A PROMISE IS A PROMISE :) ENJOY READING! XD
==
And so,pasukan na ulit! Im so excited dahil sabay na kami ni Chance,ngayon ko lang ito mararanasan!
Nakakabugnot lang talaga minsan dito sa PLP,ang haba ng pila sa gate,yung guard akala siguro may dalang bomba lahat ng estudyante! Ka imbey,pinagpapawisan na kili-kili ko ang aga aga pa lang!
"Oh panyo,napaka tanga mo talaga,ilang beses kita sinabihan na magdala lagi ng panyo." ani Chance at iniabot ang panyo,agad ko naman itong tinanggap.
"Ang sweet mo talaga!" sabi kong ganyan na ikinangisi niya. Kinuha nya sa akin ang panyo at siya ang nagpunas ng pawis ko sa mukha at leeg. Napatingin ako sa likod namin,nagbubulungan yung mga kasunod namin sa pila.
Pero hindi iyon pinansin ni Chance,kinuha ko ang panyo at siya naman ang pinunasan ko ng pawis.
"Ang sweet naman!" napalingon kami ni Chance. Si Lux pala kaya nginitian ko.
"Pwede mamaya na yan? Umaandar na ang pila oh?!" biglang sulpot na sabi ni Arloo,tiningnan siya ng masama ni Chance,ako naman ay tumahimik na lang.
Pagkatapos nung nangyari sa Rainforest,naging mas maalaga si Chance,hindi ko alam kung nakokonsensya sya o talagang nag aalala sya. Ayoko na din namang e-open pa yung tungkol sa paghalik niya kay Lux. Nakakamatay ang magselos ng walang rason.
Hinatid ako ni Chance hanggang sa tapat ng room.
"Hindi muna tayo sabay mag lunch,pero hintayin mo ako dito mamayang uwian." aniya at ngumiti.
"Sige,alam ko namang kayo naman ang busy ngayon." sagot ko naman. Yumuko si Chance,alam ko na ang mangyayari kaya pumikit na ako para hintayin ang paglapat ng kanyang malambot at matamis na labi sa aking labi.
"Excuse me." napadilat ako at napakurap. Napahiwalay kami ni Chance dahil sa gitna namin dumaan si Arloo!
"Tarantado--"
"Chance,huwag na. Pumunta ka na sa room niyo. I love you!" pamumutol ko,tumingkayad ako at mabilisan siyang ginawaran ng smack. Napapailing na lang si Chance na naglakad palayo.
Pagpasok sa room ay agad hinanap ng aking mga mata si Arloo,pero sinalubong naman ako nina Ritz at Summer.
"Walang palya talaga sa pagka sweet si fafa Chance." ani Ritz na kinikilig.
"Kamusta naman ang sembreak ng dyosang si Kiji? Masaya ba?" pagsegunda naman ni Summer.
"Ayos lang naman. Quality time with my family and Chance." sabi ko at naupo. Nakita ko pang lumapit si Khyerr kay Arloo,may sinabi at nagtawanan ang dalawa saka nag high five.
Pagbuhulin ko mga bayag ng mga ito mamaya.
Ganado akong mag aral,siyempre Im always inspired. Maya't maya ko nililingon si Arloo at iniirapan. Humanda ka sa akin mamaya,basag trip eh,pumikit na ako kanina tas dadaan siya sa gitna? Nangawit ang nguso ko kaka intay sa labi ni Chance.
Nung nag break na ay hindi ako mapakali na ewan. Pakiramdam ko kailangan kong puntahan si Chance,pero ano naman ang ira-rason ko?
Nagpalinga linga ako sa classroom,wala na si Arloo! Ang walangya,alam ata niyang papatigilin ko na ang pagdagdag niya ng edad! May pagka ninja pala ang gago!
Si Ritz wala na,ang nakita ko na lang ay si Summer na panay ang pagsuklay sa buhok. Wala ba siyang balak kumain? Ipakain ko sa kanya ang suklay niya eh.
Tumayo na ako at lumapit kay Summer. "Teh,samahan mo ako bumili ng pagkain na ihahatid kay Chance,samahan mo na din ako ihatid iyon kay Chance."
"And what makes you think na papayag ako?" aniya at tinaasan ako ng kilay. Napanganga ako,ano daw?
BINABASA MO ANG
Ang Bastos Sa Kanto II (COMPLETED!)
RandomPagkatapos maghiwalay nina Kiji at Chance ay muli silang magkikita after ng isang taon. Nandun pa din ba ang pag ibig? o magkakaroon sila ng kanya kanya ng buhay? may mga bagong taong dadating sa buhay ng dalawa,kakampi ba sila o kaaway? ating tungh...