My smile instantly went into a deep frown when I saw him striding towards me with bruises and cuts on his face.
It's 4 o' clock in the afternoon. Oras ng uwi niya sa eskwela. Umalis siya ng bahay ng payapa at walang kagalos galos, umuwi siya ng bahay nang walang dalang bag, gusot ang uniporme, at puro sugat at pasa. Sino ba namang matinong istudyante ang uuwi ng gan'to?
No, definitely not him.
As expected.
"Anong nangyari sayo? Sinong gumawa niyan?!" ngumiwi ito nang pasaldak ko siyang hinatak para makapasok sa gate. Nagpatangay na lamang ito at tahimik na pinagmasdan ang pagkuha ko ng first aid kit sa loob ng cabinet. "Napaka-basagulero mo talagang bata ka. Akala ko ba magtitino ka na?"
"Oo nga..." gamit ang maliit na boses niyang wika.
"Eh kasi naman Ate Celine, may humarang na grupo sa akin kanina nung pauwi na ako. Sinisisi na hiniwalayan daw siya ng shota niya dahil sa akin." ngumisi ito at napahalakhak, "Iba talaga ang kamandag ko 'no?"
"A-Aray!" daing nito nang idiin ko ang bulak sa kanyang sugat.
"Kahit kailan ka talagang bata ka! Nako, nanggigigil ako sayo!"
"I'm not a kid anymore ate, grabe ka naman sa akin. Seventeen na ako pero kung itrato mo ako ay parang–"
"Ano? Parang ano, sige nga?"
Umiwas siya ng tingin sa akin at tila nahiya sa sasabihin, "Na parang sixteen years old pa rin ako."
Malakas akong natawa, "Patawa ka, alam mo 'yon?"
Kunot noong bumalik ang atensyon nito sa akin at napanguso. Halatang halata ang tainga nitong namumula dahil sa sobrang puti niya.
I pinched his cheeks as I continued to laugh.
"You're still a kid to me, Jericho."
His eyes went dark while staring at me. Umangat ang kilay nito at bumalik na naman ang nakakalokong ngisi nito sa kanyang labi.
"Talaga?"
His fingers intertwined on my wrist. Nanatili ang madilim nitong tingin sa akin. Tumikhim ako at ibinalik na lang ang kamay sa paggamot sa kanyang sugat.
"Sa susunod, iwasan mo na kasing paglaruan ang mga babaeng nakikilala mo. Umaasa tuloy sila sa'yo."
"Hindi ko sila pinaglalaruan," tanggi nito.
I just nodded to end our petty talk and get an ointment for his small fresh cuts.
"Seryoso ako, ate." He frustratedly said.
"Nagulat nalang ako nung bigla nila akong hinarangan at pinaratangan na inaagaw ko raw ang babae niya, eh hindi ko naman sila kilala. Aba, lalo na 'yung babae."
"Tapos ang pangit naman nung shota niya na inagaw ko kuno. Sabi ko na hindi ako pumapatol sa bisugo. Akala ko titigilan na ako, bigla ba naman akong pinagbubugbog!"
"Loko loko ka talaga," iiling iling na pinakinggan ko na lamang siya sa kanyang mga litanya.
"I'm done mending your cuts and bruises. Anong balak mo this afternoon? Lalaro ka ba?"
"Sa susunod nalang," nag-unat ito at inisa-isa nang tanggalin ang butones ng kanyang uniporme.
"Bakit? Dumaan dito sila Lance kanina maglalaro raw kayo ng basketball."
Iniabot niya sa akin ang pinaghubarang damit at tumalikod na, "Hindi pwede, may assignment kami. You wouldn't want to see me fail, right?"
Then, I was left dumbfounded.
May himala nga.
Later that night, I stumbled on his room with his dinner. Wala naman siyang nakakasabay kumain maliban sa akin, sila Nanay Tasing naman ay mas pinipiling magpahuli na lamang. Kaya ako lagi ang kasabayan niya.
Nakakalungkot lang dahil sa edad niyang ito ay natuto na siyang masanay na mag-isa nang walang gabay ng kanyang mga magulang.
Paano pa kaya 'nung wala ako 'di ba?
"Uh... Dinner in bed?" umangat ang tingin nito at nang makita ako ay umaliwas ang mukha nito. Agad niyang itinabi ang libro at notebook at tinapik ang kama.
"Come here."
Nanumbalik sa akin 'yung nangyari kahapon. "Wag na pala sa kama," imbes na sa kanya ako nagpunta ay sa study table ko nilagay ang dala kong tray.
"Eh paano naging dinner in bed kung hindi sa kama magdidinner?"
Tumawa siya na ikinatirik ng mata ko, "Joker ka naman masyado ate."
"Baka kung anong gawin mo, eh. Aba mahirap na. Pilyo ka pa namang bata ka." mahinang sabi ko at pinagmasdan ang pagkaing hinanda ko para sa kanya.
Pumalatak si Jericho at narinig ko ang paghampas ng kamay niya sa kama, "Tara na kasi rito, akala mo naman laging may gagawin ako sayong kalokohan."
"Hindi ba?" balik kong sumbat sa kanya.
Gumapang ito sa ibabaw ng kama at tila bababa pa si Jericho para mapalapit sa akin.
At hindi nga ako nagkamali.
Nahigit ko ang aking paghinga nang ilang hakbang na ang distansya namin.
"Am I not allowed?"
Ilang beses pa akong napakurap sa sinabi niya.
"Ano?"
Humakbang siya papalapit sa akin. "Ang sabi ko, hindi ko ba pwedeng gawin 'yon... ate?"
"Pwede! Pwede, syempre pwede. Sino ba may nagsabing hindi, 'di ba?"
"Hindi ba't iyon ang pinaparating mo sa akin kanina lang? Nako ha, hindi ka lang pala mapagbiro, makakalimutin ka pa. Iba na talaga 'pag matanda na 'no?"
"Matanda? A-Ako?!"
"Hindi po ba, ate?" ngumiti siya ng nakakaloko. Iiwas na sana ako nang umakbay siya sa akin at tinangay sa kama niya.
"Kaya ikaw ate, 'wag masyadong malisyosa, okay?" napatulala ako nang mas idiin pa nito ang pagtawag sa akin ng ate. Inupo niya ako sa kama niya at napalayo siya saglit nang kunin ang dinner niya sa study table.
Tahimik naman ako nang magsimula siyang kumain sa aking harapan.
"Kailan nagsimula yung parents mo na ma-busy sa work?" hindi na ako nakatiis. Mas mabuting tanungin ko na lang siya instead of speculating things.
He shrugged, "Hmm... nung fourteen years old ako."
Nangunot ang aking noo sa nalaman. Ang bata pa niya para maiwan nalang sa mga pamamalaga ng kasambahay. "Hala ang bata mo pa n'on ah?"
"Walang bata bata kung abala sila sa trabaho, it's for my sake naman."
Tila hindi ako nakahinga saglit. Sumikip ang dibdib ko sa narinig.
"R-Right."
Hinayaan ko na lamang siyang kumain. Nanatili na akong tahimik matapos ng tanong kong iyon.
Tumayo na ako nang matapos siyang kumain at niligpit. Hanggang maaari, gusto kong umalis sa silid niya para makapag-isip.
Naaawa ako.
Nasasaktan ako para sa batang inaalagaan ko.
"Ate," napalingon ako nang tawagin niya ako.
He showed me his goofy smile and winked,"Maybe we'll do what's on your mind next time, ate."
