Bago pa ako magtungo sa ikalawang palapag pagkababa ng mga pinamili kong rekados at kukunin ang naiwang gamit sa silid ay maagap akong tinawag ni Nanay Tasing. Mahina ang boses, halatang ayaw iparinig kay Jericho na ilang dipa lang ang layo mula sa amin.
"Cel, nasa kabilang linya si Sir Rico. Kakausapin ka raw," I stopped on my tracks. Sakto ang pagtawag niya sa kalokohan ng anak niya. Hindi kaya nararamdaman niya ito kahit nasa malayo 'yan? You know, gut feelings and all that.
"Po? Bakit daw?"
"Hindi ko alam. Baka kakamustahin lang ang anak niyang pasaway."
Tumango ako. Sumulyap ako kay Jericho at nagulat dahil nagkatama saglit ang paningin namin.
"Susunod na po ako, 'nay."
"Celine..." rinig ko ang baritonong boses ng ama ni Jericho sa kabilang linya. Halatang pagod ito. Rinig pa ang maingay na pagtipa sa laptop.
"Yes po, tito."
"How are you?"
"Uhh, okay naman po."
"Ang anak ko, kumusta?"
"Still the usual po. Kayo po?" sige, Celine... Pagtakpan mo ang ginagawa ng alaga mo. Ikaw lang din naman ang malalagot sa huli.
"My wife and I, we may be back for few months. Siguro saktong graduation ni Jericho." I was taken aback. Hindi ko aakalain ito. Talaga? Malapit na ito kung gan'on. Tatlong buwan nalang!
"But can you please keep it as a secret first?" alangan niyang wika sa akin, "It's not yet sure. Fully packed ang schedule ni Jen—"
"Okay lang po," agap kong wika.
"Oh siya, sige. Pakipasa na kay Nay Tasing ang telepono. Just make sure Jericho's fine there. No monkey business, huh. I trust you, Celine."
See, parents feel everything.
"Take care, tito." mahina kong paalam bago binitawan ang telepono.
Buo ang tiwalang binigay sa akin ng mag-asawa. Handa na ba akong sirain 'yon para lang sa anak nila?
I should improvise our deal before it's too late. Baka mas lalong tumigas ang ulo niya sa pagkunsinti ko. That is not good.
"Ate," pagtatawag pansin niya sa akin. Pumipitik pa ang daliri sa aking harapan. Tila may sasabihin pa ito nang unahan ko na siya, "Your dad called."
Umayos siya ng tindig at dinungaw ako. Lumapit ang mukha niya sa akin at kuryoso akong pinagmasdan. "Anong sabi? Anong sinabi mo sa kanya?"
"Kinumusta ka lang."
"Yun lang? Are you sure?" paninigurado niya. May kung ano sa mata niya na hindi ko matukoy.
Imbes na intindihin ay babaliwalain ko nalang. Wala namang silbi pa iyon. He's just a kid, laging mapagtanong. "Oo."
"You're all prepped up." puno ko at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumama pa ang ilong ko sa dibdib niya sa sobrang lapit niya sa akin.
He took a step back and smiled, "Cecil will be here in a minute. Nakapagluto ka na ba ng makakain namin?"
"Si Linda na raw ang bahala. I need some air, lalabas muna ako. Masama ang pakiramdam ko."
"Okay..." his voice faltered. Nangunot ang noo. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Nagdire-diretso na lamang ako palabas.
Rinig ko ang mabibigat niyang yapag pasunod sa akin. He suddenly clasped my arms and tugged me, "Ate Cel..."
