TMB 9

19.1K 178 28
                                    

My eyes squinted in disgust. Based on their age, hindi lang naglalayo ang edad namin. Maybe nagsama sila ng maaga pa, teenage years.

With the way he looks at me, it is giving me a bad sign.

Halatang walang kaalam alam si Dawn. She's too oblivious. Too bad for her. Hindi siya nababagay para sa lalaking ito!

I saw how his tongue licked his lower lip. His throat bobbed. Umangat ang tingin ko sa mata niya.

"Uhh, Dawn..." alangang wika ko, natatutok pa rin ang tingin sa katabi niya.

Hinawi nito ang mahaba at maalon niyang buhok. She side stepped slicing the tension between her dearest maniac husband and I. Magaan ang ngiting iginawad niya sa akin, "Come with us! Ibibigay ko sa'yo 'yung invitation namin. Naiwan kasi sa room ko."

"Hindi. Aalis na ako," tanggi ko at umiling.

Hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa lalaking nasa likuran na niya ngayon. May laman ang tingin at ngisi sa kanyang mga labi. It's like I am his prey, and he is the predator. Nakakabastos...

"Aww! That's sad. Akala ko pa naman maiimbitahan kita," malungkot nitong wika at nilingon si Daryll.

I heaved a sigh and manuevered my eyes around the street. Kami lang ang kasalukuyang naririto. This is a private subdivision anyway. Walang sinuman ang nakakapasok without a pass.

"Why are you inviting strangers anyway? Kasal 'yon, it should be sacred."

Tumingala ito kay Daryll at pumaywang. "Hmm, it's a family tradition. Every decade, laging may nagaganap na kasal. It may be at church, beach, lawn, shotgun or overseas wedding!"

"Besides, it will be a welcome party for us, too! Sa pagkakaalam ko, hospitable ang filipinos." Sa pagkakasabi niyang iyon, nalinawan na ako, hindi sila orihinal na taga-rito sa pilipinas.

"Stop stereotyping, Dawn. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi lahat ay ganyan. She's a living example, oh. Look—" inilahad niya ang kamay at kasunod ng matulis niyang mata ang paghagod sa akin.

She softened and nodded her head, "Fine. I'm sorry..." mahina at malamyos niyang paumanhin sa akin. "Hindi ka na namin kukulitin. Masaya lang kami na mag-imbita ng mga kapit bahay namin para sa kasal."

Just to lift her hopes up I opened my mouth to speak. "Pag-iisipan ko."

Hindi naman siguro masama ang dumalo sa kasal nila tutal mga kapitbahay rin naman ang iniimbitahan niya. We are all familiar to each other kahit hindi madalas na nagkakasalamuha.

"Alam ko kung saan kayo nakatira. P-Pupuntahan ko nalang kayo—" I was interrupted by a man. "To get the invitation! Sure! I'm pleased to hear that. You are very welcome, Celine." masigla nitong bati ng may ningning sa mata.

I don't know what's really the score between them. They are getting married anyway. Wala akong kinalaman sa kanila. Wala rin akong pakialam.

I just don't want to be used as an instrument to ruin a relationship.

Kaya 'wag siyang lalapit lapit sa akin at magpakita ng motibo.

"Sige. Aalis pa kasi ako," pamamaalam ko sa kanila. Humakbang na ako patalikod. Nais nang umalis sa harapan nila ora mismo. Naiirita ako sa lalaking iyon. Isang balasubas kung masasabi.

"Wait—" agad na tawag nito sa akin. Nangunot ang aking noo at nilingon siya. Tahimik namang nakatanaw ang asawa niya sa amin.

Ano bang problema ng dalawang ito?

Ganoon ba ako kalalim mag-isip at magduda? O sadyang malaki lang ang tiwala niya sa Daryll na ito?

"Wear this."

Napatingin ako sa inumang niyang jacket sa akin. Suot niya lamang iyon kanina. "Huh? Hindi na. D'yan lang naman ako. Hindi naman ako lalayo."

"I insist."

Dawn laughed softly, "Just accept it, Celine. Hindi tumatanggap ng hindi 'yang si Daryll. He's very persistent whenever he wants to."

Ah, maybe they are just too friendly. Kahit kanino, sa lahat. Ganoon na siguro. Nagtagal pa muna ang tingin ko kay Daryll na may guhit ng ngiti sa labi, sinusukat ko kung tapat ba siyang talaga o may pakay lang.

Baka nga mabait lang silang talaga...

"S-Salamat! Ibabalik ko nalang pag dadaanan ko ang imbitasyon." tinanggap ko iyon. Nagtama ang kamay naming dalawa. Maagap kong binawi kasama ang jacket niya at naglagay ng distansya.

I bid them goodbye before turning my back. "Bye, Celine..." hindi nakaligtas iyon sa pandinig ko. His husky voice sent chills into my spine. Halos mangilabot ako sa nadaram.

Stop overthinking, Cel. He's just too friendly. Stop thinking about it.

"Bakit ngayon ka lang?"

Napatalon ako at lumingon sa dilim. Naaninaw ko ang malaking pigurang nakaupo sa may hagdanan.

I let out an exasperated sigh. I turned on the lights. Napagtanto kong ganoon pa rin ang suot niya simala noong umalis ako at ngayong nakauwi na. I scanned his whole face. His face was void of emotion. What's his problem now?

"Saan ka nanggaling?"

Hindi ako umimik. Nagtungo ako sa kusina. Nauuhaw ako, kanina pa ako pagala-gala. Hindi na ako nakakain mula tanghalian hanggang hapunan.

"Ate!" pagtawag niya sa akin at mabibigat ang yabag na sumunod. Humampas ang palad niya sa counter. Humahangos dala ng mabigat niyang pahinga.

"Oh? Nagkapalit na ba tayo ng sitwasyon? I should be the one asking you that, right?"

"Sagutin mo nalang!" iritado niyang asik.

"You have no right to ask any questions, Jericho. Tinanggalan mo ako ng karapatan sa'yo. You are free now. Hindi na kita kukulitin pa." nagkibit balikat ako bago uminom, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"This is what you wanted all along..."

"Pangatawanan mo," dagdag ko at ngumiti sa kanya.

"Titigil na ako!" bulyaw niya. Paniguradong maririnig iyon nila Linda, pero malamang mahimbing na silang natutulog sa ngayon.

"Bakit?"

"Para..." his voice suddenly faltered. Malalim ang pag-iisip nito. Mukhang inaalam sa sarili kung ano ang idudugtong roon.

"Para?" sumandal ako at ipinatong ang siko sa counter para pumahalumbaba.

Iniling niya ang ulo, "Nevermind."

"Pakigising nalang ako ng maaga bukas, ate."

"Why?"

"Papasok na ako."

"Mmm-hmm..." I hummed before laughing softly. "Why are you taking it back?"

"W-Wala lang."

Hindi ko na napigilan. Lumapit ako sa kanya at inabot siya. "You're still a kid," magaang wika ko at ginulo ang buhok niya.

Sa kabila ng mga pinaggagawa niya nitong mga nakaraang araw, hindi maipagkakailang bata pa rin siya.

"Ang cute cute mo! Sarap mong panggigilan."

Madilim ang pinukol niyang tingin. He put his hands behind me before leaning in, "I am not a kid anymore, ate. Please keep that in mind."

My laugh was swallowed whole as soon as he squeezed my waist, leaning all of his weight on me. Inilapit niya ang bibig sa aking tainga, "Kasi hindi lang ikaw ang nanggigigil ngayon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Touch My BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon