Speaking of papa, bibisitahin ko sya next weekend.
Lunch break na at napagpasyahan kung umidlip saglit sa lilim ng puno malapit sa school oval. Dali-dali akong nagligpit ng mga gamit, pero biglang nagsilapitan sakin ang mga kaklase ko.
"Hyeirylle, pautang ako ng load. Fifty pesos." Agad naman akong tumango at binigyan sya ng load tsaka ko inilista ang pangalan nya.
"Ako, oorder ulit ako nung inorder ko last time. Naubos ko na kasi." Sabi ng isa pa.
"Yung lotion ba?" Tumango ito.
"Gawin mo nang dalawang bote." Tumango ako at inilista ito.
"Hyeirylle, patingin nung mga sinasabi mong new item." Agad ko namang ipinatong sa mesa ko ang aking napakabigat na bag tsaka ibinuklat sa harap nila.
Agad silang dumampot ng mga item na nagustuhan nila. Inilista ko ang mga iyon. Pagkabitbit ko ng bag ko, gumaan na ito.
Paglabas ko ng klasrum, maraming nagtatawag sakin sa corridor na taga ibang section at year para mangutang ng load at ibang item na binibenta ko.
Napahikab ako ng malakas ng sa wakas ay nakarating din ako sa lilim ng puno kung saan ako madalas tumambay.
Napatingin ako sa may oval at nakita kong maraming mga naglalaro, karamihan mga lalaki.
"Sh't pare ang ganda talaga ni Hyeirylle."
"Maganda, matalino at masipag. Kaso suplada."
"Lalo syang gumaganda pag nagsusungit sya, dude."
Napa-irap nalang ako sa kawalan at binalewala ang mga naririnig kong bulungan ng mga lalaking soccer player malapit sa pwesto ko.
Nag'earphone ako bago nahiga sa damuhan habang yakap yakap ang bag ko. Mahirap nang manakawan.
Nang uwian na dumaan muna ako sa library para sa assignment ko bago dumiretso sa isang convenient store para kumain ng cup noodles tsaka ako naglakad sa cafe.comm total malapit lang naman sayang lang ang pamasahe kung sasakay pa ako ng tricycle.
Alas dos na nang madaling araw ako nakauwi sa tinutuluyan kong maliit na apartment.
Mag-isa kong binubuhay ang sarili ko, tatlong taon nang nakakulong ang kinikilala kong ama. Nakulong sya sa salang hindi nya naman ginawa, ang nag-iisang anak naman nito na itinuring ko ng kuya ay naglayas at hindi ko na alam kong nasaan. Galit ito sakin dahil ako ang sinisisi nito kung bakit nakulong si papa.
Hinati ko sa dalawang kahon ang perang kinita ko ngayon. Ang isang kahon ay para sa entrance exam sa B.U. at pangtuition na rin kung sakaling hindi ako palaring makakuha ng scholarship, gustong-gusto ko talaga kasing doon mag-aral. Ang isa pang kahon ay pangpiyansa ni papa.
ms. akino
BINABASA MO ANG
The Badboy's Kryptonite
RomanceWho says that Prince Charmings are only a goody-type? Mind you, they are bad@ss too. Really, really bad like Hell.