TMB 4

24.6K 236 21
                                    

Sweat prickled trickled against my skin. Hindi na ako magkandaugaga sa pagkilos. Kung saan ako babaling at itutuon ang atensyon. I'm irritated, but mostly preoccupied with what I am currently doing. Hindi ko na maituloy ang iritasyong nararamdaman.

Mahigpit at mataas ang pagkakatali sa buhok ko. Maluwag ang suot na pang-itaas at maong na shorts. Kahit na malaya akong nakakagalaw sa damit ko, init na init pa rin ako sa umagang ito.

"Ate, my socks are missing!"

Marahas akong napabuga sa hangin. Saglit na tinigil ang pagplantsa ng damit niya.

Alas cinco pa lamang ng umaga ay ginising ko siya. Umabot ng alas siete, 'ni hindi man lang natinag! Mahimbing pa ring natutulog ang kolokoy. Tapos ngayon magmamadali sa paghahanap ng kanyang mga gamit.

Laging pataan sa oras. Batugan at hindi iniisip ang pag-aaral niya nang mabuti.

"Kahit kailan talaga 'tong lalaking ito, oh! Hindi kasi hinahanda muna ang mga gamit bago matulog. Laging nakaasa sa yaya." tumango ako bilang pagsang-ayon sa nagsalita mula sa likod ko. Marahil ay si Shiela ito. Sobrang taklesa, eh.

"Ate... Ate, Ate! Puro ate!" bubulong-bulong pa nitong wika.

Hindi na bago ang senaryong ito sa bahay. Laging maingay ang mga kasambahay at laging binubuska at sinosoplang ang anak ng amo nila. Palibhasa, isa ring loko loko kaya't nagkakasundo at kumportable na sila sa isa't isa.

Sumilip si Jericho sa hamba ng pintuan at nagmamadaling nagsisinturon. 'Ni hindi nga nasarado ang zipper sa pagmamadali.          "Hindi ko alam kung nasaan. Kasalanan mo kapag napagsaraduhan ako ng gate! Magkakaroon na naman ako ng detention slip, sige ka!"

"Ayan na, ayan na!" binitawan ko na ang plantsa at inilagay sa tabi ng pakabayo. Tapos ko naman nang pasadahan ng kaonti ang polo niya pang-eskwela.

Pumanhik na ako at nagtungo sa silid niya. Not minding the mess scattered on the floor. Mayroong men's magazine, comics, boxers, shirts, at mga pinagkainan ng chichirya. Typical.

Kinuha ko ang medyas sa drawer niya. Kulang nalang ay tuklawin na ng ahas ang batang 'to! Kahit kailan talaga.

Pairap akong humarap sa kanya. "Ito lang, oh. Mata kasi pinapagamit hindi 'yan—" kinurot ng daliri ko ang nguso niya.

"A-Aray naman!"

"Magbihis ka na't bumaba agad. 'Nay made you some breakfast. May packed lunch na rin sa bag mo." utos ko at nagtungo sa bag niyang nakasambulat din sa lapag. "Sigurado ka bang wala kang naiwang gamit mo? Ibababa ko na 'to."

"Wala na."

"Sumunod ka na sakin."

Tahimik siyang sumunod sa likuran ko matapos magsuot ng medyas. I pursed my lips. Malamang tanging iyon lang ang suot niya. Pahihirapan niya na naman ang kasambahay na maglaba 'non!

"Anong oras nga pala uwi mo ngayon?"

"Hindi ko alam," he responded while busy chewing a chocalate filled sandwich I made for him. Halos mabulunan na sa pagmamadali.

"Umuwi ka agad pagkatapos ng klase. Wag na maglalakwatsa, huh. Uso nangunguha ng mga bata ngayon," nakangising wika ko.
Dumukwang ako at inayos ang kwelyo ng polo niya.

"Bata ka d'yan," he scoffed.

"Binatilyo pala," pagtatama ko at pabirong ginulo ang basa niyang buhok.

Inilingan niya lamang ako at tumayo na bago uminom sa coffee niya, "Alis na ako. Bye!"

Walang lingon lingong kumaripas siya ng takbo sa kinalalagyan ng bag niya at sinukbit na 'yon sa kanyang balikat. "Pero hindi ka pa tapos mag-almusal!"

Touch My BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon