"Open the door!"
Napahigit ako sa aking hininga. Wind knocked up in my lungs. Napasapo ako sa aking dibdib at dininig ang sunod-sunod na pagkatok ni Jericho. Sumasabay iyon sa tibok ng puso ko.
Hindi man lang muna ako pina-kalma!
"Ayaw mo?" may mapaghamong wika niya. Naningkit ang mata ko nang huminto siya sa pagkatok at pagsubok ng pihit ng knob.
Hinihintay ko siyang magsalita. Ilang minuto na ang lumipas. Tumayo ako at lumapit doon. "May spare key si Nanay Linda sa baba. Pag nabuksan ko-"
Sa taranta ko ay agad kong nabuksan ang pinto. Baka kung ano pang gawin niya! Hindi ko pa naman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Malamang ay puro ito kalokohan! Uso pa naman ang prank ngayon.
"Anong kailangan mo?"
Sumandal siya sa hamba ng pintuan at ipinatong doon ang braso niya. His biceps flexed. "I am old enough to do the things that I wanna do, Ate."
I know. He's turning eighteen... but still too young for me. Bata pa rin ang tingin ko sa kanya. Anong magagawa ko? Alam ko lahat sa kanya. His weird and childish antics.
"Sige," I nooded and shrugged.
Umangat ang noo niya at paibaba akong ginawaran ng tingin. Hindi ko masukat kung ano ang ipinapahiwatig n'on. Malalim pa rin at may talim. Hindi ko maintindihan. "Pwede na akong magkaroon ng girlfriend, malayang lumabas ng bahay nang walang nakabuntot saking yaya, makipagbarkada, uminom at umuwi ng naaayon sa gusto ko."
"Jericho-" mariing pumikit ang aking mata. I bit my lip in frustration. "Seventeen years old ka palang!"
"Malapit na akong mag-eighteen. Legal na ako n'on."
Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong may dumantay sa aking balikat. He caressed my shoulders lightly, and slowly... up to my nape.
Halos magpanting ang tainga ko nang humakbang siya palapit sa akin.
"Bakit ba nagagalit ka?" anas niya. Bumubuga ng mainit na hangin mula sa kanyang bibig. His breath fanned my head. Sa tangkad niya ay nasisindak ako. Hindi ko magawang magsalita.
"Ahh... si Dad ba ang kinatatakutan mo?" nang nanatili akong walang imik ay dumiin ng bahagya ang daliring naglalaro sa aking batok.
"Don't worry. Wag mo lang sabihin sa kanya, magiging smooth ang lahat. I won't squeeze myself into sticky positions. I know what I'm doing."
Tila nahipnotismo ako sa tingin niya. Nalulunod ako sa kanya. Napapasailalim sa mga salita niya. Ano bang ginagawa mo sa'kin, Jericho?
"I-If that's what you want," tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Ito nga ang gusto ko."
"Oh sige, malaya ka nang magnobya, maglakwatsa, magkabisyo, magbarkada. Malaya ka na sa lahat. Gawin mo kung ano ang gusto mo," his hand lift my chin up to face him.
"Pero?" masuyo niyang tanong.
What?
What is this?
Kulang na lamang ay sampalin ko ang sarili ko. Ano ba 'to? Ano bang ginagawa niya?
"No buts."
"Walang kapalit? Walang pero-pero?" angat ang kilay niyang hinahamon ako.
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pinaparating niya. At saka, wala dapat siyang pakialam sa opinyon ko. Hamak na tagapangalaga niya lang naman ako.
"Wala." pormal kong wika.
"Talaga?" paninigurado pa niya. There's a glint in his eyes.
"Mmm-hmm," I hummed in approval.
"Ate..."
The corners of my lips lifted to mask what I am really feeling. "Wag kang mag-alala. I won't tell this to your dad."
"Just don't forget our deal. Pass this last quarter. Makakampante ako sa lahat ng gustuhin mong gawin."
Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang dibdib at marahang itinulak palabas. I even saw his perplexed look on his face as I shut the door, leaving him there alone.
#
Sa labas pa lamang ay rinig ko na ang utos ni Jericho. Nagmamadali at hindi malaman ang gagawin. Ilang araw na ang nagdaan nang mangyari na nga ang ninanais niya. He's free to do whatever he wants without me nagging him.
"Ate Shiela! Paayos ng kwarto ko!"
"Bakit? Si Celine ang gumagawa n'yan para sayo ah." Napayuko ako at dumako ang tingin ko sa mga paper bag na yakap yakap ko.
"Nasaan nga pala ang babaitang 'yon?"
"Saka bakit ang aga mo ngayon? Alas kwatro pa uwian mo. Nagcutting ka na naman ba?" may pagdududang tanong ni Shiela.
Tatlong magkakasunod na araw na siyang pumapasok. Tanging ako lang ang nakakaalam. Tinatago niya ang kalokohan niya kila Nay Tasing. Aalis at uuwi ng naka-uniporme pero ang tunay na pakay niya ay makapaglakwatsa. Hindi ko na alam kung kasama ang barkada o ang nobya niya.
"Uhh, hindi ako pumasok..."
"Ilang araw ka nang hindi pumapasok, ah! Nasaan si Celine? Ba't 'di ka man lang niya binubungangaan?!" matinis na tanong niya. Maging sila ay naninibago sa nangyayari.
Wala, eh. I stopped prying. Hinayaan ko na siya sa gusto niyang gawin. Kung paghihigpitan ko ba siya ay susunod siya? Hindi. Mas lalo siyang mananadya. Magrerebelde siya. Mas lalala pa ang sitwasyon.
Kaya heto, sinusulit niya ang pagkakataong ipinaparanas ko sa kanya. "Lumabas lang saglit, 'te. Bumili siya ng makakain sa labas."
"May pagkain dito!"
"May bibisita kasi-"
"At sino naman, aber?!"
Suminghot ako at napagpasyahan nang pumasok. Baka mapingot pa ni Shi ang alaga ko ng wala sa oras. May pagka-bayolente pa naman ito minsan.
"Shiela, rinig na naman ang boses mo sa labas. Nakakahiya sa mga dumadaan. Kala mo laging may gyera rito sa loob."
"Cel! Sinong bisita ng bubwit na 'yan?" pinako niya ang tingin kay Jericho. Himala't naglalampaso ng sahig? Isa't kalahating batugan pa naman ang isang 'to.
"Girlfriend ko. May angal ka?" hamon ni kay Shi at saglit na sumulyap sa gawi ko.
"Ohhhh... ang pers jowa ni totoy!"
"Palinis na ng kwarto ko, ate." malambing niyang sabi at tinudyo sa baywang ni Shi. Umismid ito, hindi nagpadala sa batang alagain nila.
"Ika-kwarto mo na agad? Alam mo ba muna kung paano magsuot ng condom?!"
"Shi, kung anu-ano na namang pinagsasabi mo." suway ko bago iniwan ang sneakers ko sa labas. "Now, clean up his room. Magluluto pa ako para sa kanilang dalawa," napakurap si Shi sa sinabi ko.
Nagkukumahog pa siyang sundan ako sa kusina. May nakabalatay na gulat sa kanyang mukha.
"Seryoso ka?" paninigurado niya.
I gave her a leering glance before responding to her baffled question, "Kailan ba ako nagbiro?"
![](https://img.wattpad.com/cover/27445720-288-k650159.jpg)