Mabibigat ang hakbang na lumapit ako sa kanya dala ang inutos niyang isang baso ng malamig na tubig.
Buong araw siyang nakakulong sa kwarto. Wala siyang ginawa maghapon kun'di ang manuod at tutukan ang mga basketball live game sa telebisyon.
Talagang lumiban pa siya sa klase para makapanuod. Kahit kailan, walang kwentang studyante talaga ang batang 'to. Sayang lang ang ibinabayad ng magulang nito sa paaralan.
Iiling iling ako habang pinupulot ang nagkalat na balat ng chichirya sa sahig.
Malay ko ba sa batang ito. Walang magawang matino sa buhay! Nagpapalaki lang ata ng bayag.
Madilim ang ekspresyong ipinapakita ko sa kanya samantalang siya ay hindi natinag sa nasaksihan, tila nananadya pa't ngingisi-ngising kinuha ang basong nasa kamay ko.
He looked so cocky while looking at me sideways. Humalakhak pa ito nang inisang tungga ang tubig sa baso.
Nangunot ang noo ko nang may tumulo pa sa kanyang baba papuntang dibdib.
See!
Daig pa niya ang bata sa kanyang inaakto. Hindi ko alam kung sadyang nuknukan lang 'to sa kalokohan o may problema na talaga siya sa utak.
"Jericho, mag-usap tayo. Magkinig ka sa'kin ha." mahinahon kong sabi at bahagyang humarang sa linya ng paningin niya, pilit kinukuha ang atensyon.
Ngunit ako ay nabigo, nanatili ang mata niya sa telebisyon. 'Ni hindi man lang nag-abalang punasan ang tumulong tubig sa kanyang dibdib.
"Ayoko nga," he said playfully.
Nanlaki ang mata ko nang ihagis niya sa akin ang baso papunta sa direksyon ko. Good thing, I caught it on time.
"Nice catch!"
Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang bumuga sa hangin.
My hands grabbed the remote control and I hastily pressed the off button.
"Bakit mo pinatay?!" Asik niyang tanong sa akin. Hindi ko mapigilang umirap sa harapan niya, ang lakas talaga ng apog ng lalaking ito. Ang tigas ng ulo. Maaga pa ata akong tatanda sa pinaggagawa niya, e.
"Mag-usap tayo, Jericho. Please lang. Umayos ka muna," I stressed out each word for him to understand what I am saying.
Tumango na lamang siya at napakamot sa batok. Inilapag ko ang baso sa table at itinabi muna ang mga kalat sa tabi.
"Ayaw mo na ba talagang maging payapa ang buhay ko? Ang laki laki mo na, alagain ka pa rin. Sana naman kahit papaano ay tumino ka na. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, ano bang gusto mong mangyari ha?" he looked at me while having an amused expression on his face.
"Bakit?" kunot noong tanong ko sa kanya.
Ano na naman bang nasa isipan ng loko loko na 'to?
Mas lalo akong nagtaka nang humagalpak siya ng tawa. Anong meron? May mali ba sa sinabi ko?
"Why are you complaining? You're my nanny." He simply said. Hindi ko maiwasang hampasin siya sa braso sa sobrang panggigigil.
"My work here isn't permanent! Panandalian lang 'to. Kaya nga please ipasa mo na ang quarter na 'to. Isang kembot nalang magtatapos ka na sa high school, ngayon ka pa bang tatamarin?"
Nasaksihan ko ang buhay ni Jericho sa loob ng isang taon. Bago pa lamang ako magtrabaho rito ay pinagsabihan na akong hindi magiging madali ang lahat para sa akin.
And it is indeed true.
His parents were busy all the time. Laging wala sa bahay at malimit tutok sa trabaho.
Siguro, isa na 'yon sa mga naging dahilan para ganito ang akto ng anak nila.
"Para rin naman sa'yo 'to. All of your efforts will be paid off."
"Sige, ipapasa ko ang finals ko at simula ngayon ay magtitino na ako."
"Talaga?" Nakangiting wika ko sa kanya. Nabuhayan ako sa narinig. Posible pa palang magawan ng paraan ang kahunghangan ng alaga ko, buti naman.
"But!" Nagulat ako nang iangat niya ang palad sa ere.
"But?"
"But... in one condition."
Napaangat ang kilay ko sa narinig. Tuso talaga ang hayop na 'to. Hinding hindi na ata magbabago si Jericho. He's a goner.
"Ano naman 'yun?" Mataray kong tanong sa kanya. Hinarap ko siya at humalukipkip. Bakit kasi kailangan pa ng kundisyon? Nakakainis na 'tong lalaking 'to!
"Satisfy my needs."
"Huh?" Takang tanong ko sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"
Hindi siya kumibo at iiling iling na pumikit. "I'll satisfy your needs? Eh diba kung ano naman ang mga kailangan mo, binibigay ko naman agad. Dakila mo akong utusan, e."
Idinilat niya ang kanyang mata at humalakhak.
Nangunot ang noo ko sa reaksiyon niya, "Bakit? Mali ba ang sinabi ko? Totoo naman na binibigay ko kung ano ang mga kailangan mo. Para saan pa't nagta-trabaho ako."
"So, are you ready to satisfy my needs at all cost?" may kakaibang ngiti sa labi niya na hindi ko maintindihan.
"Basta ba, kailangan pumasa ka at magtino na. H'wag mo nang papasakitin ang ulo ko, Jericho." tila batang pinagsasabihan ko ang binatilyong alaga ko.
"Sigurado kang tatanggapin mo ang kundisyon ko? Baka magsisi ka. Wala na 'yong bawian pa."
Pinagmasdan ko siya, hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.
"I've been with you for a year. Sa tingin mo, sa loob ba ng taon na 'yon ay 'ni minsan hindi ko napunan ang mga pangangailangan mo?"
"Pwede na," nagkibit balikat siya at ngumuso, "pero may kulang pa."
"Anong kulang?"
"Sa susunod mo na malalaman sa oras na nagawa ko ang ninanais mo."
Ngumiti ito ng nakakaloko, nang hindi mapigilan at malakas itong natawa. Nagtaka ako ngunit nanatili akong walang kibo.
Confirmed.
May saltik ang alaga ko.
"Get me a new shirt, ate." agad naman akong tumalima sa utos niya.
Simula nang magtrabaho ako sa pamilya nila, sa batang 'to ako natuwa. Kahit na may pagkagago at sakit sa ulo ang kakulitan ay marunong pa ring rumespeto sa mas nakakatanda sa kanya.
I never heard him complain about his parents. Kung bakit walang oras sa kanya o kung bakit hindi na niya ito nakikita pa. Or maybe he's old enough na para maintindihan ang sitwasyon.
Dinadaan niya lang ang lahat sa kalokohan.
But I know better, deep inside, he's still yearning for love.
Iniabot ko sa kanya ang damit. Mabilis niya namang hinubad ang nabasang pang-itaas.
Sumandal siya at napakurap ako nang tumitig ito sa akin, "Gusto mong malaman kung ano ang kulang?"
"H-Huh?"
Hinigit niya ako hanggang sa mapaupo ako sa tabi niya.
Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako ng maigi.
Bakit parang iba ang kutob ko?
How will I satisfy his needs?
Then it dawns me...
"Manyak kang bubwit ka!" malakas na lumapat ang palad ko sa kanyang pisngi.
